F L A S H B A C K
4 years old palang ako noon, nakitaan na ako ni Lola Mio ng talent sa pagkanta. Mahilig raw ako nun kumanta ng mga kung anu-ano, at sinusundan ang mga tono at liriko ng mga kantang naririnig ko sa radyo, kahit hindi pa man niya gaanong maintindihan ang aking mga sinasabi. Anim na taong gulang ako nung una akong sumalang sa isang singing contest sa aming barangay, natatandaan ko pa noon kung paano siya magkandarapang ipasok ako sa iba't-ibang contest sa aming lugar. Ang pinaka-unang kanta na aking nasaulo ay ang "Bituing Walang Ningning", tagalog na kanta kaya't madali para saaking sundan iyon at hindi rin to masyadong mahirap na isaulo.
Sa edad na sampung taong gulang, marami na akong mga contest na nasalihan. Marami rito ay umuwi akong panalo, ngunit meron ding mga pagkakataon na umuuwi kami ng luhaan. Pero tanggap naman namin iyo ni Lolo dahil ayon sa kanya "hindi magiging kapani-paniwala ang buhay ng isang tao kung puro sarap at pagkapanalo lang iyong napagdadaanan, kailangan mo rin minsang maramdaman ang lungkot at pagkatalo upang mas maunawaan at maging mas matibay ka sa panahong ikaw ay nabubuhay pa".
Si Lolo Mio ang aking laging kasama tuwing meron akong sinasalihan na mga patimpalak sa aming lugar. Masaya kaming dalawa lagi pag kami ay magkasama. Ngunit isang gabi nagbago ang lahat! Pauwi kami noon ni Lolo galing sa isang contest, masayang-masaya at nagdidiwang pa kami sa sobrang galak sa gitna ng kalsa.
Sobrang dilim narin noon siguro ay mga alas onse na iyon ng gabi. Malapit na kami sa bahay, ng biglang may tumigil na dalawang motor sa aming harapan, hindi ko nakita ang kanilang mga mukha! Bigla nilang hinablot ang maliit na bag na dala-dala ni Lolo kung saan naka lagay ang perang napanalonan namin, mahigit walang libo rin ang laman noon. Nagsisigaw si lolo ng tulong habang ako naman ay pinatakbo nya roon sa may iskinita. Sobrang bata pa ako kaya hindi ko gaanong maitindihan ang nangyayari at hindi ko rin alam ang aking gagawin kaya sumunod nalang ako sa kanyang sinabi. Patuloy na inaagaw ni Lolo Mio ang aming bag mula doon sa dalawang lalaki na humbalot kanina pero, tumigil ang mundo ko ng biglang napahiga si Lolo sa kalsada.
Hawak-hawak nya ang kanyang kaliwang dibdib, at doon ko lang naintindihan ang lahat. Inaatake si Lolo, merong siyang sakit sa puso na hindi na niya kayang ipagamot dahil nga wala naman kaming malaking pera. Ngunit kahit ganon na ang kanyang posisyon hindi parin nakontento ang mga magnanakaw. Sinaksak pa ng isang lalaki si Lolo ng tatlong beses sa harapan ko, at ng naghihingalo na si Lolo ay nagkandrapa na silang magsisakay sa kanilang mga motor at pinatakbo ito ng pagkabilis-bilis!
Nang maka-alis na ang mga walang pusong taong iyon ay tumakbo na ako papalapit kay Lolo habang umiiyak! Hindi ko talaga alam ang aking gagawin, nakikita ko sa aking harapan ang pinkamamahal kong tao na siyang tanging pamilya ko, nakahandusay at puno ng dugo sa gitna ng madilim na kalsadang ito. Ngunit bago pa si Lolo mawalan ng buhay meron pa syang isang salitang binitawan, "buhay siya". Yon na lamang ang kaniyang huling nasambit bago pa sya tuloyang mawalan ng buhay.
Lumipas ng ilang minuto habang patuloy akong lumuluha at pinagmamasdan ang aking Lolo ay dumaan ang patrol ng mga armadong pulis na noon ay nagroronda ngunit sa kasamaang palad ay hindi sila umabot sa nangyari kani-kanina lamang. Dinala nila ang labi ni Lolo sa funeraria at doon ko rin unang nakilala si Nanay Selia. Siya ang anak ni Lola Nena, nabatid ko rin noon na hindi makakapunta si Lola noon dahil nasa maynila sya at nagtatrabaho, ngunit kinaumagahan nabalitaan kong sa susunod na linggo ay makakuwi sya.
Simula noon, kinupkop na ako nina Nanay Selia. At oo, ampon lamang nila ako. Si Lolo Mio at Lola Nena naman ay matalik na magkaibigan simula pa noong kabataan nila kaya kahit mahirap sina Lola Nena ay inampon parin ako ng kanilang pamilya. Dahil rin sa pangyayaring iyon, napilitan akong tumigil sa pagkanta lalo na't tinamin ko sa isip ko na yun ang dahilan kung bakit namatay ang kaisa-isang taong nagmamahal at nag-aruga sakin, ang nagiisa kung pamilya.
Lumipas ang mga taon, lumaki ako sa puder nina Nanay Selia at Tatay Rimo. Mababait sila at mapagmahal. Hindi nila ako inaalila kahit hindi naman nila ako kadugo. Meron rin akong mga mababait na nakababatang kapatid. Noong dumating ako sa buhay nila ina at itay wala pa silang anak, kahit sampung taon na silang kasal kaya nung inahabilin ako ni Lola Nena sa kanila ay hindi sila nag dalawang isip na tanggapin ako, tinuturi rin nila akong swerte sa buhay nila dahil isang buwan pagkatapos nila akong kupkupin ay nagbuntis si Inay ng kambal na pinangalan naming "Ara at Ana" nang dahil doon mas naging mas masaya na kami at unti-unti ko naring nalilimutan ang malagim na sinapit ng aking Lolo Mio mula sa mga taong pumatay sa kanya noon. Kasabay ng aking pag-papatuloy ng aking buhay at pagtanggap sa nangyari saking Lolo ay ang paglimot ko rin sa pagkakanta.
End of Flashback
Donny's POV
The tear from her eyes keeps flowing out, while she is sharing her hurtful and unforgettable past to us. I can't help but also cry. Hannah went closed to her and hugged her. I also went near them and joined their "hugging session".
"I'm sorry. We didn't really mean to hurt and see you like this." I said while hugging the both them and tears still escapes from my eyes.
"We didn't know na super sakit ng mga ngayari sayo noon. Sorry at napilitan kapang sabihin samin lahat." Hannah whispered silently to Raine ang kita ko rin ang mga luhang patuloy nyang pinapakawalan.
Raine did not say a word. She just cried and cried. Siguro ay narinig kami sa baba kaya nakita kong umakyat si Yaya, and when another tear falls of from Raine's eye. She knew that her deepest secret was now shared to us.
We spend more than 2 hours talking sa may veranda after that, with Yaya Nena na. We understood the experiences of Raine and sobrang nakaka-awa talaga nya. And I know from that time on, she's really pure and kind. Nasabi nya samin na hindi rin nila nahuli ang gumawa noon sa kanyang Lola because first a lot of money will be spend just to find that criminals and second bata pa sya noon at hindi pa niya talaga alam ang kanyang mga gagawin.
"Salamat at nakinig kayo sa mga kadramahan ko sa buhay." Mahina niyang sambit.
"Apo, hindi masamang sabihin mo sa iba ang iyong pinagdadaanan para meron karing mga masasandalan. At paniwala akong, nauunawan ka nila Hannah at Donny. Hindi ba mga anak?" tanong ni Yaya Nena samin.
"Of course Raine! What are friends are for! And I'm so thankful because you trusted us when you spill what really is happening to you.." Hannah replied in a very calm tone. She looked at me and I just smiled out of despair.
"Sige na at meron pa akong gagawin sa baba. Maiwan ko na kayo dito" umalis si yaya Nena at naiwan na naman kaming tatlo sa veranda.
"I think, I need to go na rin. I have a Live session pa kasi akong gagawin with Sunflower Records. Kuya take care of her and don't question na ha." Binatokan nya pa ako bago sya umalis.
At ngayon dalawa nalang kami ni Raine. I'm looking at her while she's staring somewhere. I could still see the pain in her eyes. The longing for her long lost grandfather...
And then I remembered, "buhay siya" she said it kanina. The last words of her grandfather. What does that even mean? Should I asked her? When I was about to say another word tumayo na sya at nagpaalam na gusto nya ng magpahinga muna, and so I let her.
Now I'm alone at my room at binabagabag parin ako ng last words ng lolo nya..
Should I help her look for whatever her lolo means about his last words?
YOU ARE READING
YOU ARE MORE THAN THAT (COMPLETED)
FanfictionYou maybe a very simple and innocent woman you still can't resist the charm of a Pangilinan. Would LOVE change their thoughts about being in a relationship with someone who doesn't have a good life with someone rich? Would they know that you are mor...