Ikalimang Kabanata
Lumipas ang mga araw at dumating na ang simula ng sembreak namin. Mabuti nalang at aabot ng tatlong linggo kaya may oras ako para magpahinga at magkaroon ng oras para sa pamilya ko.
Kaya ngayon, bumabawi na ako sa mga araw na hindi ako nakapasok sa trabaho. Namiss ko na rin sila Maria kasi halos isang linggo rin kaming hindi nagkita pagkatapos ng libing ni papa.
Mabuti nalang at mabait ang manager namin kaya pina-absent niya muna ako ng ilang araw.
Nasa bahay lang ako ngayon, pero hindi ko maramdaman yung saya dito. Ang tahimik, parang wala yung mga nakatira, ako lang. Simula kasi noong namatay si papa, naging tahimik na si mama. Hindi siya masyadong kumakain, madalas umiiyak mag-isa sa kwarto at halos hindi na siya lumalabas.
Kaya naman kinatok ko siya sa kwarto. "Ma, ayos ka lang po ba? Halika, kain na po tayo."
Tinignan niya ako at nginitian, "Sige anak, susunod nalang ako." mahina niyang sagot.
Umupo ako sa tabi niya, "Ma, dali na. Baka hindi ka sumunod eh, iyan lagi mong sinasabi pero hindi ka naman lumalabas."
"Nak, ayos lang ba sa iyo na namatay na ang papa mo?" tanong niya sa akin ang may ngiti pa rin sa labi.
Nakakabilib talaga si mama. Kahit sa gitna ng sobrang pagluluksa niya, nagagawa niya pa ring ngumiti para ipakita sa akin na ayos lang siya.
Tumango lang ako nang may namumuo na mga luha sa gilid ng mata ko.
Umiyak nalang si mama, "Kasi ako hindi ko talaga magawang tanggapin na wala na siya. Simula nung nawala siya, pakiramdam ko, wala nang saysay ang buhay ko. Pero, inalala ko kayo ng kapatid mo, kayo nalang ang natitira sa akin eh. Inisip ko kapag nagpabaya ako, hindi ko na alam mangyayari sa inyo. At ayokong dumating ang araw na iyon."
Naiiyak na talaga ako, niyakap ko si mama ng mahigpit.
"Mahirap tanggapin, Ma, pero kailangan nating magmove-on kasi hindi naman natin habang buhay makakasama si papa. At tsaka, hindi na rin siya mahihirapan, makakapagpahinga na siya. Isipin nalang natin na nandiyan pa rin siya, binabantayan tayo."
Kumalas si mama sa yakap ko, "Alam mo nak, mabuti nalang at nagkaroon ako ng anak na katulad mo. Mahal na mahal mo ang pamilya natin. Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa pagtatrabaho mo para sa pag-aaral niyo ng kapatid mo."
Mas lalo akong naiyak sa sinabi ni mama. Kaya bago pa kami magdramahan ng sobra ay niyaya ko na siya para kumain. At sa wakas, pagkatapos ng dalawang linggong pagmumukmok niya sa kwarto, lumabas na rin siya at sinamahan kami ni bunso sa pagkain.
Habang kumakain kami ay biglang tumunog ang cellphone ko sa text mula kay sir.
"I have something to tell you. Meet me at the coffee shop. I'll see you at 5."
Mabuti nalang at wala akong katabi kaya hindi nakita nila mama ang text ni sir.
Pagsapit ng alas quatro, naghanda na ako para sa pag-alis ko. Naligo na ako at nagbihis para maagang makarating sa coffee shop.
Pagkapasok ko sa shop ay nandoon na si sir nakaupo sa upuan sa bandang dulo ng shop. Ano ba kasing pag-uusapan namin?
Umupo ako sa tapat niya at hinarap siya.
"Anong pag-uusapan natin?" sumipsip ako sa kape na inorder na niya kanina pa.
"You see... My family is superstitional. They believe that fixed marriages are the essence that will keep the legacy of our name. But, I don't like their beliefs. And that is the reason why I want you to come with me. We'll go out of town and make them believe that you are my girlfriend. And that I want to marry you. That way, they will no longer pair me with another woman that I don't love. Will you do that for me?" bakas sa mukha niya ang pagmakakaawa.
"Teka, bakit kailangang ako pa?"
"Because you are the only person that I can trust."
Talaga? Pinagkakatiwalaan niya ako? Galing naman.
Nag-isip ako ng maigi, at napagtanto ko na hindi dapat ako pumayag. Kapag naipit ako sa sitwasyon na kailangan naming magpakasal, ayoko non.
"Paano kung sabihan ka nila na pakasalan ako?"
"Then I'll agree."
Seryoso ba siya? Ang bata bata ko pa para magpakasal. Tapos siya okay lang sa kaniya na magpatali sa ganitong edad?
"What the hell? Alam mo, walang patutunguhan itong usapan natin. Kasi kahit anong rason mo, hindi mo ako mapapapayag. Marami pa akong gustong gawin sa buhay ko. May pangarap pa ako. Kung gagawin ko ito, masisira lahat ng pinaghirapan ko. Sorry Mr. Marcelo, but I reject your offer." tumayo ako at iniwan na siya sa shop.
Nakalabas na ako ng shop at nag-aabang ng jeep nang biglang may humapit sa aking braso at nahila ako sa isang eskenita na walang tao.
"Ano ba?!" singhal ko sa kaniya.
"Bakit ayaw mong pumayag?"
"Ayokong maipit sa ganoong sitwasyon Myckel. Hindi ko kayang magpakasal sayo lalo na't malakas ang kutob kong iyon ang gugustuhin ng pamilya mo!" may namumuo nang luha sa mata ko.
"Bakit hindi? Tutulungan mo lang naman ako. I can also help you with your studies in return. I can even help you with your needs in the family. And also if you get tired of the relationship, you can always ask for an annulment."
"Close ba tayo para tulungan kita? We don't even fucking know each other that well." sagot ko sa kaniya. "At tsaka isa pa, bakit mo ako sinagot ng oo noong tanungin kita tungkol sa pagpapakasal nila sa ating dalawa kung sakali?"
Hindi siya sumagot at yumuko nalang.
"Sagutin mo ako Mr. Myckel Aziel!"
"Kasi gusto kita! Okay na? Matagal na kitang gusto, Thea. Hindi mo ba napapansin ang mga kilos ko? Kung bakit ikaw lang ang kinakausap ko sa lahat ng tao sa university?"
"The hell? Alam mo, hindi mo ako pwedeng magustuhan kasi diba girlfriend mo si Nathaxia?"
"She. Is. Not. My. Fucking. Girlfriend." putol-putol ang mga salita niya nang may diin sa bawat isa.
"Kailangan ko munang mag-isip. Sorry. Maiwan muna kita. Bukas nalang tayo mag-usap."
Umuwi na ako ng bahay at nagkulong sa kwarto. Nag-isip ako ng maiigi. Kung sumugal ako at mahulog ako lalo sa kaniya, mahihirapan akong mag-adjust sa buhay na daranasin ko. Pero, sabi niya tutulungan niya naman daw ako at ang pamilya ko.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Naguguluhan ako sa mga pangyayari.
Gusto ko nang pumayag pero kailangan ko ng maayos na mga kondisyon.
Pinag-isipan ko lahat ng mga kondisyon ko sa pagsasama namin at inisip kung tama lang ba ito o hindi. Kaunti lang naman ang ipinagbawal ko.
Kinuha ko ang cellphone ko at nagtext kay Myckel.
"Payag na ako. Pero kailangan nating magkasundo sa mga kondisyon ko. Magkita tayo bukas sa park."
PLEASE VOTE AND SHARE
YOU ARE READING
Sounds of History
RomanceThea shares a wild, exciting and romantic week with the man she has only loved. They express their feelings for each other, and he tells her of his desire and promise to stay with her forever and build a life together with her. They fall asleep one...