16 - Gago

677 69 7
                                    

-JEFF-

First day of the competition, and this is for the elimination round. Magpe-perform lang kami ng isang kanta, it's either a cover song or an original song. Sa case namin, original song ang ipe-perform namin para bongga at walang issue.

Kinakabahan na ako, actually. Nandito kasi kami sa may backstage at kami na ang susunod na magpe-perform. Sobrang lakas ng sigawan ng mga tao sa beach. Parang nagkakagulo na sila dahil metal rock ang currently nagpeperform.

Which is, I don't like that much. Oh, don't get me wrong. Walang problema sa akin ang metal rock. Ang problema ay 'yung kanta nila. I mean, ang ganda ng kanta nila kaya lang, binago nila ang rendition into a much wilder version. Hindi siya maganda sa pandinig ko. Pero nakakapangamba pa rin dahil iba-iba naman tayo ng taste, 'diba? Malay mo mga ganun pala ang bet ng mga judges tapos sila pa manalo.

I sigh. Bahala na si batman. Basta sigurado ako na sapat na ang oras na ginugol ko sa pagre-rehearse ng kanta ko. And I think, I can confidently perform it with the audience.

"Go Jeff, dito lang kami!" Sabi ni Ian sa akin at tinapik ang balikat ko.

"Oo nga. Basta pag nanalo kayo ha, libre. Magkano nga uli mapapanalunan nyo? 80K? Malaki rin 'yon." Sabi naman ni Spencer.

"90K, baliw" sabi ni Lyca.

I chuckled, "Basta. Pray na lang tayo na sana manalo tayo. It's not the prize that we want, but the pride we're going to bring home. And the 'Best Band' title. Oh 'diba, sarap sa ears!" Sabi ko. Ngumiti naman sina Ark.

"Asan pala sina Erika at Gab?" Tanong ko sa kanila.

"Nasa crowd, hinihintay na kayo. Haha. O sya, punta na rin kami don, nood na kami. Kayo na sunod eh. Goodluck! Fighting!" Sabi ni Ian at inapiran ako. Spencer did the same.

"Goodluck beeees!" Sabi naman ni Lyca at niyakap ako.

"Puro ka kabaklaan," bulong ko sa kanya. She just chuckled at nginitian ako.

I looked at Kyle. Siya lang kasi ang tahimik. Hindi ko alam kung may balak ba siyang mag-good luck sa akin o wala. Haha.

"Goodluck," mahina niyang sabi at ibinigay niya ang most genuine na ngiting posible kong makita sa kanya.

Ngumiti na lang din ako then I mouthed him "Thank you." At umalis na rin siya.

"Ok, let's do this!" Sabi sa amin ng manager namin then we did our group chant.

After that, napatingin ako sa mga ka-miyembro ko. Shet. Ako lang ba ang kinakabahan? Sila parang wala lang. Petiks lang. Palibhasa mga sanay na sanay na sa ganito.

Si Luigi naka-earphone pa. Si Jasmine nagm-my day sa fb. Sina Huxley, Justin, Ark naguusap-usap. Samantalang ako, eto. Tamang tayo at hawak lang sa gitara ko.

I heaved a deep sigh.

"Be confident and talk to the crowd." Biglang sabi ni manager sa akin at inakbayan ako.

"Alam kong kaya mo 'yan. I can see your capability. You have the charm, the competency. I believe you." Sabi niya sa akin at nginitian ako.

Magsasalita pa sana ako nang bigla akong makarinig ng malakas na sigawan mula sa crowd. Nakita rin namin 'yung previous performer na bumalik na sa backstage.

Owshet na malupet, kinakabahan akuu.

"Ok, Everblue. This is elimination round. Hindi natin pwedeng sabihing elimination round 'lang' dahil anytime, pwede tayong matanggal dito. We have to consider this as one of the toughest battle in this program. Let's do this, guys! A very huge opportunity's coming our way. Aja!" Motivative na sabi ni manager and, for the last time, we did our chant.

Hinahanap-hanap Kita ☑️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon