CHAPTER 7

10.1K 529 115
                                    

CHAPTER 7

Napatingin sa paligid si Star ng dalhin siya ni Dice sa bahay nito. Namangha siya dahil may sariling pratice room pa para sa archery ang bahay nito. Dahil walang pasok, kaya sa bahay nito siya magpapa-practice sa tulong na rin nito.

"Bakit?" tanong sa kanya ni Dice sabay akbay sa kanya.

"Ang ganda rito. Super rich pala kayo." aniya sabay tingin muli sa practice room.

"Hindi naman.. Kayo nga ang mayaman." sabi nito at hinila siya papasok.

"Hindi kami mayaman. Simple lang pamilya namin. Sina Lolo at Lola ang mayaman." humble niyang sabi.

Huminto sila ni Dice sa pana na pinapagamit nito. Inalis ni Dice ang akbay sa kanya at kinuha nito ang pana. Binigay nito sa kanya iyon kaya kinuha niya.

"Drop that inheritance thing. Binibigay ko na sa 'yo ang panang iyan." sabi nito na kinamaang niya.

"Talaga?" hindi siya makapaniwala na ibibigay nito ang napakamahal na pana. Mahal din ang bigay ng Lolo niya at mahal din itong kay Dice. Sobra lang niyang naa-appreciate lahat ng binibigay sa kanya.

"Yes." nakangiti nitong sabi kaya hindi niya mapigilan na mangilid ang luha at mapangiti.

"Salamat po. Nasira kasi pana ko, kaya akala ko talaga hindi na ako makakagamit agad nito. Pero nang ipagamit mo ito sa akin ay sobrang akong natuwa, tapos hindi ko akalain na ibibigay mo pa ito."

Nagpunas siya ng luha kaya hinapit siya ni Dice palapit rito at niyakap siya.

"Huwag ka nang umiyak. Ang mabait na katulad mo ay nararapat lamang magkaroon ng mga bagay na pinakaiingatan mo."

"Iingatan ko talaga ito." sabi niya kaya napangiti ito at pinunasan ang luha niya.

"Dapat lang." sabi nito at hinawi ang buhok niya, "wait, turn around." biglang utos nito kaya tumalikod siya habang nagtataka. Naramdaman niya na sinakop nito lahat ng buhok niya sa kamay nito. Nang maunawaan niya ang gagawin nito ay napangiti siya dahil halata na hindi ito sanay sa pagpusod sa buhok ng babae.

"Ako na po." sabi niya.

"No, I can finish this." sabi nito at nang magawa nitong sakupin lahat ng buhok niya at tinalian nito, "great. Marunong na akong pusudan ang buhok mo."  tuwang sabi nito at hinaplos ang pisngi niya.

"Thank you po." sabi niya at nahiya sa paghaplos ng daliri nito sa pisngi niya.

"Okay, but please drop that 'po'. I'm not that old. I'm just 20." sabi nito.

"Ayos lang po ba kahit walang po?" tanong niya.

"Ayos na ayos," ngising sabi nito at niyakap siya na kinatigilan niya. Hindi pa siya masanay kasi nakakailang din minsan ang yakap nito, "Star, can you kiss me."

Napalingon siya rito at nakatitig pala ito sa kanya.

"Kiss po?" tanong niya. Naalala niya ang kiss ng Tatay at Mama niya sa isa't-isa tuwing morning and evening. Minsan ay kapag naglalambingan ang dalawa, "bakit ko po kayo iki-kiss?"

Nagtaas ata balahibo ni Dice dahil mukhang makikiss niya ngayon si Star. Tumikhim siya at hinigpit ang yakap sa dalaga. Hindi nito alam na nato-turn on na siya. Buti nalang sobrang inosente nito base sa pagkakakilala niya kada araw na magkasama silang dalawa lang.

"Down na down kasi ako. Napagalitan ako ni Daddy kasi palpak ako sa pinag-uutos niya. Pero kung ayaw mo, okay lang." nag-inarte siya na malungkot habang tinitignan ito.

Napaisip naman si Star. Kapag umiiyak ang Mama niya ay kinikiss nga ito ng Tatay niya. Tapos gumagaang na ang pakiramdam ng Mama niya.

"Okay. Basta 'wag ka nang malungkot."

Waiting For A Star To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon