Papasok pa lamang si Clara sa kanilang school gate ay pinagtitinginan at pinag-uusapan sa siya ng kanyang kapwa estudyante. Tuloy-tuloy lang siyang pumasok at hindi pinansin ang mga ito.
Lahat ng mga estudyante na naroroon ay iniiwasan siya, tila ba may malubhang sakit na nakakahawa.
"Ayan na siya girl, tumabi tayo baka mabunggo tayo hindi pa naman tumitingin sa dinaraanan."
"Ano ba naman iyan, hindi man lang nagsuklay ang bruha."
" Hey, loser!"
Hindi na pinansin ni Clara ang mga masasakit na salita galing sa kanyang mga kaklase. Hanggang sa pumasok na siya sa silid-aralan nila. Agad niyang sinubsob ang kanyang ulo sa kanyang mesa, hindi na rin siya sumali sa morning activity.
Pagkatapos ng kanilang morning activity ay bumalik na ang mga estudyante sa kani-kanilang silid. Agad namang pumasok si Mr. Davis kanilang P. E teacher.
"Okay class, magpalit na kayo ng inyong mga P. E uniform, maglalaro tayo ngayon ng volleyball. Bilisan niyo!"
"Opo sir!"
Agad naman silang punta sa banyo at nagpalit ng kanilang P. E uniform. Ayaw sanang sumali ni Clara sa laro dahil masakit ang kanyang tiyan, pero tinuloy parin niya para hindi mapagalitan.
Dumiritso na sila sa open court pagkatapos nilang magbihis. Doon kasi gaganapin ang laro. Ilang oras pa ay tinawag na sila ni Mr. Davis para masimula ng maglaro. Habang busy si Clara sa paglalaro hindi niya napansin na maytagos na pala siya.
"Ano ba iyan, may tagos siya." girl 1
"Oo nga girl, hindi siguro niya napansin. Nakakahiya ewww." girl 2
"Sasabihin ba natin sa kanya?" girl 1
"wag na hayaan na natin." girl 2
Ilang sandali pa napansin ni Clara na maykakaiba sa pants niya.
Nako naman! bakit ngayon pa ito nangyari wala pa naman akong dalang sanitary napkin. Nakakahiya.
Umalis na ako paglalaro, maghahanap na lang ako ng mahihiraman na jacket. Pinuntahan ko ang mga babaeng nagkukumpulan sa may hagdanan.
"Excuse me, pwede bang makihiram ng jacket mo?"
"Bakit ako? sa iba ka nalang maghihiram." sagot ni girl 1
"Ikaw nalang Rhea, pahiram please"
"Ayoko ko! ang mahal kaya ng jacket na to. Tapos ipahihiram ko lang sa'yo? No way!" ang malditang sagot ni Rhea
"Kung hindi ka sana tatanga-tanga hindi ka matagosan. Tingna mo tuloy ang nangyari." ang sagot naman ni girl 3.
Pinagtatawanan lang nila si Clara. Kaya tumakbo ito papalayo sa kanila.
Dali-dali kong kinuha ang aking bag sa loob ng classroom, ang ginawa ko tinakpan ko ng bag ang aking palda para di makita ang tagos. Di na ako papasok uuwi na lang ako, ang sabi ni Clara sa kanyang sarili.
Tapos na ang kanilang P. E time kaya tapos na rin ang laro. Pinababalik na ni Mr. Davis ang kanyang mga mag-aaral sa classroom. Hindi man lang niya napansin na kanina pa umalis si Clara.
Habang naglalakad si Clara pauwi iniisip niya kung saan siya kukuha ng pera. Kulang kasi ang kanyang pera pambili ng sanitary napkin.
Alam ko na, baka may pera sa cabinet nila papa.
BINABASA MO ANG
STUDENT-A (Completed)
Teen FictionClara is a middle school student, she is an outcast at school. Her blake life seems to change simula ng makipag-kaibigan sa kanya si Felize a popular student of their school. Started Date: January 24, 2020 End Date : January 26, 2020 Story Rankings...