Chapter 4

285 12 2
                                    

Raine's POV

NEWS FLASH:

Today at Metro Manila number of positive cases for NV (Notorious Virus) rises to 5. Government is now having their meeting regarding on this situation and after a lot of speculations and under takings with the case, President Luis announces TOTAL LOCKDOWN in the whole Metro, Manila starting tomorrow April 23, 2019 at 12:59 AM. For other provinces, they are still in the process of discussion. For more updates continue to tune in only here at ZBTV.

Ano daw? Kabago-bago ko dito sa Manila tapos kumalat na nang bongga yung Virus? Grabe naman! Lockdown agad di manlang ako nakalabas dito. Nako paano na yan? Di ko maaasikaso ang mga kailangang asikasohin sa bagong school na pag-eenrolan ko. Malungkot ako habang iniisip ito pagkatapos marinig ang anunsyong iyon sa tv.

Nandito kami sa sala nila Lola, Donny, Ma'am Mary at iba pa nilang kasambahay dahil nabulabog kaming lahat sa malakas na sigaw ni Ma'am Mary kanina, akala namin ay kung ano na ang nangyari sa kanya iyon pala ay nanunuod lamang ito ng mga balita.

"Omg!! That's crazy!" matining na sigaw ni Hannah na ngayon ay pababa palang ng hagdan bitbit ang kanyang iPad na hula ko ay nagbabasa o nanunuod din ng balita. Pinakita nya samin ang iPad at tinuro naman sya ni Donny na tingnan ang TV.

"Grabe jusko po! Ano na itong nangyayari? Nong isang araw lang ay nasa China palang ang virus na iyan bakit nakapasok dito?" mangiyak-ngiyak na tanong naman ni Lola.

"Kasi naman ang immigration di manalang nag ban ng mga Chinese! talagang kakalat yan dito dahil di sila humuhigpit sa mga turista lalo ng mga galing sa China. Hayyy! This is gonna be a disaster!" sagot naman ni Ma'am Mary.

Tulala lang ako sa kanilang lahat habang nag uusap-usap sila, dahil iniisip ko parin ang pagdating ng pasukan. Bumalik na lamang ako sa wisyo ng katokin ni Donny ang ulo ko.

"Aray! Bakit ba?" sigaw ko pa sa kanya. Di ko rin inaasahan ang pagsigaw ko nagulat kasi ako eh.

"Oh. Nagulat ka ata?" natatawa nya pang tanong.

"Halata naman uy!" pabalang na sagot ko naman sa kanya.

"Di mo ba narinig ang sabi ni Mommy?" tanong niya ulit.

"Yung alin ba?" taka kong tanong na medyo may bahid na galit ang tono.

"Were gonna go get some groceries" walang emosyong tugon nya sa tanong ko.

"Ha? Diba lockdown?" nagtataka kong tanong ulit.

"Tsss! Di ka nga talaga nakikinig! Just go change. Dali-an mo! I'll be in the car in 5. Hannah you go with us" baling nya sa kapatid.

Dali-daling umakyat si Hannah upang magbihis, umakyat na rin ako pabalik sa kwarto ko. Nagbihis at nagpaalam kay Lola at Ma'am Mary. Nagbigay narin sya ng lista kong ano-anu ang aming mga bibilhin.

Donny's POV

Nasa sasakyan nako ngayon at hinihintay parin si Ulan kami ang inutusang pumunta sa Grocery store kasama si Hannah. Di pa kasi nakaluwas mula sa probinsya ang aming driver na paniguradong hindi pa makakalabas lalo pa't mag la- lockdown na ang buong metro manila simula mamayang hating gabi.

Grabe nakakatakot ang virus na kumakalat ngayon di ko talaga inaasahang makakapasok yun dito. Bumukas ang pinto sa likod at sumakay na si Raine. Pagkadating namin sa grocery store nag paiwan ako sa sasakyan dahil hindi ako pwedeng pagkagulohan sa loob. Pagkababa nila nag soundtrip lang ako at nagisip ulit ng way para ma papayag ko si raine na maging ka duet ko sa kantang sinulat ko 2 years ago.

Tatlong oras na akong naghihintay sa kotse ng may tumawag saakin na unknown number.

"Hello?" taranta ko pang sagot

"Donny si Raine to4, tapos na kaming mag grocery baka pwedeng sa pumunta kana sa exit ? Don na kami papunta ngayon masyadong mabigat ang mga dala namin eh" si Raine sa kabilang linya.

"Oh. Okay" at binaba ko na ang tawag.

"Kuya!! Here!" si Hannah while waving her hands. Di ko kasi sila agad napansin dahil sa dami ng tao. Panic buying na ang lahat, pero mas mabuti ng ready. Inilapit ko sa kanila ang sasakyan at binuksan ang likod ng aming Blue Ford Eco-Sport car.

"Grabe a lot of people are in there. Nakakahilo! My gash!" reklamo ni Hannah habang nag dadrive na ako pauwi sa Village.

"How much naman ang na gastos nyo?" tanong ko sa kanila.

"How much nga ba yon raine? Can you please check the receipt?" si Hannah kay Raine

"Hala! Hannah!" napasigaw sya matapos tingnan ang resibo.

"Bakit?"

"Grabe ang laki ng na gastos natin!" gulat nya naming sagot ulit

"Magkano ba?"

"25k grabe pang kalahating taon na naming budget ito!!!" tili nya ulit

Tumawa kaming magkapatid sa kanya dahil sa reaksyon niya! Pero napaisip rin ako na ang swerte din pala naming ng sobra kasi ang pang isa or dalawang linggo lang naming grocery ay pang kalahating taonang budget naman na ng iba.

"Kasi girl marami tayo sa bahay. Chill kalang at isa pa hindi naman na tayo makakalabas for the next few days kaya mas okay na ready tayo! Right?" baling ni Hannah saakin.

"Right!" sagot ko naman.

Gabi na nung dumating kami sa bahay, mahigit tatlong oras kasi kaming nastuck sa traffic! Naghapunan kami at pumasok nako sa kwarto . Ngayon, naisip ko na naman si Raine. Ilang araw palang kaming magkasama pero marami na akong natututonan sa kanya. Napahiga na lang ako sa kama ko habang nakikipagusap sa mga barkada ko through viber message at nakatulog narin.

Raine's POV

Alas syete na at kakadating lang namin dito sa bahay nila Donny natapos na kami sa pag grocery naka paghapunan narin ang lahat. Di parin ako maka-get over kaya kinuwento ko kay Lola ito. Natawa lamang sya sa mga reaksyon ko.

"Ganyan talaga sila apo. Marami tayo dito kaya marami rin ang gastos nila" si Lola.

" OO nga po eh. Sana all" natatawa kong sagot.

"Oh sya, aayusin ko na itong mga binili nyo at ikaw bumalik kana sa kwarto mo alam kong pagod kana at wag mo masyadong isipin ang mga gawaing bahay. Ayusin mo na lamang ang mga gamit mo doon sa kwarto mo"

"Opo. Mauna na po ako la. Mag pahinga narin po kayo ha gabi na rin eh"

Niyakap ko si lola at nagpaalam na ako sa kanya bago pumunta sa taas at bumalik sa kwarto ko nadaanan ko ang kwarto ni Sola at himbing na himbing na itong natutulog.

Lumipas na ang ilang araw. Ikalawang linggo ko na dito at gayun din ang lockdown. Naka quarantine parin kaming lahat dito sa loob ng bahay wala na kami halos magawa. Kain, Laro kay sola, nuod ng tv, Maglaro rin kay Kiwi na aso ng magkakapatid, matulog at syempre gumising. Yan lamang aming nagagawa dito sa bahay. Minsan naman nakikita ko sila ma'am Mary, sir tony at Donny na nag wowork out sa kanilang mini gym dito lang rin sa loob ng bahay. Meron kasi silang isang room na puro pang work out equipment lang ang nandoon.

Nakakatuwang isipin na kahit konti palang ang mga araw ng pamamalagi ko dito ay hindi ko kailanman na isip na hindi ko sila ka ano-anu. Mabait silang lahat buong pamilya nila. Tinatrato nila ng maayos ang mga katulong nila at pamilya narin ang turing sa bawat isa.. Napakapalad ko at napili akong scholar ni Ma'am Mary..

________________________________________________

Hello Everyone!! Guys please comment kayo sa mga suggestions nyo.. silent readers kayo lahat eh hehe gusto ko rin malaman mga thoughts nyo lol!

Please follow me po dito sa wattpad for more updates and stories. I'm trying to write another story po. One shot collections. Kaya sana support-support naman jan mga kaUNICORNS hhhaha!

Thank u sa lahat ng nag babasa!! Naaapreciate kop o lahat kayo at mas maaapreciate ko rin ang mga comments and votes nyo!! 

---The AUTHORidad Charot

YOU ARE MORE THAN THAT (COMPLETED)Where stories live. Discover now