KABANATA V

18 10 0
                                    


Wala na akong nagawa dahil hinila na ako ni Felize sa kanilang sala. Hinintay ko nalang ang oitment niya.




"Ito oh, lagyan mo na iyang paso mo para hindi lumala."




Kinuha ko sa kanya ang oitment saka nilagyan ang aking paso sa may braso.




"Pasensya kana kay Joana ha, ganyan talaga iyan kapag wala sa mood."




"Okay lang, hindi naman niya sinasadya eh. Maghihilom rin naman ito, saka malayo ito sa bituka."




"Ikaw talaga." ang nakangiting sabit ni Felize sa akin.




Natapos na rin kami sa aming food experiment maayos na man ang kinalalabasan nito. Nagpaalam na rin kami sa isa't-isa dahil gabi na rin.




"Bye guys! Ingat kayo pauwi, kitakits nalang tayo bukas sa school."






"Bye Felize!" kuros naming sagot.





Habang naglalakad ako pauwi hindi ko inaasang tinagusan na naman ako.






Ano ba Clara palagi ka nalang tinatagusan. Wala pa naman akong extra pad, wala na rin akong perang pambili.





Tinakbo ko na ang daan, dahil isang kanto nalang bahay na namin. Dali-dali akong pumunta sa kuwarto nila papa at binuksan ang cabinet para kumuha ng pera. Saka naman ako inabutan ni Papa na hawak ang pitaka niya.





"Punyeta kang bata ka! nakuha mo pangmanakaw ng pera." galit na saad sa akin.






"Ano kasi Pa---- kasi---"





Bigla na lang akong sinampal ng napakalakas.





"Aray ko po!! tama na pa! hindi ko na po uulitin pa." ang nagmamakaawang sagot ko.






" Hindi kita pinalaki para pagnakawan ako, buwesit ka!" sabay palo , tadyak at sabunot sa akin.






"Pa tama na!" iyak ko nang malakas  sa kanya.




"Lumayas ka sa harap ko! Layas!"





Lumabas na ako sa kanyang silid. Umiiyak na lang ako ng umiiyak dahil sa sakit na nararamdaman ko.






"Pa----"





"Ano!?"






"Pwe---de bang bigyan niyo ako ng trenta? Kailangan ko lang kasi, sige na pa." pagmamakaawa ko ulit sa kanya





"Puta! may gana kapang manghingi diyan." sabay hagis sa akin ng trenta pesos.






Agad akong lumabas ng bahay para bumili ng sanitary napkin sa tindahan, wala na akong pakialam sa itsura ko ngayon na puno ng mga pasa sa mukha at katawan.





Pagpasok ko sa may tindahan pinagtitingan ako ng mga tao.





"Diyos ko ineng! anong nangyari saiyo?" tanong sa akin ng casher.





"Wala po ito ate, nahulog lang ako,pabili mo ng sanitary napkin " pagsisinungaling ko sa kanya.




"Ito na ineng ang iyong sanitary napkin. Mag-ingat ka sa iyong pag-uwi ineng."





"Salamat po"





Sa aking paglalakad napaiyak na lang ulit ako sa nangyari kanina sa bahay. Papasok na sana ako sa gate ng makita ako ni Mama.




"Anak anong nangyari sayo? Bakit ka nagkaganyan?" alalang tanong sa akin ni mama.





"Ano kasi ma, si papa po ang may gawa sa akin nito. Kasalanan ko naman eh." humihikbing sagot ko





"Ano?? Bakit naman?"






"Kasi----kasi po nadatnan po ako ni papa na kumuha ng pera sa pitaka niya. Nagawa ko lang naman po iyon dahil wala na akong pambili ng napkin ma."





"Diyos ko! Sumusubra na talaga iyang papa mo sa pananakit saiyo."niyakap ko na lang si mama bago kami pumasok sa loob ng bahay.




STUDENT-A  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon