-JEFF-LAND OF DREAMS
Hindi ako makahinga ng maayos. Hindi rin ako makagalaw. Napaupo na lang ako dito at nakatitig kay Kyle na ngayon ay litong-lito na rin sa nangyayari.
Hindi na siya si Kyle. Wala na ang alaala niya. Dahil ang alaala niya ay na kay Farjusan.
Hindi ko alam kung anong iisipin ko. Kailangan ko ba itong tanggapin, hayaan na lang, at kalimutan na ang lahat?
Napahawak ako sa dibdib ko. Ang sakit. Para akong nawawalan ng hininga. Gusto kong umiyak. Gusto kong yakapin si Kyle at sabihin sa kanya na ako ito, si Jeff.
---
"Masama. Kasi kung kayo talaga ang soulmate, ibig sabihin, mawawala ka sa reyalidad. Magiging permanente ka na sa mundo ng kapanaginipan dahil isu-summon niya ang pisikal mong katawan doon."
---Mawawala ako sa reyalidad. At ayokong mangyari 'yon. Gusto kong manatiling buhay sa reyalidad.
Lumapit ako kay Kyle. Kahit alam kong hindi niya ako kilala ay nilapitan ko pa rin siya at hinawakan kong muli ang magkabila niyang pisngi.
"Kyle, alam kong hindi mo ako kilala ngayon pero, kapag nagising ka na, pakiusap..." a tear fell from my eye, "hanapin mo ako sa reality mo." Sabi ko sa kanya.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Tuloy-tuloy na ang pagbuhos ng luha mula sa mata ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganito. 'Yung sa sobrang sakit ay parang unti-unti ring pinupunit ang puso ko.
Nagulat ako nang biglang iangat ni Kyle ang kamay niya at pinunasan niya ang mga luha ko.
"Huwag ka nang umiwak. 'Wag kang mag-aalala, hahanapin kita." Sabi niya.
At unti-unti, naglaho na siya na parang bula.
I cried in pain. Hindi ko alam kung nasa lugar pa ba ang pag-iyak ko. Basta't inilalabas ko lang ang emosyon ko, ang lahat ng sakit na nararamdaman ko ngayon.
Gusto kong iiyak.
Gusto kong ilabas lahat ng hinanakit dito sa panaginip ko. Dahil alam ko na pagkagising ko, ganito rin ang mararamdaman ko.
Maya-maya ay may dumating na dalawang tao. Si Van, at ang isang lalaking nakapang-sundalo. They are covered with blood and bruise.
"J-jeff," sabi nung lalaki. Unti-unti ay lumapit siya sa akin at niyakap niya ako.
"Mabuti at gising ka na," nag-aalala niyang sabi. Hindi ako nakapagsalita. Hinayaan ko lang siyang yakapin ako hanggang sa siya na rin ang unang humiwalay sa yakap.
Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi.
"I-ikaw nga. Ikaw ang matagal ko nang hinahanap.." he told me, then he smiled.
Hindi ko nagawang ngumiti. Ni-hindi ko magawang makatingin ng diretso sa mata niya.
"A-ako ito, si Farjusan. Ako ang soulmate mo, Jeff. P-patawarin mo ako kung dumating sa punto na gumamit ako ng katawan ng ibang tao para lang mahanap ka.." sabi pa nya.
Hindi pa rin ako nagsalita.
"Ngayon, maaari mo na ba akong samahan dito sa dimensyong ito?" Tanong niya sa akin.
At dito ako napatingin sa kanya. His eyes are full of love ang longingness.
"H-hindi...ayoko," sabi ko. "Gusto kong manatili sa reyalidad." Sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Hinahanap-hanap Kita ☑️
Fantasy[BXB] 🟢 Jeff's dream is no ordinary dream. It has three doors -- the Door of Losts, the Outside Door, and the Door of Soulmates. Saan kaya niya mahahanap sa mga pintong 'yan ang kanyang soulmate? Sa Door of Losts? Sa Outside Door? O sa pinaka-obvio...