louiselopez 1m
Nung nakita ko sila Ricci, dali dali naman akong uminom. It's been a while since lumapag ako dito sa Palace, na-busy ako sa life and acads lately.
"Woah, chill! Ang aga pa lou." sambit ni Ricci sakin, hindi ko naman pinansin at uminom lang nung shot ko, tangina. Cuervo pa nga.
"Wala kang pake. I'm only here for the drinks." narinig ko naman tumawa yung mga kuya niya pati friends niya, ano ba 'to? Get together pala nila 'tong mag trtropa hindi man lang ako na-inform.
Habang pa-umaga, nakikita ko na mga pasaway niyang teammates, si Noah, of course, andito rin. Medyo tipsy na rin ako kasi pag apak ko palang dito sa Xylo di nako tumigil kakainom. Mag aalas tres na rin at to be honest, hindi ako nageenjoy. Na-miss ko na yung mga girls ko. Andito kaya sila?
"Hey, enough kana sa inom." bulong naman sakin ni Noah. Tumingin ako sa kanya at sa mga tao dito sa couch namin, halos lahat lasing na. Si Noah kaya di pa lasing 'to kasi namemeke ng shot. Kunwari siya magpapaikot, pero ang totoo pag dating sa kanya, ini-skip niya. Lol! Napaka dugas. Pero sabagay ihahatid ako pauwi neto pag nagkalat ako.
Umupo na lang ako at tiningnan sila. Halos lahat sila andito. Parang get to together na nga ng UPMBT 'to. Kaso, ang pinagtataka ko, bakit wala si Juan kung andito naman si Joe at Javi?
Naramdaman ko yung pag vibrate ng phone ko kaya dali dali ko kinuha sa bag ko. Tiningnan ko naman kung sino yunb tumatawag si Juls kaya sinagot ko kahit alam kong di ko siya maririnig. The call lasted for a minute lang tas binaba na niya, nairita siguro kasi puro "ha" lang sinasabi ko, bigla naman siyang nag text na papunta sila. Mag nokal daw kami. Tangina, alas tres na. Besides, tipsy na rin ako puta. Ang lalakas ng tama netong mga kaibigan ko.
Hinayaan at inaantay ko na lang sila tutal wala naman ako makakalandian dito dahil bukod bantay sarado tong Noah, ang awkward din kasi puro UPMBT andito. Ayokong mag kalat, ma-video-han pa ako.
Parang 5 minutes lang akong nakatulala tapos naramdaman ko na lang yung hula sakin ni Manissa, kitang kita ko rin yung pag kausap ni Julia kay Noah.
"Tangina niyo, tipsy nako. Mag nonokal pa?" galit kong tanong sa kanila. Palabas kami sa exit ng Xylo pa- Island.
"Sino bang may sabi mag no-nokal? Jan lang tayo sa Revel!" sabi naman ni Manissa sakin.
"Putangina Manissa, wag mokong bitbitin na parang ma-bablack out ako anytime soon. Kaya ko." sabi ko sa kanya at inayos ko yung lakad ko, paglabas namin. Wow, jam-packed Island ha. Ano meron?
"Anong pumasok sa kokote mo at nakipag 1V1 ka kay Rivero? I heard kayo lang daw umubos ng isang Cuervo." natatawang sabi ni Leila.
Inirapan ko naman siya. "Alak na alak ako, baket?"
"Selos tuloy si ano. Kaya jan nagkakalat sa Revel!" sabi ni Julia, di ko na rin pinansin kasi gusto ko mag lakad at makarating na sa Revel kasi gusto ko pa uminom. Finally, wala nang Noah na babakod. Makakalandi na ako.
Pag dating namin sa Revel, tuwang tuwa pa akong umupo sa couch kasi hindi ko man medyo kilala etong mga chekwa's na umiinom atleast i can be myself.
They greeted me naman tapos pina-chug sakin Cuervo for 5 seconds. Puta walang katapusan na Cuervo. Hayop. Ang matindi pa, walang chaser kaya una kong nakita sa table yun yung ginawa kong chaser. Eh na-realize ko na lang din nung nasa lalamunan ko na, halos masuka ko na. Black Label yung nagawa kong chaser. Ano na? Halos mabaliw ako
pero strong ako kaya di ako susuka."Gaga! Lupet mo rin eh 'no? Ayan mga lemon oh!" turo sakin ni Manissa.
Di ko naman siya pinansin at nadadala na talaga ako ng alak as of the moment.
"Mga hampaslupa. Andito pala kayo, bakit ngayon niyo lang ako kinuha?" tanong ko sa kanila.
"Nag eenjoy ka, atsaka di ka pa naman lasing. Ilang beses na kaya kami pumunta to check you kaso as usual dedma ka na naman sa paligid kaya di mo alam sino nakakakita sa'yo!!" sigaw ni Leila sakin.
"Oo atsaka di mo rin nakita kung pano magkalat si Juan dito! Dami niyang babae di pinansin, para silang tanga! Nasa Xylo mga teammates dito naghahanap ng mga itatake out." nabuhayan naman ako sa chika ni Manissa sakin kasi kahit ang ingay ingay rinig na rinig ko yung kwento niya.
Di nako nag atubili tingnan yung buong place. Basta pag sinabi nila, totoo yun. Kaya i excused myself. Sabi ko mag yoyosi ako na kinagulat nila kasi hindi naman na ako nag yoyosi, alam nila lag na-iistress ako or malungkot ako. Wala naman isa sa kanila na pumigil sakin.
Lumabas naman ako at pumunta sa smoking area ng Revel at umupo, madaming foreign at cheks, ang dami rin nag Hi or Hello, nginingitian ko lang at nilabas yung isang stick ng yosi. Buti may dala ako pero wala akong lighter.
Lumingon ako sa katabi ko, nagsisindi siya."Peram pag tapos mo." sambit ko kaya medyo nagulat siya, inabot naman niya sakin yung lighter at nagsindi na ako.
"Thanks" sabay abot ko sa kanya without looking at him.
Nung pag hits ko naman, tumingin lang ako sa mga nagsasaya dito sa may Island. Nakakapagod. Gusto ko na silang maalala. Ang unfair ko.
Pumikit lang ako kasi sumasakit na naman ulo ko.
"Are you okay?" napabalikwas naman ako sa nagtanong.
"You smoke? Since?" tanong niya sakin.
Irap lang sinagot ko sa kanya at daling dali tinapon yung yosi na hawak ko.
"Since God knows when."
Katabi ko siya. Nakatingin sakin, ang weird niya kasi lahat ng tao dito nagyoyosi or kaya may ka-momol na siya binabother parin ako.
"Di kita nakita sa Xylo kanina."
"I was there, you're busy with Ricci eh." Tumingin naman ako sa kanya, mukhang di pa naman lasing 'to. Nakakasagot pa sakin ng maayos eh.
"Ah."
"Lou.." sabi naman niya na malambing, kahit ang daming tao, grabe parin yung epekto ng Juan GDL sakin. Siguro dahil sa sabi-sabi lang sakin.
"Wag dito, Juan."
"Louise, i wanna take you home."
"Di pa ako lasing. I don't wanna talk about it." sabi ko sa kanya.
Natawa naman siya, di ko siya tinitingnan.
"You're being unfair, i wanna convince myself that maybe you know it all, na baka you're actually scared to allow me in your life again."
"Wala akong alam sa sinasabi mo." bigla naman akong tumayo pero dahil kinain na nga ako ng alak. Nahilo ako at hindi ko na pala kayang maglakad mag isa kaya napahawak ako sa taong iniiwasan ko ngayong gabi.
Tinitigan naman niya ako, inch na lang yung pagitan namin.
"You know, those eyes can't lie, love."
BINABASA MO ANG
Euphoria | Juan GDL
Fanfiction"cause' we don't choose who we fell for" A Juan Gomez de Liaño epistolary novel.