|Breaking The Chains
CONTENT:
Lesson 1: Learning To Follow God
Lesson 2: Life of Praise
Lesson 3: One God and Our Little “g” gods
Lesson 4: The New You*Note: Every series ay may apat na lesson, may roon din naman mga limang lessons pero iilan lang. Sa unang meeting niyo hindi mo kailangan banggitin ang lahat ng lessons na ito. Every week ay isang lessons lamang kaya lumalabas na ang isang series ay tumatakbo ng isang buwan.
INTRODUCTION:
Ang pagiging Kristyano ay hindi madali, sobrang daming paghihirap na pagdadaan, sobrang daming bagay na dapat isuko. Ang katotohanan ay dapat nating isuko ang lahat kay Kristo.
Sa paglakad natin sa mundong ito, maraming beses na tayo ay mahuhulog sa patibong ng kaaway.Patuloy niya tayong ibabalik sa dating tayo ngunit kailangan ng mawasak ang mga bagay na idinulot niya saatin.
Sa pag aaral na ito, nawa ay matulungan ang bawat isa saating na onti-onting mabago ang ating mga sarili at mawasak na ang kadenang inilatag ng kaaway sa ating mga paa at kamay upang hindi na maudlot sa paglapit natin sa ating Panginoon.Ang pagsama nawa ng Diyos ang siyang sumaatin!
#GuideLessonsForYourCellgroup
#BreakingTheChains

BINABASA MO ANG
Guide Lessons For Your Cellgroup | Leadership x Discipleship
Spiritual"Guide Lessons For Your Cellgroup" is a series by series lessons that can help the disciples and cell leaders of Christ for their cell group, life group, or bible study. Copyright © 2020 Fropire (Camz)