Kabanata V

135 13 1
                                    

Malalim na ang gabi pero hindi pa natutulog si Sinag. Nakaupo siya sa kanyang bintana at tinitingnan ang kalangitan. Hindi mawala sa isip niya ang sinabi ni Dmitri kanina sa pagtitipon. Napabuntong hininga siya at lumabas sa kanyang kwarto patungo sa kanyang balkonahe na nakaharap sa dagat.

 Napabuntong hininga siya at lumabas sa kanyang kwarto patungo sa kanyang balkonahe na nakaharap sa dagat

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Dmitri..." mahinang sabi niya sa kawalan. Papasok na ulit siya sa kanyang kwarto nang nakita niya na may tao sa ibaba. Nagkatinginan ang kanilang mga mata.May sinenyas si Lua kay Sinag pero hindi niya ito maintindihan. Nawala si Lua sa kanyang kinatatayuan. Hinanap siya ni Sinag ng may nagsalita sa tabi niya.

"Prinsesa Sinag..."

Muntik nang mahulog si Sinag pero dali-dali itong nahawakan ni Lua. Parang magkayakap ang dalawa dahil sa pangyayari. Humiwalay ang prinsesa sa kapit ng prinsipe.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ng prinsesa.

 "Gusto ko lang na makita ka." sagot nito. Namula ang prinsesa dahil sa sagot ng prinsipe. Hindi siya makapaniwala sa sagot nito.

"Nagkita tayo sa pagtitipon kanina..."

"Nandito ako para makita ka. Baka bukas ay wala ka na."

"Anong pinagsasabi mo?"

Tumingin si Lua sa dagat.

"Alam mo?"

"Sasama ka ba sa kanya?" tanong ng prinsipe.

"Bakit alam mo? Nakinig ka ba sa aming usapan?" medyo may galit sa boses ni Sinag.

"Hindi ko sinasadya. Hinanap kita kanina pero magkausap kayo ni Dmitri,"

"Kaya nagdesisyon ka na makinig na lang? Tapos nandito ka ngayon para makita ako, makita mo kung sumama ako kay Dmitri? Oo, sasama ako kanya kaso dumating ka-," 

Hindi natapos sa pagsasalita si Sinag sapagkat pinatahimik ni Lua ang kanyang mga labi, pinatahimik niya ito ng mga halik.

Hindi natapos sa pagsasalita si Sinag sapagkat pinatahimik ni Lua ang kanyang mga labi, pinatahimik niya ito ng mga halik

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Hindi nakapagsalita ang prinsesa matapos ang paghahalikan nila ng prinsipe. Nabalot ang kapaligiran ng katahimikan. 

"Sinag," malambing na pagkabanggit ng prinsipe.

"Kung ayaw mo talagang ikasal sa akin, sabihin mo. Ayaw kitang nakikitang malungkot." 

Hindi pa rin umimik ang prinsesa.

"Malaya kang magpasya. Malaya kang sumama kay Dmitri. Hindi kailangan ipagpilitan ang iyong sarili na ikasal sa akin dahil ito'y gusto ng iyong ama. Malaya ka Sinag. Paumanhin sa aking ginawa pero kahit iyon lang. kahit iyon lang ang ala-ala ko sa iyo bago ka humayo."

Wala pa rin.

Nang tumalikod at naglakad papaalis ang prinsipe, may kumaripas ng takbo sabay yakap sa likod. Napahinto ang prinsipe sa paglalakad at lumingon sa taong nakayakap sa kanya.

"Sinag..." 

Kinwelyuhan ng prinsesa ang prinsipe at tsaka hinampas ang kanyang noo sa noo ng prinsipe. Napa-upo ang dalawa dahil sa sakit, mga kamay nasa noo.

"Sinag..."

"Tanga ka ba o ano!? Matapos mong makinig sa aming usapan, pagkatapos mong pumunta dito para makita ako, matapos mo akong halikan sasabihin mo na pinapalaya mo ako!?"

"Sinag..."

"Huwag kang umarte na parang alam mo ang nararamdaman ko!"

Tumayo ang prinsesa at lumakad patungo sa prinsipe. Nakahanda na ang prinsipe na makadama ng sakit sa hampas o sampal ng prinsesa. Pinikit niya ang kanyang mga mata pero walang sakit siyang nadama. 

Nang binuka niya ang kanyang mga mata, nakita niya ang prinsesa na umiiyak.

"Masakit pala. Masakit na marinig na ipinauubaya mo ako kay Dmitri. Masakit...Kasalan ko to. Hindi ko kasi kayang harapin ang nararamdaman ko..."

"Sin-..."

Hinalikan ng prinsesa ang prinsipe. Napako sa kinauupuan si Lua, niyakap niya ng mahigpit ang prinsesa at ninamnam ang kasiyahan na nadarama niya ngayon baka kasi panaginip lang at magising siya.

Kumalas ang prinsesa sa yakap ng prinsipe at humiga siya sa dibdib nito.

"Sinag..." malambing na banggit nito.

"Sinag?" tawag niya pero walang sagot.

"Sin-"naputol ang kanyang pagtawag dahil nakita niya ang prinsesa na nagtakip ng mukha.

"Sinag, anong ginagawa mo?"

"Susuntukin kita diyan."

"Anong ginawa ko? Nahihiya ka ba? Okay naman yung paghalik mo..." panunukso ng prinsipe.

"Gusto mo talagang masuntok?"

Tumawa ang prinsipe. Kinuha niya ang kamay ng prinsesa na nakamao at hinalikan ito. Tinulak siya ng prinsesa at tumayo para bumalik sa kanyang kwarto. Pero madaling napigilan ng prinsipe ang prinsesa. Hinarap niya ito at niyakap.

"Bitawan mo ako." sabi ng prinsesa na pilit kinakalas ang kanyang sarili sa yakap ng prinsipe.

"Ayoko."

"Susuntukin kita."

"Okay lang."

"Bitaw sabi."

"Ayoko nga." hingipitan pa lalo ng prinsipe ang kanyang pagyakap.

"Bakit ba!?"

"Ayoko baka panaginip lang ito. Baka bukas wala ka na."

Napahinto sa paggalaw ang prinsesa dahilan na lumuwag ang pagyakap ng prinsipe. Kumalas sa yakap si Sinag pero hindi ito tumakbo, nakatayo at nakayuko lang ito. May sinabi ito pero hindi narinig ni Lua.

"May sinabi ka ba?" tanong ng prinsipe. Walang imik nanaman.

"Sin-"

"Mahal kita!" sigaw ng prinsesa sabay tingin sa mga mata ng prinsipe. Nilagay ng prinsipe ang kanyang kamay sa pisngi ng prinsesa.

"Kay tagal kong hinintay na marinig ang mga salita na iyan. Mahal rin kita Sinag." Binaba ng prinsipe ang kanyang ulo para maabot niya ang mga labi ng prinsesa. Nang malapit na ito hinarangan ng prinsesa ang kanyang mga labi pero hindi nagpapigil ang prinsipe at tinuloy ang halik sa kamay ng prinsesa. Kinuha ng prinsipe ang kamay na nakatakip sa labi ng prinsesa, pagkatapos ay hinalikan niya ang labi nito. 

"Malalim na ang gabi. Matulog ka na. May kasal pa tayo bukas." sabi ng prinsipe. Nakatingin lang prinsesa sa prinsipe tapos hinalikan niya ito at tumakbo sa kanyang kwarto.

Abot langit ang ngiti ng prinsipe, iba ang kaligayahan na nadama niya. Hindi siya ata makakatulog ng maayos ngayon.

~*~

"Aalis na po ba tayo mahal na prinsipe?"

"Oo."

"Saan po ang prinsesa?"

"Hindi siya makakasama."

EclipseWhere stories live. Discover now