-VAN KEVIN-
Sa dami ng gumugulo sa isip ko ay naisipan ko munang tumambay dito sa tabi ng isang mahabang tulay. Napakahaba ng tulay na ito at kitang-kita mula dito ang repleksyon ng napakagandang buwan mula sa ilog. Ako ang gumawa nito. Ako ang naglagay ng tulay dito, ang naglagay ng ilog at ng napakagandang ambiance.
Hindi ito ang aking panaginip. Nasa labas ako ng aking panaginip at naisipan ko lang maglakbay. Mabuti na lang at marunong akong gumawa ng sarili kong panaginip kaya madaling makatakas at makapagdesisyon kung anong gusto kong gawin dito. Madali lang para sa akin makuha ang mga gusto ko.
Ngunit habang pinagmamasdan ko ang mga nagtataasang gusali mula sa tulay na kinatatayuan ko ay nakita ko na naman hindi kalayuan ang isang taong madalas kong nakikita sa panaginip ko.
"Sa layo ng kalawakan, ako'y nagdududa
Sa lawak nito ako'y nalulula
Mahahanap pa kaya kita?
Ikaw ba'y magpapakita?"Ang sabi mo sa akin
Ika'y aking hanapin
Ngunit magagawa ko ba
Sa layo ng agwat natin?Nakatingin sa langit
Pinagmamasdan mga bituin
Na tila diamante sa paningin,
At hindi kayang tingnan dahil sa liwanag."Ayan na naman siya. May dala na naman siyang gitara at kumakanta na naman siya. At hindi ko alam kung bakit hindi ko siya magawang tanggalin sa panaginip ko. Ang alam ko, dito sa mundo ko -- kaya kong kontrolin ang lahat. Pero tanging pagbura lang sa kanya, hindi ko magawa. Yun ngang palingunin ko siya sa akin hindi ko magawa. Tanggalin pa kaya sa panaginip ko.
"Bakit ka ba palaging nandito? Hindi mo ba talaga pwedeng ipakita ang sarili mo?" Tanong ko sa kanya.
I have this small idea in my mind na baka nga siya itong taong nasa reyalidad ko. At kung siya man, kailangan ko bang maniwala? Kailangan ko na bang maniwala sa sinasabi niya sa akin na ako ang soulmate niya? Na soulmate kami?
"Pasensya na. Hindi ko rin alam kung bakit napupunta ako rito. Palagi akong naliligaw." Sabi niya.
Iniwasan ko na siya ng tingin. Nakaupo siya sa isang tabi at nakatalikod sa akin.
"Ikaw, sino ka ba?" Tanong nito.
"Sabihin mo muna sa akin kung sino ka. Then I'll do the same." Sabi ko sa kanya.
Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya at nagulat ako nang makita siyang unti-unti nang naglalaho. Hanggang sa mawala na siya sa harapan ko.
I sigh. Kung talagang naliligaw lang siya, may posibilidad din na hindi siya ang nasa reyalidad ko. Pero 'yung boses niya, 'yung likuran niya, maging 'yung kanta -- it all says that him and the Jeff I know in my reality is the same.
Napailing ako. Ang mabuti pa siguro ay maglakbay na lang ako dito sa panaginip ko.
Hindi ko na iisipin kung saan ako pupunta dahil walang thrill. Mabuti pa na maglakad-lakad ako dito hanggang sa kung saan ako madala ng mga paa ko.
I started walking at napansin kong unti-unti nang nagbabago ang lugar na kinatatayuan ko habang naglalakad.
This is the best way to dream freely.
This is my other world. This is how I escape my reality. At dito ay kaya kong kontrolin ang lahat -- na siyang hindi ko nagagawa sa reyalidad. Kaya kong pumunta sa ibang bansa ng hindi umaalis sa pwesto ko. Kaya kong kumain ng marami. Kaya kong gumawa ng napakaraming pera. Kaya kong makipag-sex. Sa sex part, nagagawa ko naman siya sa reality kaya lang, walang wala ang mga babaeng 'yon kumpara sa mga babae dito sa panaginip ko.
BINABASA MO ANG
Hinahanap-hanap Kita ☑️
Fantasía[BXB] 🟢 Jeff's dream is no ordinary dream. It has three doors -- the Door of Losts, the Outside Door, and the Door of Soulmates. Saan kaya niya mahahanap sa mga pintong 'yan ang kanyang soulmate? Sa Door of Losts? Sa Outside Door? O sa pinaka-obvio...