15 - Condition

758 62 1
                                    


-JEFF-

"Sigurado ka ba na dun ka na sa mga kaibigan mo sasabay? Ayaw mo sa amin?" Tanong sa akin ni Ark habang kasalukuyan kaming na-aayos ng mga gamit at equipments na dadalhin namin sa Dagupan.

"Haha, hindi naman po sa ayaw. Mas sanay lang po akong kasama sila." Sabi ko naman. At isa pa, nasa kotse na ni Kyle 'yung mga gamit ko huhu.

"Sabagay, I can't blame you. But don't worry, masasanay ka rin sa amin. Mababait naman sila. Haha."

"Oo nga po eh. Hehe," sabi ko na lang.

Nang mailipat na namin sa van yung equipments ay napahinga ako ng malalim. Mabuti na lang at may dala akong jacket ngayon. Sobrang lamig kasi.

Napatingin ako sa paligid. Dito kami sa school nagkita-kita. Madilim pa rin. 3am pa lang kasi. Balak naming umalis ng 3:30 para hindi haggard sa byahe. May lintik na motion sickness pa man din ako. At isa 'yon sa dahilan kung bakit ayokong sumakay sa van -- nagsusuka ako. Ewan ko nga eh kasi sa kotse ni Kyle hindi naman. Siguro dahil sanay na ako.

Hindi pa rin dumadating sina Spencer. Pumunta kasi sila sa 7-Eleven para daw bumili ng malalamon habang nasa byahe. Dala-dala pa man din nya 'yung kotse ni Kyle. Habang hinihintay sila ay tumingin na lang ako sa langit.

"Jeff," tawag sa akin ni Ark.

"Yep?"

"Look at the stars. What do you think will happen billion years after? Ano kayang mami-miss natin?" Tanong niya at tumingin din siya sa langit.

Napaisip ako. Kasi sa totoo lang, marami.

"Siguro ang isa sa pinaka-interesting na mangyayari ay 'yung super nova. It's very once in a lifetime kasi ang makakita ng super nova sa ating naked eye. Pero alam ko by 2022 magkakaroon eh, hindi ko lang alam kung anong star. Pero magandang view 'yon mula dito sa Earth pag nagkataon." Sabi ko.

He nodded, "That's right."

"Pero 'yung mga mami-miss natin, marami. Andiyan 'yung paglapit ni Andromeda kay Milky Way. Pagdevelop ng black holes. Paglapit natin sa sun. Pagcompress ng mga stars and planets. Pero tingin ko, napakatagal pa nun. But when those happened at marami pa ring buhay na nilalang dito sa mundo, they'd be lucky and unfortunate at the same time. Lucky dahil marami silang masasaksihan sa kalangitan, sa kapaligiran nila, na hindi natin nasaksihan sa panahon natin. Unfortunate dahil hindi nila naranasan o nasaksihan ang pinagmulan ng lahat. Hindi kagaya natin na lumaki sa modernization." Sabi ko.

I looked at Ark. Nakatingin pa rin siya sa langit.

"If I could be in a different dimension, I want to go to the universe. I want to know how it feels like na makita ng malapitan ang mga bituin na gagatuldok lang pag tinitingnan natin dito sa Earth." Sabi nya.

I chuckled.

"Naku, mukhang malabo 'yan kapatid. The universe is like a huge vacuum. Walang oxygen, at hindi mo rin makikita ng malapitan ang mga stars. They may seem like they are so near to you but the truth is, they are light years away. But if that's what you really want then, I envy you. Gusto ko ring makapunta sa universe but I'm afraid as well. Parang ang dami kasing strange na nangyayari doon na gusto kong makita, at the same time nakakatakot na baka baguhin nito ang pananaw ko sa buhay." Sabi ko.

"Pananaw sa buhay? Bakit naman?"

"Haha, wala lang. Being in space daw kasi, naapektuhan ang normal mong pag-iisip. Ewan ko ba, ang dami kong napapanood na documentary about theories regarding astronomy at palagi nilang sinasabi 'yan. Wala lang, medyo creepy lang."

Hinahanap-hanap Kita ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon