Ikaanim na Kabanata

14 1 0
                                    

Ikaanim na Kabanata

Pagkatapos kong itext sa kaniya ang pagpayag ko ay nagulumihanan ako sa lahat ng sinabi niya kanina. Gusto niya ako? My freaking professor is infatuated with me?

I'm pretty sure it won't last long. Alam ko na ang galawan ng mga lalaking katulad niya. Oo, gusto ko rin siya pero hindi ko bababaan ang pride ko para lang magpahulog sa kaniya.

Kinabukasan, naghanda na ako para makipagkita kay Myckel sa park. Mas mabuti nang sa mas pribadong lugar kami mag-usap kaysa sa coffee shop, baka may makarinig pa sa amin.

Maaga akong naligo at nagpaalam na kay mama para makaalis.

Habang nasa tricycle ay nagtipa ako ng text sa kaniya.

"Where are you? Papunta na ako."

Lumipas ang ilang minuto at walang reply na dumating.

Pagkababa ko ng tricycle ay sinubukan kong tignan kung nasa park na siya pero hindi ko siya nakita kaya umupo nalang ako sa isa sa mga upuan at hinintay siya.

Ilang minuto na ang lumilipas at hindi pa rin siya dumarating at hindi pa rin siya nagrereply sa mga text ko.

Nasaan na kaya yun? Baka natraffic lang siguro.

Sa wakas, pagkatapos ng halos kalahating oras kong paghihintay, dumating na rin siya.

"Mabuti naman at dumating ka, akala ko wala ka nang balak siputin itong usapan natin." sabi ko at nilapag ang tubig na iniinom ko kanina.

"Sorry, I came from the office and their was so much going on, I can't easily get away from it." rason niya at tumabi sa inuupuan ko.

Ang awkward pa rin talaga ng feeling kapag kasama ko siya.

"Hindi bale, deretso na tayo sa usapan natin."

"Sure." sambit niya.

"I just want to make everything clear for that one week vacation that you invited me for. Kasi, ito ang unang beses na may nagyaya sa aking lalaki ng ganito."

"Okay, name it all. It's fine with me."

"First of all, no kissing. No intimate feelings. No sharing of the same bed. No hugging." ang haba pa ng sinabi ko hanggang sa natulala siya sa dami ng kondisyon ko.

"Are you serious? How would everyone believe our fake relationship if everything that a couple should be doing is all prohibited?"

"Kung ayaw mo sa mga kondisyon ko then better find yourself another victim, Mr. Marcelo." inirapan ko siya at tumalikod.

Bago pa ako makalayo ay hinawakan na niya ang braso ko at ibinalik ako sa posisyon ko kanina, mas malapit na ngayon sa kaniya.

Para naman kaming maghahalikan sa posisyon namin. Kaya umatras ako ng bahagya ngunit ibinalik niya rin ako sa isang hapit niya lang sa baywang ko.

"There's no turning back now, Ms. Dela Rosa. You will be coming with me no matter what you say. I guess I'm good with all your conditions except for the first four of them."

What the hell? Wala rin talagang pakiramdam tong isang to eh.

"Whatever. May 'name it all' ka pang nalalaman, hindi mo rin naman pala susundin lahat."

"Sorry, but with me starting to fall in love with you, I don't think I can stand a whole week with you without everything you don't want me to do."

"Alam mo, kung may respeto ka talaga para sa akin. At kung gusto mong hayaan kitang magustuhan mo ako at hindi kita layuan, susundin mo lahat ng kondisyon ko. Mamili ka, lumayo ako sa iyo o susundin mo ang gusto ko?"

Sounds of HistoryWhere stories live. Discover now