Kabanata IX

94 6 0
                                    

Pagbukas ng mga mata ni Sinag ay umupo ito at pinagmasdan ang kanyang paligid. Naalala niya kung ano nangyari sa kanilang dalawa ni Lua at ang propesiya. Dali-dali itong umalis sa kanyang kama at lumabas sa kanyang kwarto. May mga kawal na nakabantay sa labas at pinigilan siya pero tumakbo ito patungo sa tronong silid ng hari.

Pagbukas ng pinto ay tumambad sa kanya ang kanyang kakambal at ang kanyang na nag-uusap. 

"Ama!" sigaw ni Sinag habang papalapit sa kanilang dalawa. Ang nakabuntot na mga kawal ay huminto at umalis sa silid nang nakita nila na tumango ang hari sa kanila.

"Nasaan si Lua?" dagdag niya, "Nasaan siya ama? Si Reyna Luna? Nasaan sila? Nasaan si Lua, ama?" sunod-sunod ang mga tanong ni Sinag na may luhang nagbabantang tumulo sa kanyang mga mata.

"Wala na sila rito." sagot ng kanyang ama, "Umuwi na sila ng Fengari."

Nawalan ng lakas ang binti ng prinsesa kaya napaupo ito sa sahig.

"Sinag," sabi ni Prinsipe Silaw, "Halika, ihahatid kita sa iyong silid."

Lumingon ang prinsesa sa kanyang kapatid, "Silaw, ayaw ko maging reyna ng kaharian natin. Tulungan mo ako. Gusto kong magkasama kami ni Lua. Silaw tulungan mo ako..." humihikbing sabi ni Sinag.

Hindi nagsalita ang prinsipe at tinulungan niya ang kanyang kapatid na tumayo at inilalayan niya ito patungo sa silid ng kanyang kapatid. Pagdating nila sa  silid ay pinaupo ni Silaw ang kanyang kambal sa kama.

"Silaw..." sabi ng prinsesa.

Lumingon ang prinsipe at tiningnan niya ang mga mugtong mata ni Sinag.

"Ano iyon?"

"Huwag mong bitawan ang trono. Ikaw ang karapat-dapat na maging pinuno ng Ilios."

"Sinag...kagaya mo ako rin ay naguguluhan." napabuntong hininga ang prinsipe, "sasabihan ko si Matilde na ipaghanda ka ng makakain." tumayo si Silaw at lumabas ng silid.

Tiningnan niya ang kanyang kamay na may pinta ng araw at hinadhad niya ng napakarami hanggang sa mamula at sumakit ang kanyang kamay.

Bakit ayaw mong mawala. Bakit? Lua...bakit pa tayong dalawa?Lua...kailangan kita.

Umiyak ang prinsesa at tinapon niya ang kanyang sarili sa kanyang kama.

~*~

Ilang araw ang nakalipas...

Lumabas si Matilde sa kwarto ni Sinag na may dalang pagkain na hindi nabawasan.

"Hindi pa rin niya ginagalaw ang kanyang pagkain, mahal na prinsipe," sabi ni Matilde kayu Prinsipe Silaw na nakatayo sa labas ng kwarto ni Sinag, "Hindi din siya sumasagot kapag kinakausap o tinatanong ko siya."dagdag nito.

Tumango ang prinsipe at umalis si Matilde patungo sa kusina.

"Sinag..." sabi ng prinsipe sabay katok sa pinto, "papasok ako."

Pagkapasok ni Silaw ay nakita niya ang kanyang kapatid na nakaupo sa isang sulok at nakatingin sa may kawalan. Ang dating kumikinang na mga mata ng prinsesa ay nawalan na ng sigla.

"Sinag," tawag ni Silaw pero walang sagot ang prinsesa. Lumapit ang prinsipe sa kinauupuan ng kanyang kapatid at lumuhod.

"Kumain ka na Sinag, para may lakas ka. Nag-alala ako, si Matilde at si ama sa iyo...Hindi mo ginagalaw ang iyong pagkain, ilang araw na." 

Tumingin si Sinag sa direksyon ng kanyang kapatid.

"Pa-ano ako makakain...kung wa-la na akong rason para mab-buhay pa sa mund-ong ito..."mahinang sagot ng prinsesa.

EclipseWhere stories live. Discover now