Kabanata 49 (EXTRA CHAPTER)

6 0 0
                                    

Enero 13, 2020

Paggising ko, nakita ko may karamihan ng tao sa labas. Narinig ko na dapat pababain ang mga presyo lalo na kung may kalamidad. Hm. Ang masasabi ko sa mga problema ngayon at dati ay kapareho lang, dahil ang sariling kapangyarihan ay inaabuso para magkaroon ng kita, o mas maraming kapangyarihan. Para lang noong Españyol, pero nanalo kami. Hindi ko na alam ano mangyayari ngayon, kasi nakakaiba ang lahat. Lalo na kung ang mga ibang tao ay sinusuportahan ang masama at ayaw makinig. Baka lang maiwan ako dito, hanggang mamatay.

Nung pagtignan ko sa pinagsusulatan ko, tinignan ko ang mga lumang pahina na sinulat ko. Andoon parin! Baka nalilipat ang pinagsusulat ko ngayon, doon sa libro ko sa 1903. Adelina, Mateo, o kahit sino, pag nabasa mo ito, nasa taon ako ng 2020. Hindi ko lang alam pano ako napunta dito, o bakit ako nandito. Alam ko lang na kailangan ko ang tulong niyo!

~  Dimasalang

cuento de un indioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon