13 - Sorry

888 71 1
                                    

-JEFF-

Ilang linggo na rin ang nakalipas at tapos na rin ang exam. Pero pumapasok pa rin kami ngayon dahil sa mga final requirements nung ibang subject. Masaya rin ako dahil kahit papaano ay nakakuha ako ng matataas na score sa mga exam.

At sa mga linggong nakaraan, sinusubukan ko ang sinasabi ni Kyle na lucid dreaming. Akala ko magiging madali lang siya. Pero hindi. Mahirap.

Kagabi, nanaginip ako. Napanaginipan ko uli si soulmate. Wala siyang sinabing iba. Ganun at ganun pa rin. Sinasabi niya sa akin na kailangan ko na daw siyang hanapin. Naguguluhan na nga ako dahil sa mga kinukwento ni Kyle sa akin at sa napapanaginipan kong si soulmate.

Totoo ba na siya ang soulmate ko? If that so, what should I tell him? Kakausapin ko ba siya at sasabihing nakita ko siya sa panaginip ko? Na sinabi niya sa akin na, siya ang soulmate ko?

Maniniwala kaya siya? I don't know. Pero tingin ko, kung may kakayahan siya na katulad nang kay Kyle, maaaring maniwala pa siya.

Pero dahil sa ugaling ipinapakita niya sa akin ngayon, mukhang imposible pa. Subukan ko mang kausapin siya ng matino, baka puro pabalang na sagot lang ang matamo ko mula sa kanya. Telling from his aura, his personality -- mukhang mahihirapan akong i-handle siya kung siya talaga ang aking soulmate.

What if...siya talaga? Should tell him I like him?

Napakamot ako sa ulo ko. Eh naba-badtrip nga ako sa kanya eh. Kung nung una-una pa na nakita ko siya, natuwa ako kasi I finally saw someone in reality na nagpakita sa panaginip ko. Kaya lang, hindi ko naman alam na ganun pala kasama ang ugali niya.

Wait, what if magbago siya? Paano kung maniwala siya sa akin na siya soulmate kami? At paano kung napapanaginipan rin niya ako? I don't know. Siguro malalaman ko rin ang lahat sa ibang pagkakataon.

Kailangan ko munang ipahinga ang utak ko sa mga strange na nangyayari. Dahil sa ngayon, may kailangan akong paghandaan. Ang Intercollegiate Battle of the Bands.

Ngayong December na kasi 'yon. Actually, nakapagsulat na ako ng apat na kanta at tinulungan ako ni Huxley at Ark na i-arrange 'yung kanta. We already played and rehearsed all those songs. Kailangan naming makabuo ng kahit mga anim pa dahil meron na silang ibang kanta na naisulat na. Oo, hindi ganoon kadali gumawa ng kanta. But since hobby ko naman ang pagco-compose, naging madali lang sa akin ang makagawa ng isang kanta sa isang araw.

Halos araw-araw kaming nagre-rehearse sa hq. Madalas kong makita si soulmate este Van, pero hindi niya ako pinapansin. Siguro natanggap na niya na ako talaga ang nagsulat nung kanta na sinasabi niyang ninakaw ko lang.

Ngayong araw na 'to ang final rehearsal namin. Sa sabado na ang laban. Only 3 days left. Then, sa friday, magkakaroon uli kami ng tinatawag na dry-run ng singles. Ewan ko kung magkakashow-off pa sa school. Tingin ko hindi na.

"Gab!" Tawag ko kay Gab nang makita ko siyang nakaupo sa may Hinghong Park at may inaasikaso.

"Tapos ka na? May pirma na lahat ng clearance mo?" I asked him.

Ngumiti siya. "Hindi pa. Kuripot si Sir James. Ayaw pirmahan ng hindi tapos ang narrative."

"Eh kasi naman. Ang tagal tagal na niyan, ngayon mo lang ginagawa."

"Nakakatamad eh." Sabi niya.

"Sus. Officer ka, dapat hindi ka nagpapakatamad."

"Yun na nga eh. Officer, maraming ginagawa. Nakakapagod din uy."

"Aba sinong may kasalanan? Bakit ka pa kasi kumandidato sa ganyan?" I asked him.

Tiningnan lang niya ako ng masama. I chuckled.

Hinahanap-hanap Kita ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon