Ako si Shin Young isang college transferee sa Green University, Tourism ang course ko, kahit di naman ako gwapo at katangkaran na lalaki. Teka bakit ako nandito? Malalaman niyo kung bakit.
“Daddy, mommy gusto ko ng mag shift ng course.” Sambit ko sa kanila, “Bakit naman anak?” sagot sa akin ni Mommy. “Ewan ko kung bakit? Dahil siguro di ko na kayang mag Architecture at di ko na kaya ang standard ng HSU.” Di na sila nakapagsalita ng sinabi ang mga katagang iyon.
At ito nandito ako ngayon sa Green University para mag take up nag bagong course. “Hoy!!, GAGO!” sino yon? Ah.. si Rany pala. Si Rany ang bestfriend ko mula 1st year High school palang kami.. Mag kapatid ang turingan namin. Dahil siguro parehas kami ng hilig sa lahat ng bagay at parang mag karugtong ang aming utak pag dating sa mga kalokohang bagay. “Hoy! Gago! Bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito sa palasyo ko? Anong masamanng ihip ng hangin ang nagdala sayo ditto?” tanong ni Rany. “Takte naman isa isa lang ang tanong! Daig mo pa ang interrogator ng NBI mag tanong..!” sagot ko sa kanya habang gulat na gulat ako. “Ou na sagot ang hiningi ko hindi complement sa ugali ko! Haha!” tawanan pa naman akong mokong nato! “Bakit masama bang mag enroll ha! Utol? Ayaw mo nun same school tayo” sagot ko sakanya. “ayoko nga! Mahahwa nanaman ako.. lalo na diyan sa ugali mong antukin”. Ou na antukin na kung antukin kasalan ko bang mabilis akong antukin… “Oh.Siya una na akong umuwi baka hinahanap na ako ng magulang ko!”
“Sige na umuwi ka papaluin ka nanaman ng sintron!!” loko loko talang Rany na ito mahilig paring magn asar!!! Hindi na ako umimik at umuwi na ako.
BINABASA MO ANG
I Love you, But Goodbye!
Novela JuvenilMy first story writing ... Comment lang po kung okay lang ang aking story.. newbie lang po ako