KABANATA IX

15 10 0
                                    


Umiiyak akong  nalalakad ng hapon na iyon hanggang sa nalimutan ko na lang na papadaanin pa pala ako no Mr. Davis sa faculty office. Dumaan ako sa park nang hapon na iyon gusto ko kasing magpahangin muna bago umuwi sa bahay. Nakita ko na naman ang Panda Bear mascot as usual nandoon na naman siya para sa kanyang FREE HUGS, aalis na sana ako doon nang may humila sa aking damit paglingon ko siya lang pa. Tila nabasa niya ang aking isipan na kailangan ko ng isang yakap kaya niyakap niya ako ng mahigpit pagkatapos niyaya niya akong umupo sa may bench.





Sino kaya itong nasa loob ng mascot na ito?? Hmmm





Ilang saglit pa ay tinanggal niya ang kanyang mascot sa may bandang ulo niya.







Sa wakas malalaman ko na rin kung sino ang mukhang nakatago sa mascot na iyan. Nagbibilang ako ako ng isa hanggang tatlo.





"Pheeewww! Ang init." sambit niya




Habang ako naman ay nakatulala sa aking nakita.





"Yura!???"




"Ako nga!" nakangiting sagot niya





"Isa kang lalaki!??"




"Oo naman, alangan namang babae."




"Pe---pero babae ka eh, saka ikaw ang bestfriend ko doon."




"Sa Fantasy Dash lang babae ang character ko, pero sa totoong buhay lalaki ako. Ikaw nga babae pero sa character mo doon lalaki, hindi ko alam na isa ka  palang middle school student" paliwanag niya.




"Hehehe, ikaw nga tinatawag mo pa akong kuya doon, eh halata namang mas nakakatanda ka sa akin"




"Asus! ikaw talagang bulilit ka, ako nga pala si Billy yung Yura code name ko lang iyon sa fantasy dash. Ikaw ano ang pangalan mo?"




"Clara Bonifacio." ang sagot ko.





"Oh, okay. Nga pala bakit ang lungkot mo yata ngayon may nangyari ba?"





"Wala ito."





"Anong wala? Kitang-kita kaya sa mukha mo na malungkot ka. Sabihin mo na kasi, para saan pa ang ating pagkakaibigan niyan."




"Ano kasi---"




"Kasi sa school namin inaakusahan akong nangongopya ng story, eh hindi naman iyon totoo. Pero ayaw nilang maniwala sa akin pati na ang adviser namin." pagsusumbong ko sa kanya.







"Kawawa ka naman pala. Bakit hindi mo nalang kausapin iyong totoong nangopya sa iyo. Sabihin mo sa kanya na umamin na para matapos na ang inyong problema."




"Sige, susundin ko ang payo mo. Bukas na bukas kakausapin ko siya. Ako'y magpapaalam na rin sa iyo dahil mag-aalas sais na, kailan ko nang uwi eh."





STUDENT-A  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon