Sineen ko na lang yung message niya at nag ready na ako. Mamaya 1:30 pa class ko at ang galing kasing anong oras palang. Galing talaga netong Noah na 'to eh.Sa lobby na lang ako nagantay para hindi na magpa-park yung ungas na yon. Hassle pa, gutom na ako.
Tinext na rin naman niya ako na malapit na siya, buti na lang wala daw siyang class at mamaya din kasi classmate nya ako sa subject na yon. Akala ko nga isa lang yung subject ko na kasama siya, yun yung P.E hindi pala.
Nagi-scroll lang ako sa twitter kasi wala akong balak sabihin sa mga kaibigan ko na kasama ko si Juan kasi for sure, mantritrip lang yun. Kaya nung biglang nakita ko yung sasakyan niya at binaba niya yung window to call me. Dali dali naman lumabas at sumakay kasi naalala ko na naman yung ginawa naming scene dito na halos galit na galit na yung sumunod na kotse dahil di sila makakababa at parang 10 minutes kami nag papataas ng pride ni Juan.
Pag pasok ko sa kotse niya, dali dali ako nag seatbelt ni hindi ko man lang siya binati. I'm only here for the food.
"Wow.. good morning to you too, Juan" bigkas niya. Tiningnan ko lang siya, nakawhite UP shirt siya tapos pekpek black shorts.
Natawa naman ako, di ko narinig na nag good morning siya. Paka-kupal.
"Di ko narinig. Edi good morning" sagot ko.
Di niya ako sinagot at naka-focus lang siya sa pag drdrive. Nakatingin naman ako, infair may itsura pala talaga siya. Kay Javi kasi ako napopogian eh, bukod sa ang bait na, ang pogi pa. Dito kasi, demonyo 'to eh.
"Don't drool, honey."
"Kapal ng mukha mo, gago."
"Don't cuss, kala mo cool ka?" irap niyang sabi sakin.
Tumahimik naman ako at di nagsalita hanggang sa makarating kami sa UPTC. Nung nakababa kami sa sasakyan niya bigla namang niyang sinabi.
"Hindi kasi ako sanay na naririnig na nagmumura ka." kamot ulo niya pang sinabi.
"People change, you know." irap ko pa sa kanya tapos dire-diretso ako naglakad
Nakasunod lang naman siya sakin, papunta ako sa Frankies. Tapos nung malapit na kami don, inaantay ko siya.
"Anong gusto mo?"
"The usual." sagot niya tapos sabay kaming lumapit sa counter para mag order
"Ako na, diba sabi ko libre ko?" angas niya pang sabi.
"Ako na, sabi ko itrtreat kita" umirap ako sa kanya.
"Find a seat, it's on me."
"Ayokong magkautang na loob sayo, Juan." sabi ko sa kanya sabay abot sa card.
"No, Lou. Ako na."
"Ako na nga sabi. Kaya ko na sarili ko, Juan. Di nako tulad ng dati, wag ka magalala."
"I know, but please let this pass. Ako na-"
"Naguguton nako, ano? Ako na sab-." sabi ko.
"Ma'am? Sir? Sino po ba talaga?" tanong nung cashier samin tumingin naman kami parehas sa kanya at she cignalled na ang haba na ng pila.
Di nako nagsalita at humanap na lang ng upuan. Nakakairita talaga. Ayaw magpatalo.
Nung nakahanap ako nang upuan, maya-maya nakita ko na si Juan na parati, buti na lang walang gasinong tao dito.
"Classmate kita next class ko." sambit niya habang paupo ako.
"Alam ko."
"Kelan ba kita makakausap ng maayos?"
"Pag sasagot ka na ng maayos." sagot kong dali sa kanya.
Bigla naman siyang napailing. Di mapinta itsura niya.
"I really don't get you. I'm trying, okay?" mahinang sabi niya.
"You don't have to, Juan."
"Atleast let's talk properly.. hindi yung puro away tayo.. or di magkasunduan."
"Maayos naman ako, ha?" I smiled, kasi nakikita kong parating na yung order namin.
Nagtaka naman siya bakit akk ngumiti kaya ngumiti na rin siya. Nung pag dating naman nung order namin bigla siyang sumimangot dahil alam niya na dahil dun kung bakit ako ngumiti kaya gumanti. Bigla bigla ba namang kumuha ng chicken wings eh nagpipicture pa ako kaya yung napasigaw ako tapos pinagtinginan na naman kami ng tao.
louiselopez 1m
Habang kumakain kami, nakangiti ako. Miss na miss ko na yung frankies pati etong kaharap ko na busy rin kumain."I miss the old us." nagulat naman ako sa bigla niyang sambit.
BINABASA MO ANG
Euphoria | Juan GDL
Fanfiction"cause' we don't choose who we fell for" A Juan Gomez de Liaño epistolary novel.