Ikalawang Kabanata
I really don't understand what just happened earlier. Di ko alam kung totoo ba yon or hindi pero anyway, ano naman pake ko don? I laughed at my thoughts, buhay naman nila yon.
Naglakad kami ni Maria papuntang KFC, paborito kasi namin kaya doon kami lagi kumakain pag umaalis kami. Habang kumakain kami, tinanong ko na ulit sa kaniya kung paano niya nakilala nang ganoon si Mr. Marcelo.
"Si Sir kasi, lagi siyang pumupunta ng shop ng alas onse o alas dose. Kaya siguro natiyempuhan mo yung pagdating niya noong isang araw. Teka, kailan mo siya nakilala?"
"Naging prof kasi namin siya siguro noong isang linggo pa kaso kasi, may binanggit siya noong araw na naabutan ko siya sa shop."
"Ano naman yun? Kasi lagi daw siyang may hinihintay kapag pumupunta siya sa shop, di ata siya sinisipot or date niya nga talaga?"
Ngayon, napaisip ako tungkol doon sa sinabi niya nung gabing naabutan ko siya sa shop. Tinanong ko kung bakit niya binigay sakin yung kape, sabi niya busy daw sa something tungkol sa baso.
Hindi bale, bahala na. Pagkatapos naming kumain at mamili ni Maria ay umuwi na kami at nagreview na ulit ako para sa exam ko bukas. First subject ko pa naman si sir, kaya kailangan kong magreview ng maigi, ang hirap ng mga tanong sa subject niya eh.
Pagkatapos kong magreview ng dalawang oras ay dinalaw na ako ng antok kaya natulog na ako para bukas.
Kinabukasan, maaga akong nagising para maghanda sa pagpasok. Di ako pwedeng malate. Alas sais pa naman pasok ko. Mag-aalas singko na. Kumain na ako at naligo para makapaghanda na sa pagpasok.
Thirty minutes bago mag alas sais ay nakaalis na ako ng bahay at quarter to six nang makarating ako sa university.
Mabilis akong pumunta sa room at naupo para ihanda ang scratch papers at ballpen para sa exam. Mabuti nalang at saktong alas sais dumating si sir para isang oras kaming makapag-exam.
Tumayo kami at bumati.
"Good Morning class. You may take your seat." seryoso niyang sagot.
"Bring out your pen and some papers as scratch for your exam. This is a forty item test, and I'm giving you my whole time to finish your exam. Is it clear?" tanong niya nang hindi inaalis ang tingin sa mga papel na binibilang para ibigay sa nasa harap.
Iniiwasan kong tumingin sa kaniya kaya ibinaling ko ang atensyon ko sa ballpen ko na pinaglalaruan ko kanina pa.
Ipinasa na ang mga papel at nagsimula na kami sa pagsagot.Mabuti nalang at hindi masyadong mahirap ang exam kaya nasagutan ko lahat sa loob ng isang oras.
Ngunit, napansin ko na hindi tinatanggal ni sir ang tingin niya sa akin habang sumasagot kahit na umiikot siya sa buong silid. Hindi ko na lang siya pinansin at nagfocus nalang ako sa pagsagot ng mga tanong.
Pagkatapos kong sumagot ay tinawag ako ni sir.
"Ms. Dela Rosa, pakidala ang mga test papers niyo mamaya sa table ko. Hindi pa tapos ang iba mong kaklase. Pag dumating ang next prof niyo ay ipasa niyo kay Thea ang mga papel niyo kasama ang solutions niyo. I have a meeting to attend." nagulat ako sa huli niyang sinabi.
Lumabas na siya ng room at ako'y nakatulala sa aking upuan sa tinawag niya sa akin kanina. Ito ang unang beses na tinawag niya ako sa unang pangalan ko. Well, siguro di lang ako sanay na ganoon niya tawagin ang estudyante niya.
Pagkatapos sumagot ng mga kaklse ko, kinolekta ko na ang mga papel para hindi na kami maabutang nagsasagot ng susunod naming prof.
Sa mga sumunod na subject ay sunod-sunod lang ang mga exam. Malapit na kasing magsembreak kaya siguro tinatapos na ang mga exam para wala nang asikasuhin kapag pasukan na ulit.
Nang matapos ang huling klase ko ay dinala ko na ang mga papel sa table ni Mr. Marcelo nang makita kong wala na ang bag niya ay naisip ko na baka umuwi na siya.
Kaya nang mailapag ko ang mga papel ay nagulat ako sa biglang pagbukas ng pinto ng faculty room.
Bumungad ang malakas na amoy ng pabango ng lalaki at nilingon ko agad kung sino ang pumasok.
Pumasok si Mr. Marcelo sa faculty room at nakita ko siyang pawisan at halos hinihingal. Pero ang bango niya ay agad natakpan ang itsura niyang pawis na pawis. Nangibabaw ang kagwapuhan niya sa suot niyang polo at jeans.
"I'm sorry to keep you waiting Ms. Dela Rosa." Okay, back to formal na tawagan nanaman. "Traffic kasi kaya natagalan ako."
"San po ba kayo galing sir?" tanong ko habang tinitignan siya ng mabuti.
"I just went to the mall to buy some stuff."
Halata namang nagsisinungaling si sir. Mukhang nakipagdate, kita ko yung pulang marka sa leeg niya eh. Sa bagay, gwapo eh, talagang maraming magkakagusto sa kaniya.
"Ahh sige po sir, mauuna na po ako." sabi ko ngunit bago pa ako makalabas ay hinarang niya ang daanan ko.
"Pwede mo ba akong samahan bukas? May bibilhin sana ako sa mall para sa project niyo bago magsembreak. Medyo marami yun kaya baka mahirapan ako."
"Wala ka bang sasakyan sir?"
"Meron naman, baka mahirapan lang ako magbuhat."
"Sige sir, sabihan ko nalang si Mark para samahan ka. May date kasi ako bukas eh." Kunwari lang para makalusot ako.
"Huh? When did you start dating a guy? You never had a boyfriend right?" Hindi ko alam kung bakit niya alam na never pa akong nagkarelasyon.
"Paano mo naman nalaman sir?" kuryoso kong tanong.
"Uhh, nasa itsura mo kasi ang disente at responsableng ugali kaya naisip ko lang."
"Weh? Baka naman may tinanong ka sir?" medyo natawa ako.
"Do you think I'm kidding Ms. Dela Rosa?" seryoso na siya.
"Sorry po sir. Sige po mauuna na po ako." tumalikod na ako para lumabas na sana nang bigla niyang hawakan ang braso ko para pigilan ako.
"Wait, sorry kung medyo seryoso ako. Pagod na kasi ako. Payag ka ba bukas?" hindi ako nakasagot agad dahil sa hawak niya sa braso ko.
"Okay sir. Pero in one condition." napakunot ang noo niya sa huling sinabi ko.
"Ano yun?"
"Hindi tayo kakain, pagkatapos nating mamili, uuwi na agad ako, hindi mo na ako ihahatid."
"What? Yun pa naman ang balak kong gawin bu--" pinutol ko na agad ang sasabihin niya
"And, hindi mo rin ako susunduin, mag-isa akong pupunta sa mall."
"Are you really serious?"
"Mukha po ba akong nagbibiro Mr. Marcelo?" sabay kibit ko ng balikat.
"Uhh, no. Okay. If that's what you really want then I don't have any choice but to agree." yumuko nalang siya nang bahagya para bang nabigo ang lahat ng plano niya bukas.
"Okay sir. Goodnight po." tinalikuran ko na siya para makaalis ngunit nagsalita muna siya bago pa ako makalabas.
"Goodnight, Thea."
PLEASE VOTE AND SHARE
YOU ARE READING
Sounds of History
RomanceThea shares a wild, exciting and romantic week with the man she has only loved. They express their feelings for each other, and he tells her of his desire and promise to stay with her forever and build a life together with her. They fall asleep one...