CHAPTER 12

8.6K 477 78
                                    

CHAPTER 12

Tulala si Star kinaumagahan pero inayos niya ang sarili para hindi mapansin ng parents niya ang nararamdaman niya. Kinakabahan siyang pumasok pero kailangan dahil malapit na rin ang laban niya at kailangan pa niyang mag-practice.

"Anak, bakit hindi ka pa kumakain?" sita sa kanya ng Mama niya.

Agad na kumuha siya ng bread, "Sorry po. Inaantok pa po kasi ako." palusot niya.

"Kung inaantok ka pa ay magpahinga ka muna saglit." sabi nito.

"Hindi na po. Mahuhuli po ako sa klase." sabi niya lang at kumain na. Maingay ang mga kapatid niya at hindi magkandaugaga ang Tatay niya sa pag-asikaso sa bunso niyang kapatid. Tatay niya kasi ang nag-aasikaso sa kanila dahil ayaw nitong pagalawin ang Mama nila dahil buntis ito at hirap na rin gumalaw-galaw. Papasok din sa eskwelahan ang Tatay niya kaya naaawa siya dahil hirap na ito sa kanila, hirap pa sa eskwelahan.

Napabuntong-hininga siya at tinapos na ang breakfast niya. Ang mga kapatid niya ay sa kabilang isla nag-aaral dahil wala namang primary school sa west cassex. Kaya siya lang ang mag-isang tumutungo sa eskwelahan. Ngayon ay kasabay niya ang pinsan niyang si Mercedez; anak ng Tito Duke niya. Kasing tanda siguro ito ni Dice. Isa itong teacher sa school nila.

"Star, next time tawagan mo ako kapag hindi ka nakasabay kela September." sabi nito ng makarating  sila sa eskwelahan.

"Opo. Thank you, Ate Mercedez." sabi niya.

"Walang anuman. Ingat at good luck." sabi nito ng ibaba siya sa tapat ng gate. Sa College building ito nagtuturo kaya malayo sa room niya. Sa kabilang gate pa ito.

Ngumiti siya at kumaway ng paandarin na nito ang sasakyan. Nang makalayo na ito ay tsaka siya nagpasyang maglakad na. Ngunit napahinto siya ng makita si Dice na nakapamulsa at nakatingin sa kaniya habang nakasandal ito sa kotse nito. Agad na umiwas siya ng tingin at naglakad ng mabilis para lagpasan ito.

Hindi naman ito nagsalita kaya nilingon niya at nakita niya na nakasunod lang ang tingin nito sa kanya kaya napalunok siya at binilisan pa ang paglalakad.

Nakahinga lang siya ng maluwag ng makarating sa classroom niya. Balisa siya dahil binibisita pa rin siya ni Dice. Pumasok si Damian kaya nakahinga siya ng maluwag.

"May problema ba, Star?" usisa nito ng mapansin ang pagkabalisa niya.

"Nakita ko ang Kuya mo." pag-amin niya kaya natahimik ito.

"May ginawa ba siya sa 'yo?" tanong nito.

Umiling siya, "Wala. Hindi siya lumapit sa akin. Nakatingin lang siya." sabi niya.

"Hindi umuwi sa bahay si Kuya. Kaya nag-aalala ako na mas magtampo siya sa amin." sabi nito kaya natigilan siya.

"Sorry. Kasalanan ko kung nagkagulo kayo dahil sa akin."

Ngumiti si Damian at hinawakan ang kamay niya sa ilalim ng lamesa.

"Huwag mong sisihin ang sarili mo. Maaayos din namin 'to." pagpapagaan nito sa loob niya.

Ngumiti siya at tumango. Masaya siya dahil mas lalo silang nagkakakilala ni Damian. Tinutukso nga sila dahil siya daw sinasamahan parati ni Damian. Tapos inamin pa ni Damian na fiance siya nito kaya lalo siyang nahiya ng kiligin ang mga kaklase nila sa kanila.

Sabay silang kumain ni Damian. Kinakabahan man siya pero napanatag siya na hindi na niya nakikita si Dice maliban lang kaninang umaga. Ngayon ay oras na para sa practice niya. Napahinto siya sa pagpunta sa practice room ng maalala na hindi na dapat siya nagpunta sa lugar kung saan siya tinuturuan ni Dice. Agad tumalikod siya para umalis at magpunta sa practice court para sa mga players, pero napahinto siya't napasinghap ng mabangga siya sa katawan ni Dice na hindi niya namalayan na nasa likod pala niya kanina pa.

Waiting For A Star To FallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon