Chapter 10
Nahihiya si Star habang katabi si Damian sa loob ng kotse na sumundo rito. Gaya ng sabi nito ay pupunta sila sa bahay nito. Kinakabahan siya dahil hindi niya alam ang sasabihin oras na ma-meet niya ang parents nito. At natatakot din siya na pagalitan ng parents niya oras na malaman ng mga ito na pumunta siya sa bahay nila Damian. Napatingin siya kay Damian at tumingin ito sa kanya at ngumiti.
"Bakit?" tanong nito.
Umiling siya, "Wala..." tugon niya at umiwas na nang tingin.
"Excited na ako makilala ka nila Mommy." sabi nito kaya tumingin siya muli rito.
"Hindi ba nakakahiya sa parents mo?" tanong niya.
"Hindi. Gusto ka nga nila i-meet. Sabi ni Daddy, tsaka na raw kapag dumalaw kami sa house niyo. Pero dahil classmate kita at naaya kita, mas maaga kang mami-meet nila Daddy."
Galak na galak si Damian kaya lalo siyang nahiya. Napangiti siya dahil mabait din si Damian kagaya ni Dice. Siguro kung mag kakakilala pa sila ni Damian ay baka mas maging friends sila. At gaya nga ng sabi nito hindi pa naman sila ikakasal. Parang formal set-up lang sa kasal.
"Here we are." sabi nito kaya napatingin siya sa labas at namangha sa tila kastilong bahay.. Hindi siya dito dinala ni Dice nung nagpunta siya sa bahay daw nito sa parents nito. Ibig sabihin, iba pa ito?
"Ito ba talaga ang bahay niyo?" tanong niya.
"Hmm.. Yes. Dito ang main house namin. Pero may bawat sangay ang bahay namin. Divided siya para maluwag. Ibig sabihin... nakahiwalay ang billiard, court, swimming pool, at si Kuya may sariling bahay niya rito."
Sa isip ni Star ay baka ang pinagdalhan sa kanya ni Dice ay iyong lugar ng bahay nito. Dahil hindi niya minsan nakita si Damian ng dalhin siya ni Dice sa bahay nito.
"Nakakapunta ka ba sa bahay ng Kuya mo?" tanong niya.
Umiling ito, "Hindi madalas. Ayaw ni Kuya na labas-masok sa bahay niya. Pero nakikita ko naman siya palagi kapag sabay-sabay kaming naghahapunan."
Napatango naman si Star at hindi na nagkomento sa pagkamangha niya sa bahay ng pamilya nila Damian. Inaya siya papasok ni Damian at parang nasa palasyo siya sa ganda ng bahay.
"Where's Mommy and Daddy, Lolita?" tanong ni Damian sa lumapit na mayordoma.
"Nasa office ni Sir Damon. Ipapatawag ko ho ba?" sabi ng matanda.
"Okay, Lolita. Tell them that Star is here." dahil sa sinabi ni Damian napatingin sa kanya ang matanda. Nginitian niya ito at tumugon ang matanda.
"Sige ho, Senyorito. Maiwan ko muna kayo." tugon ng matanda kaya naiwan sila.
"Nagtatrabaho pa rin siya sa inyo kahit na senior na siya?" tanong ni Star.
"Hindi na siya gumagalaw ng gawaing bahay. Dahil ayaw ni Lolita na walang ginagawa kaya hinayaan siya nila Daddy na maging tagapagsabi ng mga nais namin sabihin sa isa't-isa dahil malawak ang aming tirahan," napatango naman si Star, "halika at maupo muna tayo." aya nito kaya pinaunlakan niya.
Naupo sila at hindi siya sanay na makapasok sa ibang bahay kaya para siyang naiilang gumalaw kahit maluwag ang bahay. Tumahimik sila ni Damian at napabuntong-hininga siya para i-release ang kaba niya.
"Nervous?" napatingin siya kay Damian ng itanong nito iyon.
"Medyo." tugon niya.
Ngumiti ito, "Don't be nervous. My Mom and Dad are so cool and kind." sabi nito.
"Hindi naman sa ganon. Kinakabahan lang ako dahil hindi ko alam paano sila haharapin." sabi niya. Bukod sa sinabi niya ay kinakabahan din siya na hindi niya maintindihan.