Simula
“Thea, asan na yung asin na pinapabili ko?” sigaw ni mama galing sa kusina.
“Ate, pakuha naman nung blouse ko sa taas.” Utos ni bunso mula sa sala.
“Anak, palinis naman nung sapatos ko, aalis na ako.” Sabi ni tatay habang inaayos yung polo niya.
My life is like this, stressful and exhausting. Araw-araw inuutusan, laging may ginagawa. Sabay-sabay ang gawain. Mukhang hindi nag-aaral pero 2nd year college na ako, HRM dahil gusto kong makapagpatayo ng sarili kong restaurant, mahilig ako magluto pati kumain, pero napakapayat ko.
I don’t know kung mabilis ba metabolism ko o sadyang napupunta lahat sa pisngi ko yung kinakain ko. Medyo mataba kasi mukha ko, mukhang may kinaing siopao.
“Ma, alis na po ako, papasok na ako!” sigaw ko bago isara ang pintuan.
As usual, ganoon pa rin ang nangyayari, papasok ako, babati kay kuya guard.
“Good Morning kuya!” sabay abot ng bag ko pa ipacheck ang laman.
“Magandang umaga, Thea.” Sagot bago ko ibigay ang bag ko para makapasok na.
Nakakapagod ang klase, may oras na maraming pinapagawa, minsan may prof pero di nagtuturo, o kaya naman absent talaga kaya free time.
Pagkatapos ng klase, dederetso agad ko sa café kung saan ako nagpa-part time bilang barista. Working student ako dahil kulang ang sweldo ni papa bilang gwardya sa isang kompanya tapos si mama, siya ang nagbabantay sa bahay at nag-aalaga kay bunso pagkagaling niya ng eskwelahan.
I never dreamt of having a very rich family, yun siguro ang dahilan kung bakit ako kuntento sa buhay namin ngayon. Nakakapagod man, atleast nakakakain naman kami ng maayos, may bahay kami, nakakapag-aral kami ng kapatid ako at pinakaimportante is masaya kami, and that is more than enough.
“Uy Thea, wala raw si Jessa ngayon kaya kailangan mo raw mag-overtime sabi ni boss.“ salubong sa akin ni Maria ng pabulong habang papasok ako ng shop.
“Bakit daw absent?“ tanong ko sabay suot ng apron ko.
“May problema raw sa pamilya eh, umalis daw kasi nanay niya, nag-away ata dahil sa pera.“ bulong niya sa akin.
Hay, kapag minamalas ka nga naman, pero naiintindihan ko naman si Jess, kasi nangyari na rin ng isang beses yung kinailangan kong umabsent kasi nagkasakit yung kapatid ko, at walang magbabantay kasi umalis si mama dahil sa away nila ni papa.
Alas dies na ng gabi, kailangan ko nang umuwi dahil may pasok pa ako bukas pero wala pa kasi akong kapalit sa shift kaya kailangan kong mag-overtime, sayang din naman yung dagdag sa sweldo. Bahala na, matutulog nalang ako mamaya tapos deretso ako ng library pagkapasok ko.
At ganun nga ang nangyari, pagkauwi ko nagbihis lang ako at natulog na. Alas sais nang magising ako para makapaghanda. Maaga akong pumasok para makapunta ng library at maaral ang mga i-eexam namin mamaya. Nang matapos ako sa library, dumiretso agad ako sa unang klase ko at naupo.
May inaayos ako sa libro ko nang mapansing iba yung prof na pumasok sa roon namin, una kong nakita yung mga sapatos, mukhang mamahalin. Tas sa pants, tas yung polo, taray bakat yung muscles ni sir, tas pagkatingin ko sa mukha niya ay nagtama ang tingin namin, at dun ko napansin na halos lumuwa na yung mata ko sa kakatitig sa kaniya.Inayos ko ang aking sarili at sabay na tumayo para bumati.
“Good Morning class, My name is Engr. Myckel Marcelo, or Engr./Mr. Marcelo for short, whatever you are comfortable with is fine. And I will be your professor for General Mathematics this semester.“
Engr. Marcelo? Professor namin? This semester? God, I just realized that he's one of the hottest bachelors of the decade. Lagi ko kasi siyang nakikita sa mga billboard, magazines or sa commercials. Grabe, engineer pala siya? Taray naman.

YOU ARE READING
Sounds of History
RomanceThea shares a wild, exciting and romantic week with the man she has only loved. They express their feelings for each other, and he tells her of his desire and promise to stay with her forever and build a life together with her. They fall asleep one...