Author's Note: Sorry halo-halo English and Filipino. Hahahaha.
Few years ago....
Cast party after their primetime series.
"Cheers!"
"You know, if I were single, I would totally date you." Biglang sabi ni Rita in the middle of their drinking session.
"Alam mo, ang dami mo na talagang nainom. Kung anu-ano nang pinagsasabi mo." Sagot ni Ken na natatawa.
"Alam mo namang mahal na mahal kita, diba?" Seryosong sagot nung isa.
"Oo nga, sabi mo sa akin dati, we have a special bond. Gets ko na yun. Labyu nga din diba?"
"Ken—" Hindi na natuloy ni Rita ang sasabihin dahil tinawag na sila sa stage para magbigay ng farewell message.Napa-rami ang inom ng dalawa kaya naman na-isipan nilang mag-lugaw at uminom ng kape para mahimasmasan kahit papaano.
"Sa Parañaque ka ba uwi ngayon?"
"Hindi, sa condo. Pero hinatid ako kanina."
"Sabay ka na sa amin ni Kuya Arman. Hatid na kita. Text ko nalang kuya mo."
Dumerecho sila sa kainan, walang bakanteng lamesa. Di lang pala sila ang nagpapalipas ng tama.
"Ta, take-out nalang natin. Hatid muna kita sa condo mo."Aalis na sana si Ken ng hinatak siya ni Rita. "Please stay? I have a spare room."
"Pero.."
"I know wala kang taping tomorrow. I know it's your rest day. Just tonight. You can go home early tomorrow if you want?" Dagdag ni Rita, with pouting lips. Alam niyang hindi siya matitiis ng kaibigan kapag naglambing siya.
"Pasalamat ka, malakas ka sa akin."
Nag-text muna si Ken kay kuya na umuwi muna ngayong gabi at sunduin nalang siya kapag tumawag siya kinabukasan.
They were laying on their backs cuddled close to one another. Their feet were sprawled over the edge of the bed, his arms wrapped protectively over her body and her hands resting affectionately on his chest.
If strangers were to see them in their positions, they'd think that they were seasoned lovers. But no; Ken and Rita are just friends, the best of friends for that matter.
"Congrats sa atin Ta, sobrang proud ako sa'yo!"
"Salamat, Ken. Pero yung sinabi mo kanina sa speech, yung kung ano mang mangyari sa atin?
"Oh bakit, may problema ba?"
"Tapos, yung sinabi ko sa'yo sa table kanina. Wala ka pa ring reaksyon...Tinawanan mo lang ako.
"Eh kasi para namang biro yun, Ta. Alam ko kung gano mo siya kamahal. Kilalang kilala kita diba..."
"Seryoso ako doon Ken, nahuhulog na ata talaga ako sa'yo. Kahit parang mali. Alam kong mali... diba sabi mo gusto mo totoo lang tayo sa isa't isa. Eto ang totoo." Pilit hinahanap ni Rita ang mata ni Ken. Umiwas kasi ito ng tingin. Hindi makaila na namumula na ang pisngi nito sa kaba.
He could feel his heart beating fast...
"Uy di na nakakatuwa, Ta ah. Sige na ngingiti na yan...Hindi pa rin?" Napa-buntong hininga si Ken."'Di ko alam anong sasabihin ko." Agad naman niyang binitawan ang pagkakahawak kay Rita, at umupo ng maayos.