Chapter 5 Stranger

50 0 3
                                    

Dedicated tong chapter na to sa kambal ko, wahaha :P oh yan na pinangalan ko din sya sa isa sa mga character ng Fantasy ;)) I love bal ;P

Cliche's POV

Eto ako ngayon naglalakad habang patuloy pa rin sa panlulumo. Pano ba naman kasi sobrang disappointed ako nung malaman kong panaginip lang yun . Akala ko kasi talaga may gusto na si Charby sakin.

Habang naglalakad ako pansin ko ang mga matang nakasunod sakin. Titingin sila tapos may ibubulong sa katabi. Tumingin ako sa salamin baka kasi may dumi ako sa mukha pero wala naman . Tumingin naman ako sa likod ko baka kasi may nantrip sakin at naglagay ng papel sa likod ko nakasulat "Baliw ako", o di kaya baka may tagos ako. Pero gaya ng nauna wala naman. Ngayon lang siguro sila nakakita ng maganda . HAHAHA XD

"Huy best!" Nagulat naman ako ng may tumawag sakin si Rochelle  lang pala.Si Rochelle nga pala ang best friend ko.

"Oh best bakit ka nandito?"

"Grabe naman best , di ka na masaya na nandito ako"nagpout pa ang loka.

"Masaya syempre, pero bakit ka nga nandito?"

"Ganito kasi best , balak sana kitang isurprise na dito na ako mag-aaral. Balak ko na sabihin toh sayo kahapon kaso yun nga ako yung nasurprise"

Si Rochelle kasi sabi nya nung graduation di daw sya dito mag-aaral. Sobrang lungkot ko nun nung malaman ko yun . Pero nagkasundo naman kami na we will stick together pa rin at magbabonding kapag may free time.

"Nasurprise san?"

"Sayo,grabe best kalat na kalat sa buong Willford yung pagligtas sayo ni Charles. "

So yun ang dahilan kung bakit ako pinagtitinginan.

"Ahh kaya pala"

"Kaya pala ano?"

"Kanina pa kasi ako pinagtitinginan"

"Hay nako best hayaan mo sila mga inggit lang sila"

"Siguro,Mainggit kayo!Hahaha"at nagtawanan na kami.

"Halika na nga best baka malate pa tayo."

"Ok"

Habang palakad kami , nakasalubong namin si Charby.

"Waaaaahh best si Charby, anong gagawin ko?Maayos ba mukha ko?"

"Kalma best! Ganito gawin mo! Kausapin mo sya tapos magthank you ka."

"Oh sige sige"

"Ahh Charby, este Charles pwede ka bang mak---" Napatigil ako sa pagsasalita dahil nadeadma ang beauty ko. Dire-diretso lang siyang naglakad na parang hangin lang ako.

Haaayy Charby kelan mo kaya ako mapapansin?

Natapos ang klase namin ng walang special na nangyari.Pauwi na ako at kung sinuswerte ka nga naman ay bumuhos ang ulan.

"Bwisit, ang malas" Naiwan ko lang naman ang payong ko.

Tumakbo na lang ako pero  napatigil ako ng hindi ko na maramdaman yung ulan. Umuulan pa rin naman. Tumingala ako at dun ko lang nalaman na may nagpayong pala sakin.

Isang di ko kilalang lalaki ang nagpayong sakin. Isang gwapong lalaki pero syempre mas gwapo si Charby.

"Ahh miss gamitin mo na lang itong payong ko, diyan lang naman ako sa library eh"

Bago ko pa man ako makapagpasalamat at matanong kung anong pangalan niya eh nakaalis na siya.

Napangiti na lang ako.

Kahit pala malas tong araw na toh may swerte pa rin namang dumating :)

-Dandan

FantasyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon