Coleen's POV
Nagising ako dahil sa ingay ng phone ko. Sinagot ko ang tawag ng hindi man lang tinignan kung sino ito.
"Nicoooooooole?! Asan ka na ba? Isang oras nalang ay magsisimula na ang photo shoot." Sigaw ni Sedrick sa kabilang linya.
"Papunta na text mo sa'kin yung lugar." Sabay baba ko ng tawag.
Sedrick is my manager. He's a family friend siguro matanda lang sa'kin ito ng 4 years. I'm Mhira Coleen Evangelista also known as Nicole Evans and I'm 29 years old.
Tumingin ako sa katabi ko pero nadismaya ako ng makitang bakante na ito. I know that already pero masakit pa rin at dapat lang na ganun ang pakitungo niya dahil kasalanan ko rin naman. Nagbihis na ako at umuwi muna sa bahay.
"Where were you last night Mhira?" Galit na tanong ni daddy.
"Friends house " maikling sagot ko. Galit na tumingin ito sa'kin.
"Wag mong kakalimutan na ito na ang huli mong chance Mhira. Alam mo kung saan ang kakalagyan mo pag hindi successful ang movie nato." Pagpapaalala nito sa consequence na binigay niya. Tumalikod ito at umalis na.
I know I can do it!
Nagmakeup ako at nagbihis na. Nagdrive ako papuntang venue at nakita ko agad si Sedrick na nakabusangot ang mukha. Hindi pa niya namalayan na dumating ako. Halatang problemado ito na baka hindi ako sisipot.
"Good morning, Sedrick" maligayang bati ko sa kanya.
Halatang masaya itong makita ako kasi bigla niya akong niyakap.
"Nicole naman akala ko 'di ka dadating." Napatawa nalang ako sa sinabi niya. Niyakap ko rin siya pabalik pero bigla akong napabitaw ng makita ko si Sheen. Sheen was glaring at us! Sending daggers!
"Hey Nicole, are you okay?" Binitawan na ako ni Sedrick at tinanong. Bakas sa mukha niya ang pag-alala.
"I'm fine." Sabay ngiti ko.
"Halika na nandoon na yung susuotin mo sa photo shoot." Sabay hila sa'kin ni Sedrick sa loob ng dressing room. Naalala kong hindi ko pa pala nababasa ang script. Patay!
Wala na naman kasing malisya samin na makita niya akong naka bra at panty lang. We've been working together for almost 2 years. Medyo malapit na rin kami sa isa't-isa.
Balewala na ito kay Sedrick 'di tulad nung unang naghubad ako sa harap niya muntikan na siyang matumba dahil sa gulat pero ngayon? nah! Hindi na bago sa kanya. Isang pulang night dress ang suot ko and I guess it's too revealing. Nilugay ko lang ang buhok ko kasi sabi nila nakakadagdag daw iyon ng ganda.
"I think this is too much, Sed." Reklamo ko habang tinitignan ang sarili sa salamin. Napatingin sa'kin si Sedrick at napalunok ito.
"I-it's good" nauutal na sabi niya. Bumalik ang tingin nito sa cellphone."Wala tayong choice, Nicole iyan ang binigay ng management." Paliwanag naman niya.
BINABASA MO ANG
Blinded ((R-18) COMPLETED)
RomansaJosheen Ye Nathans was the next President of YAN Corp. , his father established this organization to give people an opportunity to reach their goals as an actors and actresses. But his father asked for a grandchild before giving him the position but...