Ikatlong Kabanata

13 2 0
                                    

Ikatlong Kabanata

Labag man sa kalooban ko na sumama kay sir lalo na't nalalaman kong mahilig siyang magsinungaling, kailangan kong sumama baka mamaya kung ano pang gawin niya pag hindi pa ako pumayag.

Pero hindi talaga nagsisink-in sa akin kung bakit bigla bigla niya akong tinatawag sa una kong pangalan. At tsaka hindi ko alam kung bakit kailangang ako pa yung isama niya para tulungan siya.

Minsan talaga hindi ko maipagkakailang nagugustuhan ko yung mga kilos niya dahil sa mature siya mag-isip at mataas ang tingin ko sa kaniya. Hindi ko lang talaga alam kung bakit nagsisinungaling siya.

Kinabukasan, maaga akong nagising dahil kailangan ko pang tulungan si mama sa paglalaba. Umiinom ako ng kape nang biglang tumunog ang cellphone ko.

Unknown number:

"I'll see you at 12pm. Kailangan maaga tayong umalis dahil marami tayong bibilhin."

Nagulat ako sa message na iyon. Hindi ko alam kung paano niya nalaman ang number ko.

"Okay sir." mabilis kong reply.

Nagreply pa ulit siya pero hindi ko na tinignan para mabilis akong makapaghanda. Mag-aalas onse na at hindi pa ako nakakaligo.

Nagpaalam na agad ako kay mama na pupunta ako ng university baka mamaya ano pang sabihin niya kapag sinabi kong pupunta ako ng mall.

Naglalakad na ako papunta ng sakayan ng jeep nang biglang may tumigil na sasakyan sa harap ko. Bumaba ang salamin at bumungad si Mr. Marcelo sa loob.

"Pumasok ka na, sobrang init sa labas, wala ka pa namang payong."

Ang kulit talaga neto. Sabing huwag akong susunduin eh.

"Bakit niyo ako sinundo? Sabi ko naman na ako nalang mag-isa eh."

"Magkalapit lang tayo ng bahay kaya nung makita kong paalis ka ng bahay, sinundan nalang kita hanggang dito para hindi ako makita ng magulang mo."

Wala na akong magagawa, andito na siya eh. Sayang din naman, libre na nga yung pagsakay ko, tatanggihan ko pa.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng passenger seat nang bigla niyang binuksan ang pinto ng front seat. Ano? Gusto niyang tumabi ako sa kaniya?

Umiling ako at sinara ang pinto para pumasok sa passenger seat.

"Ang kulit mo naman, binuksan ko na nga yung front seat, diyan ka pa talaga umupo."

"Mas makulit ka po sir, sabi ko huwag mo akong susunduin, nagpumilit ka pa." ako pa talaga ang makulit ha. Ang aga aga iniinis ako nito.

"It was just a coincidence. Di ko naman sinasadyang pilitin kang sumabay sa akin." sagot niya nang nakatingin ng diretso sa daanan.

Nakikita kong tinitignan niya ako sa gilid ng mata niya. "Ewan ko sayo sir." hindi na ako masyadong sumasagot ng 'po' sa kaniya. Tatlong taon lang naman kasi ang agwat namin pero sobrang layo ng sitwasyon namin sa buhay. Mayaman siya, propesyonal, matalino. Hindi katulad ko, may kaya lang, nag-aaral pa lang, di naman katalinuhan.

Nagmaneho na siya ng tahimik habang ako, abala sa cellphone kong nagsoscroll sa instagram. Medyo inaantok pa ako dahil sa aga ng pag-alis namin nang magising ang diwa ko sa post ni Nathaxia, isa sa mga pinaka kilalang model sa Pilipinas.

May picture nilang dalawa ni Mr. Marcelo na magkaharap sa isang lamesa na masayang nagdedate, pero parang hindi nakangiti si sir. Tas may caption na,

"Unexpected date with the most unexpected person."

Ni-like ko yung picture kasi wala lang. Gusto ko lang. Pero nagulat ako sa biglang paghablot ni sir sa cellphone ko.

"What are you looking at?" seryoso niyang tanong.

"Close tayo sir? Bakit mo kinukuha yung cellphone ko? Tinitignan ko lang naman yung instagram ko." napakunot ang noo ko dahil sa inis.

"Why are you looking at Nathaxia's post?"

"Masama po ba? Wala naman akong pake kung may picture kayo, nilike ko lang tas tinignan ko, anong masama doon?"

"You shouldn't be seeing things like this."  sabi niya bago patayin ang cellphone ate ibinalik sa akin

"At bakit naman hindi?" kinuha ko ang cellphone ko.

"Basta." dumiretso na ulit ang tingin niya sa daan.

"By the way, paano mo nalaman ang number ko?"

"Research." What the hell?

"Ano?"

"Nakita ko sa facebook mo. Nagfriend request pa nga ako sayo. Di mo naman inaaccept." seryoso? May social life din naman pala siya.

"Hindi naman kasi ako active doon." totoo naman talaga. Busy kasi ako laya wala akong time na magfacebook.

Hindi na siya sumagot kaya tinignan ko nalang ang facebook ko at nakita kong maraming friend requests, mostly mga lalaki at nakita ko ang account niya na walang profile picture at may pangalan niya.

"Myckel Aziel Marcelo"

Ang ganda ng pangalan niya ha. Pero bakit parang baguhan lang yung account niya?

"Gumawa ka pa talaga ng account sir para lang malaman yung number ko. Stalker ka no?" kapal naman pala ng mukha ko.

"Kung sasabihin kong oo?"

"Taray naman sir. Nag-abala ka pa."

Medyo kinilig ako doon.

"Girlfriend niyo po ba si Nathaxia, sir?" change topic ulit.

Nagulat siya sa tanong ko kaya nilingon niya ako.

"Why are you asking?"

"Wala. Curious lang po ako."

"She's just a family friend."

Taray, family friend tas nagdedate? Judgemental ako masyado.

Akala ko hindi na kami makakarating ng mall eh, sobrang traffic kaya napatagal yung biyahe. Mag-aalas dos na nang makarating kami kaya pagkatapos magpark ni sir ay mabilis kaming pumunta ng national book store para bilhin yung kailangan namin sa project.

Ang galante naman ni sir. Sa bagay mayaman eh kaya sinasagot niya na yung gamit na kailangan namin.

Ang dami niyang binili. Halos mapuno na yung isang cart sa patong patong na gamit na binili niya. Ano ba kasi yung project namin? Parang ubusan naman ata ng pera ito. Pero barya lang naman sa kaniya yung sampung libo. Sampung libo ginastos niya, eh halos bente lang naman kami sa classroom.

Pagkatapos niyang magbayad ay dumiretso kami ng fully booked. Pero bago kami makapunta ay tinanong niya ako.

"Are you hungry?"

"Ano po bang sinabi ko sainyo kagabi sir?"

"I don't care about that, I'm asking you if you're hungry, all I need is a yes or a no."

"Gutom ako pero hindi ako kakain kasama ka."

Naglalakad kami nang bigla siyang lumiko papunta sa hilera ng mga sosyal na mga kainan. Ang kulit talaga. Wala naman akong magagawa, kung pwede ko lang sanang iwanan itong mga pinamili niya, ginawa ko na sana.

Nagulat ako nang ibigay niya sa dalawang lalaki yung mga bag ng pinamili namin.

"They're our drivers. Ibigay mo sa kanila yung mga bag, iuuwi nila."

"Pano ka uuwi sir?"

"Sasabayan kitang magcommute."

"Sabi ko diba hindi mo ako ihahatid pauwi?."

"Oo nga, sasabay lang naman ako sayo pauwi, di ko naman sinabing ihahatid kita."

Inirapan ko siya at iniabot ang mga bag na bitbit ko sa driver nila.

This is going to be a long day.

PLEASE VOTE AND SHARE

Sounds of HistoryWhere stories live. Discover now