Kabanata IV

151 12 4
                                    

~*~

Ang mga panauhin ay sumsayaw sa musika. Ang iba nama'y nagkwekwentuhan,kumakain at umiinom ng alak. Pagkatapos  sumayaw nina Prinsesa Sinag at Prinsipe Lua, hindi na sila nag-iimikan. Kinakausap ni Sinag halos lahat maliban kay Lua. Gayun din ang prinsipe. 

"Prinsesa Sinag," bati ng isang lalaki na nakasuot ng berde na damit at may koronang dahon sa kanyang ulo.

"Prinsipe Dmitri," ani ni Prinsesa Sinag, "nagagalak akong nandito ka."

"Maari ba kitang makausap?" tanong ng prinsipe.

"Oo naman. Doon tayo sa labas."

Pumunta ang dalawa sa labas. 

"Tungkol saan ang nais mong pagusapan natin Prinsipe Dmitri?" tanong ni Sinag.

"Dmitri, Sinag. Tawagin mo ako sa aking pangalan. Tayo lang naman dito. Magkababata naman tayo."

Yumango si Sinag at tsaka ngumiti., "Pasensya na. Oh sige tungkol saan ang ating pag-uusapan, Dmitri?"

Lumapit si Dmitri at yinakap si Sinag. Nagulat si Sinag naging aksyon ng prinsipe kaya kumalas ito.

"Anong ginagawa mo Dmitri?" tanong niya na  may bahid na pag-aalala at pagkagulat.

"Sinag, sumama ka sa akin." sabi ng prinsipe na nakatingin sa mga mata ng prinsesa.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam ko na alam mo kung ano ang aking tinutukoy. Itong kasalang ito. Tutol ako at alam kong tutol ka rin."

"Dmitri," 

"Noong bata palang tayo, minahal na kita. Hindi ko kayang makita kita na ikasal sa hindi mo naman mahal. Sumama ka sa akin Sinag at tayo ay magpapakalayo-layo."

"Hindi ko iyon magagawa Dmitri. Ikaw ang susunod na Hari ng iyong kaharian. Paano na ang iyong ama? iyong mga mamamayan? Iiwan mo sila para sa akin?"

"Oo kung ikaw naman ang kapalit."

Napaupo si Sinag, nanghina ang kanyang mga paa. Hindi niya kayang tumingin sa mga mata ni Dmitri.

"Maghihintay ako ngayong hating gabi sa daungan. Kung dadating ka ibig sabihin na pareho tayo ng nararamdaman. Kung hindi ka sisipot..." huminto si Dmitri sa pagsasalita at nagpabuntong hininga,"...ibig sabihin mahal mo siya. Hindi na ako magpapakita sa iyo."

Lumingon si Sinag kay Dmitri. Nakikita niya sa mga mata ng prinsipe na seryosa siya. Kinuha ni Dmitri ang kamay ni Sinag at hinalikan ito. 

"Maghihintay ako." ulit niya pagkatapos  ay umalis.

Noong nakita ni Sinag na pumasok na si Dmitri ay nagdesisyon siya na manatili muna sa labas. Tumingin siya sa kalangitan.

"Ina, anong gagawin ko?" buntong hininga niyang tanong.

Hindi niya namalayan na may nakarinig pala ng  kanilang pag-uusap.

~*~

"Prinsipe Lua," bati ng isang babae na nakaputi.

"Propetess Tala," 

"Anong tinitingin-tingin mo sa labas?" tanong niya.

"Ah, ang mga bituin. Marami sila ngayong gabi."

"Mukhang nagagalak ang mga bituin sa kasalan na magaganap bukas mahal na prinsipe."

Nag-iba ang templa sa mukha ni Prinsipe Lua.

"Katulad ka ba rin ni Prinsesa Sinag na tutol sa kasalang ito?" tanong ni Propetess Tala.

"Bakit mo naman nasabi na tutol ang prinsesa?" tanong niya.

"Nakalimutan mo kaya mahal na prinsipe na ako'y isang propetess at ang kakayahan kong magbasa at maunwaan ang mga anima mea ng isang tao. Gusto mo bang malaman kung ano ang tunay na nararamdaman ni Prinsesa Sinag sa iyo mahal na prinsipe?"

"Hindi ko kailang ng iyong kapangyarihan upang malaman kung ano ang nararamdaman ni Sinag. Mas gusto kong malaman at marinig galing sa kanya kung ano ang tunay na damdamin niya sa akin na siya. Pag-umanhin Propetess Tala, tinatawag ako ng aking ina." 

Yumuko si Prinsipe Lua at pumunta kay Reyna Luna. Tumingin si Propetess Tala sa kalangitan at pumikit ito.

"Lua,"

EclipseWhere stories live. Discover now