Unang Kabanata
Alas dose na nang makauwi ako ng bahay, at gumugulo pa rin sa isip ko yung sinabi ni Mr. Marcelo kanina.
Bangag na kasi ako eh kaya hindi ko na maalala yung sinabi niya, basta ang naalala ko lang ay yung sabi niyang mugs daw ganon.
Pero hindi ko na muna iisipin yon dahil kailangan ko nang mag-review para sa exam namin sa lunes. Accounting. Business Law. Event Planning. Grabe kailangan kong mag-focus.
Nagbabasa ako ng libro nang biglang tumunog ang cellphone ko sa text ni Maria.
“Sis, gala tayo bukas?“
“Sorry sis, di ako makakasama, kailangan ko muna mag-review para sa exams ko. Tsaka magsisimba kami bukas.“
“Ahh sige, mamaya?“ mapilit talaga to.
“Oh sige na nga, sasama na ako, pero saglit lang ha.“
Sayang din naman kasi minsan lang kami makagala nang magkasama.
Tsaka may kailangan nga din pala akong bilhin para sa mga project ko.“Yey, sige sis, good night, see you later!“ di halatang excited?
Pagkatapos ng pag-uusap namin ay dinalaw na ako ng antok kaya natulog na ako.
Alas nuebe nang magising ako sa tawag ni Maria.
“Sis, ano ready ka na?“ seryoso ba to?
“Ha? Alas nuebe pa lang, wala pang bukas na mga mall, ayos ka lang teh? “ tanong ko habang pinupunasan ang salamin ko.
“Wala lang, tinanong ko lang kung ready ka na kasi baka mahuli ako, alam ko kasi na early bird ka. Yung usapan nating 12 minsan 10:30 palang nandun ka na eh.“ Loka loka talaga to.
“Abnormal ka talaga, ang OA mo! Anong oras ba mamaya?“ Naglakad ako pababa at dumiretso sa kusina para magtimpla ng kape.
“Mga 1 nalang, pero originally 12 pero inextend ko kasi alam kong pag usapang 1, 11:30 nandun ka na hahaha.“
“Bwiset ka! Sige na see you later!“
“Okay, Bye!“ putol niya sa linya habang tumatawa.
Habang nagtitimpla ako ng kape ay nakita ko si mama na pumasok sa kusina
“Oh anak, kamusta ang pag-rereview mo para sa exam?“
“Okay naman ma, aalis po kami ni Maria mamaya ha, pero uuwi naman po ako agad.“
“Oh sige anak, mag-iingat ka ha.“
Pagkatapos kong uminom ng kape at mag-almusal ay naligo na ako para makapaghanda na sa gala namin ni Maria.Nung una ay nahirapan akong mamili ng damit pero agad ko namang nakita yung denim pants ko tas yung yellow striped shirt ko kaya hindi na ako natagalan sa pagbibihis.
Naglagay lang ako ng lipstick at foundation bago umalis. Tinignan ko ang orasan, 12:30 na pala?! Grabe first time to na medyo mas late ang pag-alis ko. Kaya naman pumara na ako ng bus para makasakay papuntang Gaisano Mall dito sa Davao. Isa lang ito sa malapit na malls sa university ko kaya ito lang yung isa sa alam ko.
Pagkarating ko roon ay naghintay ako sa entrance ng mall at nagtipa ng text para kay Maria.“Dito na ako sa entrance, saan ka na?”
“Nakasakay na ako ng jeep. Wait mo ako.“ buti naman, akala ko nag-aayos pa rin siya eh.
Umupo muna ako sa upuan sa labas. Habang hinihintay ko si Maria ay nagbasa muna ako sa facebook at nakita ko ang post ng iba kong schoolmate.
“Grabe natapunan ng isang babae si Mr. Marcelo sa school? Gwapo-gwapo nun eh.”
“Nakakahiya siguro kay ate girl yung nangyari sa canteen.“
Buti naman at walang picture! Nakahinga ako ng malalim nang biglang mahulog ang cellphone ko dahil sa biglang pagdaan ni Mr. Marcelo sa harapan ko!
Ano naman ginagawa niya dito?
Tinignan niya ako at bumati.“Good Morning, Ms. Dela Rosa.“ bati niya ng may seryosong tingin.
“Good Morning po Sir. Ano po ginagawa niyo rito?“ kyuryoso kong tanong.
“Nothing, just strolling through the mall, window shopping I guess?“ woah…
Ang weird din pakinggan na manggaling sa kaniya yung word na window shopping at mag-isa siya hahaha, unusual lang kaya nakakatuwa.
“How ‘bout you Ms. Dela Rosa? Waiting for your date or something?“ nanlaki ang mata ko sa tanong niyang iyon.
Ano daw?! Date? Eh wala ngang nanliligaw sa akin eh. Pero sa bagay, di niya naman kasi talaga ako kilala.
“Uhh, hindi po sir! Hinihintay ko lang po yung kaibigan ko, si Maria.“
“Your co-worker at the coffee shop?“ nagkibit siya ng balikat at tumango nalang ako.
Tumango na rin siya. At sa gitna ng katahimikan ay saktong dumating na rin si Maria. Buti naman, akala ko aabutin ako ng oras kakahintay nang kausap tong si sir eh. Ang awkward pa naman.
“Uy sis, eto na ako. Sorry natagalan ako.“ tumingin ako sa orasan at saktong ala una na ng hapon. Hindi naman siya late, maaga lang talaga ako.
Hinihingal pa siya sa pagtakbo nang makita niya ang nasa harap namin ay umayos siya ng tindig at inayos ang sarili.
“Engr. Marcelo?“ nagtataka niyang tanong.
“Kilala mo siya?“ bulong ko sakanya sabay tingin kay sir na matalim akong tinitignan, para bang naninimbang ng kilos ko.
“Oo, frequent customer yan sa shop eh.“ nagulat ako sa sagot niya kaya agad na akong nagpaalam kay sir at hinila si Maria papasok ng mall.
“Bye sir! See you po sa Monday!“
Nang makapasok kami sa mall ay binitiwan ko na si Maria at dumiretso sa comfort room, doon ko siya kinausap.“Frequent customer pala yun si sir?“ naglalagay siya ng make-up kaya hindi siya sumasagot, o baka hindi niya lang ako naririnig?
“Si Engineer? Oo, lagi siyang nasa shop, kumbaga simula nung nag-apply ka don, halos lagi na rin siyang bumibili roon.
Pero nakakapagtaka lang kasi wala siyang dalang gamit lagi kapag pumupunta siya doon.“ nakikinig naman pala.
“Hala, siguro di ko lang siya nakikita kasi hanggang alas nuebe lang ang shift ko. Anong oras ba siya bumibili? “
“Bakit mo tinatanong?“ tingin niya sa akin habang naglalagay ng lipstick.
“Wala naman, curious lang ako.“ at dahil tapos na ako ay sinarado ko na ang bag ko.
“O siya, mamaya na natin pag-usapan yan, kain muna tayo nagugutom na ako eh. Hintayin kita sa labas ha.“ sinarado na niya ang bag niya at lumabas na ng cr.
Naiwan ako sa loob ng cr dahil naghuhugas ako ng kamay nang biglang may pumasok na dalawang babae sa cr.
“Oh my God, Thax. I can't believe that Myckel is actually dating you! Grabe ha, kahit super hectic ng schedule niya.“
“Girl, you know me naman. I get who I want. What else would I find from a man kung si Mike ang magiging boyfriend ko diba. Handsome. Rich. Professional and very mature.“
Oh that's why he's in the mall. Lumabas na ako ng cr para sundan si Maria.
I really don't know if he really sugarcoated or those ladies are just making up stories.
PLEASE VOTE AND SHARE
YOU ARE READING
Sounds of History
RomanceThea shares a wild, exciting and romantic week with the man she has only loved. They express their feelings for each other, and he tells her of his desire and promise to stay with her forever and build a life together with her. They fall asleep one...