CHAPTER 1

31.7K 625 94
                                    

Ayaw ko pa sana i-publish ito kasi hindi pa siya tapos at marami pa akong dapat tapusin na on going stories ko, pero inuudyukan na ako ng kagustuhan ilabas ito. I hope magustuhan niyo ang simula.


Chapter 1

MAY TUMUTULONG tubig mula sa mukha ni Dice Von dulot ng babaeng nagsaboy sa kanya ng tubig.

"Jerk!"

Hindi sumagot si Dice Von bagkus ay marahang pinunasan ang mukha habang ang babae ay nag-walkout.

Mula sa mga estudyanteng nakikiusyoso ay sumingit ang kaibigan niyang si Bryan.

"Dice, ano na naman ginawa mo? Kalat na agad ang pagpapaiyak mo kay Kim."

Tinapon ni Dice Von sa lamesa ang tissue'ng pinagpunasan.

"Bakit? Pati ba sa kanya ay nakarating ang balita?" tanong niya na may kasamang ngisi. Balewala sa kanya ang mga babaeng umiiyak dahil sa kanya. Sanay na siya at hindi niya kasalanan kung panandaliang aliw lang ang nais niya.

"Malamang hindi." sabay buntong-hininga nito.

"Good."

Natawa ng sarkastiko si Bryan habang tila hindi makapaniwalang nakatingin sa kanya.

"Hindi ka naman mapapansin no'n. At dose lang si Star, Dice."

"Madaling mapansin. At alam ko na alam na niya kung sino ako.. And so what? Age doesn't matter."

"Mapapansin ka niya dahil sa pagpapaiyak mo sa mga babae. And yes, age doesn't matter but not for you. Kung hindi lang kita kaibigan ay sasabihan kita na nababaliw." pagkaraa'y tinapik-tapik ang balikat ng binata.

"Let's go." ngising ani nalang ng binata.

Hindi na pinansin ni Dice Von ang komento ng kaibigan. Sa halip ay tumayo na siya at nakapamulsa ang isang kamay sa bulsa ng pants na suot niya habang ang isang kamay ay hawak ang malambot na bola na pinipiga ng kanyang kamay.

Sa archery building open ground naroon ang mga estudyanteng nais na manood ng archery competition. Pinagdaraos sa West Cassex University ang bulprisa para sa mga estudyanteng manlalaro mula pa sa iba't-ibang school. Iba't-iba ang mga uri ng laro pero ang tuon ng marami ay ang archery competition kung saan ay iba't-ibang level ng estudyante ang kalahok.

"Miss Orteza, your turn."

Ngumiti ang disi otso anyos na second year physical education student na dalaga habang bitbit ang sariling pana habang papunta sa flat form. Sampo ang magkakalaban sa archery competition at pinaghalong kolehiyo at high school student ang kalahok ng iba't-ibang school na may pambato.

Pumorma ang dalaga habang tinutuon ang mata sa patatamaan niya. Nang mahawakan na niya ang dulo ng pana at nang makakuha ng tyempo ay binitawan na niya.

Nagtaas ang observer ng red flag kaya napangiti ang dalaga. Pumalakpak naman ang mga kaklase nito at ang ibang nakasaksi ng pagpapatama niya sa pulang bilog.

Bumaba na ang babaeng kalahok patungo sa bench kung saan naroon ang ibang kalahok.

Nagpatuloy ang scoring ng mga judges at muling binasa ng host nang laro ang susunod na sasalang.

"This is not the first time na meron tayong kalahok mula sa grade school. Pero siya ang kauna-unahang sumali sa kanilang pamilya sa ganitong uri ng competition. Miss Ford, your turn."

WALANG IMIK na tumayo si Star patungo sa flat form habang dala-dala ang kanyang pana. Suot niya ang white fitted polo shirt habang suot ang leather black fitted pants kung saan nakaparagan ang polo shirt doon. Naka-knee boots din siyang brown na bumagay sa kanyang suot. Lahat ay walang maipipintas sa kanya.

Waiting For A Star To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon