Chapter 5

261 13 1
                                    

Donny's POV

Days passed so freakin' fast. 2 WEEKS na kaming naka-quarantine lagi lang nasa bahay pero hindi ko parin natatanong si Raine kung gusto nyang kumanta kasama ako.

Sa bahay man ako ay tuloy parin ang trabaho bilang artista. Ngayon ay meron kaming live concert, through live streaming. Kasalukuyan akong ininterview ng isang reporter.

"Hello Donny. Kamusta na ang iyong pamamalagi sa bahay mo? It's been 2 week since na quarantine tayo." Tanong ng reporter

Naka smile ako habang sumagot sa kanya "Hi po. Okay naman hahaha. Since walang taping binabawi ko talaga ang mga sleepless nights during these past few months lalo na't sunod-sunod ang taping namin"

"Mabuti naman Donny. So, pagkatapos ba ng quarantine na ito may bagong aabangan ang mga DONNYrifics? Bukod sa ongoing series mo na which is Lost in Love kasama ang ka-loveteam mo na si Hershey?" masayang tanong ng reporter sakin.

Napangiti lamang ako habang iniisip ko na nagrerecord na ako ng bago kong kanta while in quarantine tapos ay maisheshare ko sa aking mga fans! Pero, nawala ang ngiti ko nong naisip ko ulit na di ko pa pala natatanong ang gusto kong maka-duet sa kantang naisulat ko.

"Hmm. Tingnan nalang po natin. But, to give you a hint I had wrote a song po but I still don't know kung sino ang puwede kong makasama sa pagkanta nito"

"So obviously, duet ang kantang yun? Eh ba't di nalang si Hershy ang gawin mong duet? Diba magaling din iyon kumanta?"

"Yes po duet yon, but I think po na hindi po pupwede si Hershy because nga naka quarantine tayo ngayon. Gusto ko sana na while naka quarantine tayo ay maglalabas ako ng song, but let's just watch out nalang po " sagot ko habang medyo kinakabahan di ko alam kung bakit.

Natapos ang live concert. Kumanta ako kanina bago ako initerview ng reporter na yon. Sayang! Sana di ko muna sinabi yon baka mag expect ang mga fans. Hindi ko pa naman natatanong si Raine, kung okay lang sa kanya. Sana lang talaga ay pumayag siya, wala naman kaming ginagawa dito sa bahay.

After that I was drinking a glass of water dito sa aming kitchen when she went downstairs. Pagkakataon ko na to sabi ko sa isip ko, pero takot akong marinig ang sagot nya. In short, takot akong ma -reject. Pero wala nang atrasan to, bumaling ako sa kanya at tinanong sya kung gusto nya bang mag collab sakin. Nagulat naman ako sa sagot nya.

"Sige. Sure!" she replied happily.

"Oh?? Are you really sure ba?"

"OO nga! Kulit."

"Eh akala ko ba you don't like singing infront of other people?"

"Tss. Kinausap naako ni Hannah. Kaya g! Wala naman na akong magawa dito sa bahay nyo eh. Tyaka sabi nya na kailangan mo talaga ng tulong ko! Hahaha. 2 years mo raw pinaghirapang isulat ang kantang yan pero di pa narirecord kasi walang gustong maka-duet ka. Ansama daw kasi ng ugali mo" she was laughing so hard after she answered me.

Kahit yun ang sagot nya na wala daw gustong mag duet sakin dahil sa ugali ko, okay na sakin yon! Cold kasi talaga ako at madaling magalit lalo na't kung nagkakamali ang taong makakatrabaho ko. Pero alam kong sinabi lang ni Hannah yun para pumayag sya. We both know kung bakit hindi ko pa yon nairecord at kung bakit wala akong mahanap na makaka-duet. Good thing, pumayag sya!

So, the day after that we started rehearsing. We have a small studio naman sa house kompleto rin ang gamit. Isang linggo naming rehearse and buong kanta. And the day after that, nag record na kami. Si Hannah ang gumawa ng video kung saan lyrics lang ang nakalagay at voices namin in the background. Wala pang MV kasi nga di pa tapos yung lockdown. Maybe after nalang ng epidemic na ito.

YOU ARE MORE THAN THAT (COMPLETED)Where stories live. Discover now