KABANATA III

24 10 0
                                    

Napahinto ako sa paglalaro ng may malakas na kumalampag sa pintuan nang aking silid.



"CLARA!! CLARA!! buksan mo ito alam kong nandiyan ka sa loob bata ka!" sigaw ng kanyang amang lasing




Halos hindi makagalaw si Clara sa sigaw ng kanyang ama. Takot na takot kasi siya kapag lasing ang kanyang, pinapalo o di kaya binubugbog siya nito. Matagal niyang tiningnan ang pintuan na malapit nang mabugsan kahit na naka lock pa ito, sa lakas ba naman itong kalampagin.



"Ano ba Clara!! buksan mo ito malilintikan ka talaga sa akin bata ka!"



Hindi ako sumagot sa sigaw ni Papa agad akong pumasok sa aking cabinet upang magtago. Kasi ilang minuto na lang mabubuksan na ang ang pinto. Hindi nga ako nagkamali at nabuksan na nito ang pinto.



" Asan ka bang bata ka! lumabas ka riyan sa pinagtataguan mo dali, punyeta ka talaga!"




Ni libot ni Papa ang buong silid ko ng napahinto siya sa aking cabinet. Akmang bubuksan na sana niyang cabinet ng...




Patay na! Wag sanang buksan ang cabinet parang awa niyo na lord ang mataimtim na dasal ko.




Hindi natuloy ang pagbukas ng cabinet ni Papa dahil lumabas ito sa aking silid. Bumaba na ako sa aking cabinet para tingnan si Papa sa labas kung napaano na, paglabas ko nakita ko nalang na nakatulog na siya sa kanilang higaan ni Mama. Sinirado ko nalang ang pintuan at pumunta sa kusina para uminom ng tubig.




Ilang oras pa dumating na si Mama galing trabaho, nakita niya ako sa may kusina.




"Anong ginagawa mo diyan iha?"



"Umiinom lang po ng tubig ma."



"Ang papa mo?"



"Nakatulog na ma." walang ganang sagot ko




"Lasing na naman ba ang papa mo?"



"Opo ma, wala namang bago eh, araw-araw na lang iyan lasing." sagot ko



Niyakap ako ni Mama. Saka niyaya niya akong maghahapunan na kami, pagkatapos kumain niligpit ko ang aming pinagkainan pagkatapos  kanya-kanya na kaming pumasok sa aming mga silid para matulog.





KINABUKASAN





Maaga akong nagising at maaga rin akong natapos sa daily routine ko sa umaga. Bumaba na ako sa baba para kumain na, wala na sila mama at papa dahil maaga silang umalis ng umagang iyon. Kaya ang ginawa ko ay kumain at pagkatapos nagsipilyo saka umalis na sa bahay papunta sa paaralan.




Diritso akong pumasok sa classroon at hindi pinansin ang mga kaklase ko. Ano pa't wala rin naman silang pakialam sa akin. Umupo na ako sa aking upuan ng lapitan ako ni Felize.





"Hi, Clara" bati sa akin ni Felize



"Ahmm, hello Felize" ang nahihiyang sagot ko




"Felize bakit mo kinakausap iyang si Clara?" singit naman ni Joana





"Gusto ko lang naman makipagkaibigan sa kanya Joana, wala kasing kumakausap sa kanya."




"Bakit ba ang bait mo? kung ako sayo huwag kang makipagkaibigan sa kanya na isang outcast lang naman."




"Joana! wag ka ngang ganyan kay Clara."




"What!? totoo na man eh, isa siyang outcast! kaya nga wala gustong makipag-usap sa kanya."



"
O

kay class, take your seat's. Hawak ko ngayon ang resulta sa story making contest. Okay so heto na third place ay si Clara at ang nanalo ay si Felize." anunsyo ni Mr. Davis





Lahat ng mga kaklase ko ay nagkatinginan, hindi kasi nila alam na sumali ako sa story making contest. Ang alam lang nilang sumali ay si Felize ang school president namin.




" Ohh! Clara, sumali ka pala sa story making contest. " si Beni isa sa mga kaklase ko.





"Kunin mo na ang iyong coupon Clara at ikaw naman Felize kunin mo na rin ang premyo mo." saad ni Mr. Davis





Pumunta na kami pareho sa harap para kunin ang aming premyo.



STUDENT-A  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon