"Good morning" nakasimangot ako sa kanya.
"Walang good sa morning ko pag ikaw una kong makikita. Bakit ka nakapasok dito?" tiningnan ko siya.
"Leila told me to come na lang to wake you up? Kasi i saw her sa lobby kanina, mag jojogging daw siya." sumbong niya.
"Punyeta talaga yon!" sigaw ko sa kanya!
"Sige, i'll wait you na lang sa lobby" sabi naman niya at akmang lalabas na sa kwarto ko.
"No!" sigaw ko na naman sa kanya tapos napatingin naman siya sakin.
"Wait mo na lang ako sa sala. Magaayos lang ako." he nodded tapos lumabas na.
Punyetang Leila na yun.
-
Pagkalabas ko sa sala nakita kong nakaupo si Juan sa sofa nagphphone. Pansin ko rin wala na yung mga babae dito, baka umalis na rin sila at si Leila ang naiwan kasi may pagkain pa sa may table ko, ibig sabihin nun, it's either uuwi na si Lei or malalate siya ng balik dito. Tiningnan ko naman yung kabilang kwarto, wala sila Julia at Manissa, umuwi or pumasok na ata.
"Kain muna tayo, daming niluto ni Lei" sabi ko sa kanya habang kumukuha ng mga plato.
Nagluto si Leila ng bacon, eggs tas fried rice. Alam niyang sobra dami kong kumain pag umaga.
"Sure" nakatingin lang siya sakin.
"Oh edi wag" sabi ko sabay umupo. Nakita ko naman na lumapit papunta sakin.
"Your friends cooked for you?" He asked, i nodded naman.
"Ikaw you know how to cook?"
"Yeah, a few lang. Pero i can cook naman if it's for you." yabang niyang sabi sakin.
"Naks. I bet, di mo kaya lutuin yung fave ko." sabi ko sa kanya.
"What's your fave ba?"
"Sinigang na baka!" sabi ko.
"Huh? May sinigang na baka ba?" curious niyang tanong.
"Oo, sarap kaya!"
"Okay, paturo ako kay Mom." sabi niya pa habang sumubo.
Wow, sana magtagal yang magiging consistent mo.
-
"Close ba kayo ni Noah? As in close-close?" tinanong ko siya, naglalakad kami now papunta sa epsilon. First class, PE pa.
"Yeah, pero not close close. Si Noah kasi, he's a jolly one samin eh. Lahat close niya." sabi niya.
"Plus, he's the sweetest." dagdag kong puri, totoo naman kasi eh. Pero lately, hindi ako pinupuntahan netong si Noah. Baka isip niya, okay lang ako?? Or kaya baka may sinabi na naman sila Julia sa kanya!
"Yeah, for sure."
"How about you and ricci?" He asked.
"We're friends, may crush sakin yun. Blockmate ko siya remember? Parehas kaming course eh. Pero ayun, you know what hap-" naputol ako sa pagsasalita dahil ang dami ko na palang daldal.
Tumingin siya sakin. "Why?"
"Baka sabihin mo ang daldal ko pero okay wala na akong pake." sambit ko sa kanya, gusto ko magkwento eh "Do you remember nung nagkita tayo sa Pob? Umuwi na ako that night eh, si Ricci kasi he.. somehow confessed, eh ayoko nang ganon. Nagooverthink agad ako na baka magkalat siya if ever lasing na siya ganon... eh hindi ko naman siya type. Well, at first, i like him pero as a friend talaga. Kasi mukha siyang masayang maging tropa. Lasinggero eh." natatawa kong kwento, nakikinig lang naman si Juan.
"Oh, i really thought you two had a thing."
"Kala mo lang yon."
-
Papunta na kami sa A2 ngayon, nagiinsists si Juan na mag UPTC na lang kaso nauumay na ako don.
"Ikaw? You had girlfriend before?" tanong ko sa kanya.
"Yeah." Napakacold naman, nagtatanong lang.
"Ah okay. Bat kayo nagbreak?"
Tumawa siya. "You seriously asking me that?"
Tumango naman ako.
"You don't remember a thing talaga 'no?" seryoso niyang tanong, napatigil naman ako sa pagkain at tumingin sa kanya.
"Hindi ko alam sinasabi mo, Juan." ngiti ko sa kanya.
"Nevermind." irap niyang sabi sakin.
"I saw on your tagged photos, your ex.... she's like my twin? Kamukhang kamukha ko, Juan."
Bigla namang binalibag ni Juan yung kutsara na hawak niya at lumabas.
Anong problema neto, gusto ko lang naman malaman.
Sumunod ako palabas sa kanya, he's heading to his car. Mukhang badtrip.
"Hey, ano bang problema mo? Bakit hindi mo masagot sagot!" sigaw ko sa kanya.
"Punyeta akala mo ba ako yung girlfriend mo? Kaya ka ganon sakin nung nagkita tayo? Kaya kung bakit may PE ka kahit varsity ka naman?" hawak hawak ko yung braso niya, nakatalikod pa rin siya sakin.
"You don't remember anything diba?"
"I don't. Kaya nga i'm asking!" nagulat naman ako sa next na ginawa niya, nagpumiglas siya sa pagkahawak at naglakad.
"Wag mo na alalahanin." sabay sakay sa kotse niya at iniwan akong magisa dito.
Anong ginawa ko? Bakit ganon na lang yon? Kanina okay pa siya? Naguguluhan na ako. Gusto ko lang naman malaman.
-
"Hey" nakita ko si Noah nakaupo sa gilid ko. Bakit andito ako sa clinic?
"Are you okay?" tanong niya sakin.
"Hindi, kailangan ko ng tubig." pag aattitude ko sa kanya. Uunahan ko na 'to para mag sabi sakin.
Inabutan naman niya ako ng tubig at inalalayan ako, di naman ako nagpaalalay.
"Are you mad?" he asked.
"What really happened to me, Noah?" naiiyak kong tanong sa kanya.
"Please."
BINABASA MO ANG
Euphoria | Juan GDL
Fanfiction"cause' we don't choose who we fell for" A Juan Gomez de Liaño epistolary novel.