Kabanata I

314 13 2
                                    

Hindi mahulugang karayom ang palasyo ngayon. Lahat ng mga pinuno sa bawat kaharian ng Caelestibus ay nagtipon-tipon para sa isang mapayapang pag-uusap. Sa halos isang libong taon, ito ang kaunaunahang pag-uusap at pagtitipon ng mga pinuno tungkol sa kapayapaan.  

Si Haring Phoebus ay ang kasalukuyang hari ng kaharian ng Ilios. Isa siyang matalino at mapagmahal na hari at ayaw niyang nakikita ang mga tao sa kanyang kaharian na naghihirap dahil sa digmaan. 

"Maraming salamat sa inyong pagdalo sa ating pagtitipon ngayong araw." bati niya sa mga hari at reyna ng mga kaharian ng Caelestibus.

"Nandito kami ngayon dahil tulad mo ay nais naming wakasan ang bangungot na ito Haring Phoebus." ani ni Reyna Luna, ang pinuno ng kaharian ng Fengari. 

"Kami rin Haring Phoebus at Reyna Luna. Ang mga Estrellas ay labis na nagagalak. Nakita namin sa konstelasyon na magiging maganda ang pag-uusap na ito. Sa tingin ko ito ang pinakamagandang bagay na nangyari sa Caelestibus." ani ni Propetess Stella.

"Nakakatuwang malaman yan Propetess Stella." ani ni Haring Zacorro ng kaharian ng Ignis.

"Alam naman natin na ang mga nagdaang mga pinuno ay hindi magkasundo sapagkat kapangyarihan at digmaan ang kanilang gusto. Ngayong araw na ito ay ang simula ng pagbabago. Ito ang simula ng kapayapaan sa Caelestibus." sabi naman ni Reyna Anahita ng kaharian ng Mizu.

"Ngayong araw na ito, pitong ninuno ng pitong kaharian ang sasali sa seremonya ng Sandugo. Ito ay siyang magsisilbing ebidensya na ang pitong pinuno ay umaayon sa kasunduan ng kapayapaan at ilalagay ang mga pait na karanasan ng digmaan sa limot at hindi na kailanman dadanak ang dugo sa Caelestibus." ani ni Haring Darius ng kaharian ng Zeme.

Ang mga pinuno ng mga kaharian ng Ilios, Fengari, Astoria, Zeme,Ventus, Mizu at Ignis ay pinalibutan ang isang malaking  goblet at isa-isang  hiniwa ang kanilang kamay at pinadugo ito. Ang mga dugo ng pitong pinuno ay inilagay sa goblet  at tinago ito sa sagradong templo kung saan pinaniniwalaang nagsimula ang lahat.

Pagkatapos ng seremonya ay isang masayang pagsasalo at aliwan ang inihanda. Maraming tao ang nagsipagsayawan at nasipagkantahan. Kapayapaan at kasiyahan sa wakas.

Ito palang ang simula.

EclipseWhere stories live. Discover now