CHAPTER 14
HUMINGA NG MALALIM si Star bago nginitian ang Mama niya na tinulungan siyang suotin ang wedding gown niya. Ngayon ay eighteenth birthday na niya at ngayon din gaganapin ang wedding niya. . . Kinakabahan siya pero alam niya na wala pa ring magbabago kapag nagpakasal sila ni Damian.
"Ang ganda-ganda mo, Anak. Bagay na bagay sa 'yo ang ginawang gown ng Tita mo. .." sabi nito kaya napangiti siya.
"Thanks, Mama." sabi niya. Napansin niyang may iba itong tinitignan sa kanya.
"Teka. . ." umalis sa tabi niya ang Mama niya at may kinuha sandali sa bag nito. Ngumiti ito na lumapit sa kanya ng makuha ang bagay na hawak nito at pumunta sa likod niya, "ginamit ko ito noon nung kasal namin ng Tatay mo. Akala ko nga matatagalan pa bago ko ibigay alin man sa inyo ng mga kapatid mo ito, pero hindi ko akalain na sa maikling panahon ay ipapasa ko na sa 'yo ito." sabi nito. Sinuot nito ang kwintas na napakaganda sa leeg niya.
Napahawak siya sa kwintas na isang waves ang design. Napaiyak ang Mama niya kaya humarap siya rito at agad na niyakap niya ito. Nanganak na ito sa bunso niyang kapatid na si Sebastian. Finally, may lalakeng kapatid na rin siya. Balik alindog ang Mama niya na parang hindi sila niluwal lahat. Siguro ay dahil hindi ito tabain."Mama, 'wag na po kayong umiyak. Hindi naman po ako mawawala. Magpapakasal lamang kami ni Damian." sabi niya rito.
"Oo, alam ko naman. Pero hindi ko akalain na ang bilis ng panahon. Ikakasal ka na agad. Gusto ko na baby ko pa rin kayo, e." sabi nito kaya napangiti siya at hinagod ang likod nito para pakalmahin.
"Baby niyo pa rin ako, Mama. Hindi magbabago 'yon kahit kailan." wika niya.
Parang batang umiyak ang Mama niya kaya napangiti siya at bumitaw ng yakap. Hinawakan niya ito sa mukha at pinahid ang luha. Mabilis ang paglaki niya at parang magkapatid nga lang sila ng Mama niya dahil nalakihan na niya ito pero mukha pa ring dalaga ang Mama niya. Kapag nagsa-shopping nga sila ay napagkakamalan silang magkapatid lang. Pero walang kaso sa kanya iyon, dahil masaya siya na napapanatili ng Mama niya ang kalusugan nito na masigla at maganda.
"Oh. . . Nagkakaiyakan na kayo d'yan." Pukaw ng Tatay Samuel niya na pumasok sa kwarto niya.
"Paano ako hindi iiyak? Magpapakasal na ang baby girl natin. Dati ay kay liit pa niya, pero ngayon ay dalagang-dalaga na at magkakaroon na nang sariling pamilya. Hindi ko pa rin kayang mawalay ang anak natin sa atin, Samuel." sabi ng Mama niya at yumakap sa Tatay niya.
"Huwag ka nang umiyak. Kahit anong gawin natin ay magkakaroon at magkakaroon talaga ng pamilya ng ating mga anak. Atleast, alam natin na nasa mabuting kamay si Star." sabi ng Tatay niya.
"Sabagay, napakabait na bata ni Damian. Kaya nga, kahit na ayoko pang magpakasal ang baby natin ay hindi ko rin maitatanggi na mabuti nga na si Damian ang makuha niya. Sayang din iyon kung pakakawalan pa."
Napailing siya at Tatay niya sa sinabi ng Mama niya. Lumapit siya sa mga ito at niyakap pareho.
"Huwag na po kayong malungkot at mag-alala. Pinapangako ko po na magiging masaya ako." sabi niya.
"Iyon lang naman ang nais namin. Kung masaya ka kay Damian ay hindi na kami mangangamba. Basta, ang parati mong isipin ay huwag mong pababayaan ang sarili mo. Dapat ay panatiliin mong malusog ka at hindi magkakasakit." sabi ng Tatay niya.
Tumango siya at nagpahid ng luha ng maluha na siya sa sinabi nito. Pagkatapos ng yakap ay nagbitaw sila.. Ngayon siya nakadama ng takot mawalay sa mga ito, pero kahit hindi man ngayon ay ganon pa rin ang mararamdaman niya kahit sa ibang panahon pa mangyari ito.
-
Ngayon ay sabay-sabay na silang mag-anak na nagpunta sa simbahan. Inaatake siya ng kaba ngunit masaya siya na excited. Malapit lang naman ang simbahan sa bf island. Kaya agad na nakarating sila. Naiwan siya sa kotse at ang pamilya niya ang pumasok muna para alamin kung nariyan na si Damian.