Coleen's POV
"Totoo ba ito Nicole?" Hindi maipinta ang mukha ni Sedrick habang nakatingin samin ni Sheen.
Hindi kaya sinabi na ni Sheen ang totoo na pinilit ko lang siya na pumayag at tanggapin ang role? Yumuko ako, hindi ko kayang harapin si Sedrick nakakahiya. Biglang hinawakan ni Sheen ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Matagal ng kami" naiiritang sagot naman ni Sheen. ANO DAW!
"Oh my God, Nicole! Ano bang pumasok sa kokote mo?" Bulong na singhal ni Sedrick. Galit itong nakatingin sa'kin. "Papagalitan ako ng papa mo pagnalaman niya 'to." Dagdag pa niya. Si Sedrick ang manager ko kasi siya ang pinagkakatiwalaan ni Dad. He's my manager/bantay and he's reporting everything to my Dad.
"Ipapaalam na namin sa media na kami na para mawala na ang isyu." Pagsa-suggest ni Sheen. Tumingin ito sa'kin habang nakasmirk.
"O-Oo tama si Sheen, Sed." Bakit ba ako nauutal. 'Wag kang assuming Coleen ginagawa niya 'to para mawala ang issue at matuloy ang movie. Kaya 'wag kang ano!
"Okay, sasabihin ko nalang sa Dad mo na nagpapanggap lang kayo para hindi ako mapagalitan. Hays!" Pagsang-ayon ni Sedrick at lumabas ito tatawagan niya daw si Ma'am Angela para sa plano.
"Salamat, Sheen " pasasalamat ko. Ilang beses na niya akong tinulungan. I'm very thankful!
"Don't thank me may kapalit ang mga ginagawa kong ito." Malamig na sagot niya. Oo nga naman. Ang bobo mo kasi Coleen.
"Pumunta ka mamaya, same room." At umalis na ito. Hindi ko alam kung may pakiramdam pa ito o ano kasi naman kita na ngang nakahiga pa ako at may benda pa sa ulo. Hays! Ewan ko nalang.
"Saan pupunta yun?" Tanong ni Sedrick na kakapasok lang.
"May meeting daw siya."pagsisinungaling ko.
"Bakit parang galit ka? Nag-away ba kayo?" Sunod-sunod na tanong niya. "Teka nga don't tell me may nangyari talaga sainyo kagabi." Usisa nito.
"W-Wala ah " pagde-deny ko.
"Wala? Bakit ka namumula kung wala?" Naiiritang tanong nito.
"Sumasakit ang ulo ko, Sed. Matutulog muna ako." Sabay talukbong ko ng kumot. Shemay!
"Naku, Nicole mag-ingat ka. Nasurprise akong kayo na baka sa susunod surprise na ako kasi buntis kana katapusan na ng career mo pagganun. Ewan ko nalang sa'yo." Tama si Sedrick katapusan ko na pagmawala pa sa'kin 'to.
Kagigising ko lang at pagtingin ko sa gilid ay nandun pa rin si Dad may nakaattach na mga tubo sa kanya. Hindi ko man lang namalayan na nakatulog pala ako.
'I'm sorry Dad sure ako na ako ang dahilan ng lahat ng ito. Siguro kaya ka inatake ay dahil yun sa mga issue. I'm very sorry Dad wala na akong nagawang tama. Kung nandito lang si Mama hindi sana magkakaganito ang lahat.' Bulong ko hindi naman niya ako maririnig.
Nag-open ako ng notifications sa phone ko and nabasa ko ang message ni Sedrick at Sheen.
'Out! Looking for food' text ni Sedrick binasa ko ang message ni Sheen.
'Where are you?' Shemay! 6:38 pm niya sinend ang message. Tinignan ko ang oras 8:04 na ng gabi.
Tinext ko si Sedrick na may pupuntahan muna ako at nagtext ako kay Sheen na papunta na ako. Umuwi muna ako ng bahay at naligo. Pinalitan ko rin yung bandage sa ulo ko bago nagbihis at pumunta kay Sheen.
Napapatingin sa'kin ang mga taong nakakasalubong ko. Sino ba naman kasi ang hindi. Ikaw kaya makasalubong na taong nakacoat at sunglasses tapos nakabaclava scarf and hat pa at ito pa, gabi na kaya.

BINABASA MO ANG
Blinded ((R-18) COMPLETED)
RomanceJosheen Ye Nathans was the next President of YAN Corp. , his father established this organization to give people an opportunity to reach their goals as an actors and actresses. But his father asked for a grandchild before giving him the position but...