Chapter 20

196 15 2
                                    

Third person's POV

6 years later

Isang lalaki ang naligaw sa isang hindi kilalang lugar. Simple lang ang pamumuhay at walang teknolohiya sa lugar na iyon. Dahil sa kyuryusidad ay naisipan niyang maglibot-libot. May nakita siyang batang babae na mukhang pamilyar sa kanya kaya sinundan niya ito. Tumatakbo ang batang babae at nakikipag habulan sa alagang tuta.

"Sheena?! Napakakulit mo talagang bata ka sinabi ko saiyong hindi ka makikipaglaro sa asong yan. Ikaw talagang bata ka." Napahinto si Sheena ng lumapit sa kanya ang babae.

"Coleen" napalingon ang babae sa lalake. Bakas sa mukha nito ang sobrang gulat.

"B-Buti at nandito ka?" Namumutla nitong sabi sa lalake.

"At last I found you." Naiiyak na wika ng lalake at mahigpit na niyakap si Coleen.

"Mama, bakit ka niyayakap ng stranger?" Inosenteng tanong ng bata.

"Sinong bata ito?" Tanong ni Sheen kay Coleen at tinuro ang bata. Kumunot naman ang noo ng batang babae.

"I'm Sheena Lin Nathans." Sagot ng bata.

Nagulat si Sheen dahil inako nito ang apilyedo niya. Hindi makapaniwalang tumingin siya kay Coleen. Napaluha si Coleen habang tinitignan ang mag-amang nagyayakapan.

"Bakit ka po umiiyak? 'Wag kanang umiyak hindi ka naman inaaway e." Naiinis na wika ni Sheena sa ama. Napangiti ang ama nito.

"Masaya kasi ako." Walang mapaglagyan ang kasiyahan na nadarama ni Sheen.

"Ako naman masaya a pero hindi ako umiiyak. Oa ka lang po talaga." Malditang wika ng bata.

"Sheena?! Hindi ganyan makipag-usap sa nakakatanda." Sita naman ng ina.

"Sorry po Manong." Sabay halik niya sa pisngi ng ama.

"Wag mo akong tawaging manong, papa ang itawag mo sa'kin." Sabi ni Sheen sa anak.

"Papa? Meron naman po ako papa e." Reklamo ng bata.

Natigilan naman si Sheen napaisip siya bigla sa sinabi ng bata. Napakaimposibleng hindi makakita ang babae ng kapalit sa loob ng anim na taon.

"PAPA DAD!" sigaw ni Sheena at lumapit sa lalaking kadarating lang.

"Dad?" Gulat na tanong ni Sheen.

"Mabuti at natunton mo kami." Nakangiting saad ni Aaron sa anak.

"D-Di ba sabi niyo na wala kayong makitang lead." Galit na wika ni Sheen sa ama.

"I lied. Gusto muna naming siguraduhin ni Ethan na hindi nga talaga kayo kambal." Paliwanag ni Aaron.

"6 years, Dad. 6 years akong nangulila." Lumuluhang wika Sheen sa ama.

"Ako ang nagdesisyon. I'm very sorry for hinding from you. Gusto ko lang subukan kong mambababae ka pa kung wala na ako sa tabi mo." Mahabang paliwanag ni Coleen.

"Mauna na kami ni Linlin, Iha" paalam ni Aaron at binitbit ang apo.

"D-Deserve ko bang masaktan ng ganito?" Nakaawang tignan si Sheen nakaluhod ito sa harap ni Coleen at niyakap ang binti ng babae.

"N-No pero kinailangan kong lumayo, Sheen. Masyado mo akong nasaktan at muntik nang malaglag si Sheena. Oo, kasalanan ko rin dahil naging mahina ako pero mas inisip kong mas mabuting magpakalayu-layo nalang muna." Humihikbing paliwanag din ni Coleen.

"I'm sorry, Babe. Kailangan ko lang alagaan si Sweet noon ayaw kung malaglag ang bata at hindi ko alam na buntis ka." Tumayo ito at maingat na niyakap ang babae.

Blinded ((R-18) COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon