Chapter 11

1.4K 84 17
                                    

Ilang minuto lamang mula nang makalabas kami sa weapon store, dumating ang higit sa tatlumpong zombies mula sa magkakaibang direksiyon.

Halos maligo kaming lima sa pawis matapos naming pagtulungang buhatin at iakyat sa sasakyan ang anim na kahon ng mga armas, bala at granada.

These boxes were supposedly to be taken by Jacob if only he had made it.

Iyong mga armas na natira doon sa mga shelves, hindi na namin nakuha pa dahil nagmamadali na kaming makaalis bago kami maabutan ng mga zombie na nag-uunahan papunta sa amin.

Nakakapanghinayang pero wala na kaming magagawa.

Medyo madilim na ang paligid nang makalabas kami. A dead body lays on the doorstep and we found out that it was Hax's doing.

He said the guy was one of those men. He stayed inside their car but immediately went out when the gunshots erupted. Reresbak sana dala ang sariling baril nang hindi nito magawang makapasok dahil nailock pala ni Jacob iyong tempered na pinto.

Nang lumabas si Hax, agad daw siyang tinutukan ng lalaki ng baril ngunit naunahan niya ito. He used the gun that I left on the glove box.

Considering he's injured, I told him how stupid he was to show himself but he said he wouldn't do it if he knew he'd be in danger.

Marcus drove the truck that Jacob had left and now he's leading us to a pawnshop where he said we can safely stay for the night.

Hindi na kami pwedeng bumyahe pa ng malayo dahil dumidilim na.

Iyong plano naman naming convenience store na tutuluyan sana, sabi ni Marcus hindi daw ligtas doon kaya wala kaming choice kundi ang magtiwala nalang sa suhestiyon at sariling plano nito kahit na hindi pa namin ito ganoon ka kilala para pagkatiwalaan agad.

He may look strict and serious but I can tell that he's a good man. Naalala ko sa kanya iyong yumao kong pinsan. Medyo seryoso din pero close kami non at parang kapatid lang namin ni Julian.

Nag-iisang pinsan lang namin yun sa nag-iisang kapatid ni Papa na babae at parang kasing edad lang din nitong si Marcus.

Tatlong taon matapos mamatay ni Kuya, namatay din ang Mama niya dahil sa isang aksidente at ang Papa naman ay muling nag-asawa kaya naputol na ang ugnayan namin sa kanya.

My Mom was an only child so basically, it's just me and Julian that's left now.

May mga relatives kami pero hindi kami close sa kanila kaya hindi kailanman sumagi sa isip ko ang pumunta sa kanila.

Hindi din naman ako sigurado kung nasaan sila at kahit gustuhin man ng kahit sino sa amin dito na umalis at puntahan ang mga kamag-anak namin, hindi din namin magagawa yun dahil sa pagkakaalam namin ay wala nang nag ooperate na sasakyang pandagat o panghimpapawid ngayon.

---

We drove for like a kilometer and a half before we finally reach our destination.

The pawnshop is a single two-storey building with a rooftop in the Raccoon Street. It has few trees on its spacious backyard where we chose to park our trucks intead of its parking lot in front.

Sabi ni Marcus, mas maigi daw na nasa likod iyong mga sasakyan para hindi makita at mapag-interesan ng kung sino mang mapapadaan sa harap nitong pawnshop.

Nang maihinto na ang sasakyan ay hindi muna kami pinababa nina Madeo at Marcus. They checked the area first for some zombies and any other threat and when they were sure it's safe, they finally called us all out.

"Paano mo nalaman ang tungkol sa lugar na 'to?" Tanong ni Hax kay Marcus habang kumakain kami.

We're inside the pawnshop's back room which is also the security control room that is situated just before the backyard where our trucks are.

Murder of OrderTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon