Chapter 21

1K 65 28
                                    

We played for almost an hour and then I proceeded to the silo together with Marcus but before that, I had a very awkward continuation of the game with Hax and Madeo.

Matapos si Madeo ay sunod na naging taya si Dannis ngunit dahil sa ukopado na ng nangyari ang isip naming tatlo nina Madeo at Hax, hindi na nasundan pa ang laro matapos kay Dannis.

Saktong mag-aalas nuwebe na din naman nang natapos kami kaya nagpaalam nalang din kami agad ni Marcus sa kanila.

Hax had actually tried to talk to me before we left but when I saw Madeo looking at me with his gloomy face, for some reason, everything started feeling wrong to me so I hurriedly went to the silo and I'd always been too preoccupied since then.

I kept on staring on the zombie at the end of the farm through the binocular and had just been following her for almost fifteen minutes now.

The cool breeze blows on so I stand off of the night vision binocular and let my hair loose from a ponytail to keep my neck from cold.

"They're here now." Agad akong kinabahan sa sinabi ni Marcus.

I looked at my phone and figured it's still 1:49 am.

They've come too soon for their shift when they could still have spent their eleven minutes resting.

Dinungaw ko sila mula sa siwang dito sa tuktok ng silo.

At first, I was confused on what I should do but then I asked myself, kailangan ko pa ba talagang pag-isipan 'yon?

"Baba na tayo Mag." Wika ni Marcus at nauna na itong bumaba sa hagdan. Sumunod naman ako agad at nakasalubong namin sa labasan sina Hax at Madeo.

"How is it?" Tanong ni Madeo kay Marcus ngunit ang mga mata nito ay nakatitig sa akin.

Agad akong naglipat ng tingin kay Hax ngunit nang makitang gaya lang din ng kay Madeo ang ibinibigay nitong tingin ay mas pinili ko na lamang na tumingin kay Marcus.

"May tig iisang zombie sa gate at sa dulo ng sakahan pero hindi naman ganoon kalapit kaya okay lang." Sagot ni Marcus.

Matapos ang ilang sandaling katahimikan ay tila napansin na ni Marcus ang tingin sa akin ng dalawa dahilan para agad din itong mapatingin sa akin.

Nahihiya ko itong tinignan.

"Mauna nalang siguro ako sa'yo Mag."

Okay lang bang hayaan ko siyang mauna?

Shit!

"O- Okay. Sleep well Marc." Tanging nasagot ko kay Marcus.

"Ingat kayo dito. Good night."

"Good night." Madeo countered while Hax just nodded at him.

Wala akong ibang nagawa kundi ang sundan na lamang ng tingin ang naglalakad paalis na si Marcus.

I zipped my lips into a thin line in awkwardness.

Tinignan ko ang dalawa ngunit ganoon parin ang mga tingin nito sakin.

Anong plano ng mga 'to?

Hax has never been the talkative one so I can understand his silence right now but not with Madeo who's always been eloquent.

Seconds passed and still none of them spoke so I finally decided to break the silence.

"May sasabihin kayo?"

Halos magkasabay ang mga itong tumango dahilan para magsitaasan ang kilay ko at nagsimula akong tumawa ng mahina.

Ang cute nilang tignan.

Murder of OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon