Chapter 2

389 14 0
                                    

I'm back gals. So ngayon lang ulet ako nakapag-update hehe akala ko walang nagbabasa pero meron naman pala. Ehehe this is just I think short ud lang. But HAPPY READING. Share your thoughts on the comments guys😊






Raine's POV

Pagkadating namin sa mall ay dumiretso agad sila sa isang Ramen restaurant. Di ko nga alam kung ano ba oorderin ko don puro lang naman noodles hahaha.

First time kong pumasok sa restaurant na iyon, sa probinsya kasi sa karinderia lang kami kumakain o di kaya'y lutong bahay ni inay. Nung nasa loob na kami, medyo ang tanga ko nung sinabi kong pritong manok tyaka kanin yung order ko! Doon ko lang ulit naisip RAMEN RESTAURANT pala iyon. Nakakahiya!! Buti nalang sinagip ako ni lola, siguro ay ilang beses na siyang nakakain rito kaya't alam niya na ang dapat inoorder.

"Ate is it your first time here?" Tanong ni Sola.
"Ah oo! Actually first time ko sa manila at sa mall narin na eto" ngumisi lang ako sa kanya. Di naman na sya nagtanong kaya kumain na kami.

"Kuya can we watch ba some movies? Early pa naman eh" si hannah.

"Hmmm. Is it okay lang ba kuya?" Tanong naman ni sola.

"Oh sure. Let's watch movie. Are you coming with us ba yaya and raine?

"Oo naman iho, kailangan kong bantayan si sola at baka anong mangyari sakanya'' sagot ni lola kay sir donny.

"Then its a go!" Masayang sabi ni hannah.

Pagkatapos naming kumain ay dumiretso na kami "movie house" kuno ng mall na iyon. Grabe ang mahal pala ng ticket! Pwde nang pang kain na tatlong beses sa isang araw.

Bumili sila ng ticket at mga pagkain na kakainin nila habang nanunuod ng sine. Nang makapasok na sa sinehan naghanap kami nang mau-upuan na magkakatabi. Isang fantasy movie pinanuod namin ayaw sana ni hannah dahil mas gusto niya ng horror movie pero dahil kasi naman si sola eh hindi pupwede kasi R-18. Pagkatapos mag sine ay nagshopping na silang tatlo ay umuwi narin kami.

"Oh yaya ba't ngayon lang kayo? Akala ko ba ay nag gym lang tong mga batang eto? Tanong ng isang babaeng nagbukas ng napakataas at malaking pinto ng bahay, mga nasa 40's na sya at hula ko ay ito si Maam Mary ang ina ng magkakapatid na ito ang ang magiging amo ko dito.

"Pasensya na po ma'am at nahuli kami ng uwi kasi dinaanan po namin ang apo ko sa airport iyong si raine po na magiging scholar nyo po" sagot ni Lola.

"And you are Raine?" Bumaling naman sya saakin.

"Ah. Opo maam. Ako po si Sharaine De Pedro." Sagot ko naman sabay lahad ng aking kamay.

"Hello dear. Welcome sa aming bahay! Habang nagaaral ka ay dito kanarin muna titira sa bahay. Okay? Nakangiti nyang sambit.

Di ko matago ang saya na aking nararamdaman sa pagkakataong iyon kaya tumango lang ako sa kanya habang nakangiti ngunit di ko maintindihan dahil titig na titig parin ito sakin habang nakangiti rin.

"Mom! Dito rin po kami" natatawang sabi ni Hannah.

"Oh hi baby. Sa wari ko ay nagkakilala na kayo?"
"Yes mommy! We went to the mall after namin sunduin si ate raine" masayang kinuwento ni Sola ang aming mga ginawa sa mall habang ako ay inihatid na ni lola sa magiging kwarto ko.

Nagulat ako dahil hindi ko sya makakasama sa iisang kwarto.

"La, bat di nalang ako don sa kwarto mo?
"Apo, hindi pwede. Dito ka sa guestroom hindi ka pwede sa maid's quarter dahil hindi ka naman katulong dito eh at sabi naman ni madam mas mabuting mag focus ka sa pag aaral mo at hindi sa mga gawain bahay"
"Po? Pero," makikipagtalo pa sana ako ngunit hindi na ako pinagsalita ni lola at sinabihan nalang akong ayusin na ang aking mga gamit.

--------------------------
Lol sorry lame ud. I'll try my best guys na mag update lagi ah. Sorry natatagalan medyo busy kasi.

Btw sa mga readers, comment kayo sa mga suggestions nyo hehe I'm open for them..

Thanku!!

YOU ARE MORE THAN THAT (COMPLETED)Where stories live. Discover now