KABANATA X

38 10 0
                                    


Dedicated to : DarkAmethyst07

Dumaan ang mga araw pumasok na rin ulit si Felize, pero ang pakikitungo sa kanya ng mga kaklase ko ay hindi nagbabago ganoon parin ito. Papasok na sana si Felize na classroom ng salubungin siya kaagad ni Joana.

"Hoy Felize! maglinis ka, linisin mo ang mga bintana ang dudumi na oh. Everybody listen to me, huwag niyong tulungan si Felize sa paglilinis ng mga bintana ang makikita kong tinulungan siya ay malilintikan talaga sa akin."



Agad namang sinunod ni Felize ang utos ni Joana. Ang bintana na kanyang lilinis ay puno ng dusk ng chalk, animo'y sinasadya talaga ito. Naawa ako kay Felize kaya kumuha na rin ako ng basahan para tulungan siyang magpunas, wala na akong pakialam sa sasabihin niya.

"Clara, ano ang ginagawa mo!? akala ko ba galit ka sa kanya? bakit mo siya tinutulungan riyan?"



Nilikot ko ang aking sleevless sa aking braso at ipinikita ko sa kanya ang peklat ko na gawa na Joana noong gumagawa kami ng cooking experiment.




"Sigurado ako na hindi naman niya sinasadya ang pagkopya sa akin eh, gaya na lang ng peklat na ito na gawa mo. Hindi mo rin naman ito sinasadya ah, kaya kung ako sa iyo patawarin mo na siya sa kung ano man ang nagawa niya saiyo."





Tinitingnan lang ako ni Felize at hindi kumibo.





" Oo, Felize pinapatawad na kita anopa't naging kaibigan rin naman kita at naging mabuti ka rin sa akin. "




" Salamat Clara at sorry ulit. "





Nilapitan ko siya at niyakap.




" Kalimutan mo na iyon, move on na tayo."




Naging magkaibigan na ulit kami ni ni Felize, sila naman ni Joana ay medyo di pa okay pero gumagawa naman sila ng paraan para magkabati. Nang umaga na iyon naisipan kong lumiban na lang sa klase dahil pupuntahan ko pa si Yura sa park.





-PARK-





Habang papalapit ako sa kinaroroonan ni Yura/Billy nakita kong may tinitingnan siyang  tao. Nilapitan ko nalang siya.




"Hoy! sino iyang tinitingnan mo diyan?" tanong ko sa kanya.




"Kaibigan ko."


.

"Kaibigan mo? bakit hindi mo lapitan?"





"Huwag na, ang totoo niyan ex-friend ko na siya." ang malungkot niyang sagot sa akin.





"Ex-friend?? paano nangyari iyon?" curious na tanong ko.


"Ganito kasi yun, noong college pa kami lagi akong binu-bully ng mga kaklase ko, kaya nang napagod na ako sa kakabully nila sa akin. Ako naman ang nang bully sa kaisa-isa kong kaibigan."



"Eh gago ka pala eh!"



"Alam ko gago ako, pero alam mo? nagsisi na ako sa aking ginawa."


"Kaya ba palagi kang naririto at namimigay ng free hugs sa mga tao  dahil  hinihintay mo siya?"





"Oo."



"Iyon naman pala! ano pa ang hinihintay mo? isuot muna ang iyong custom at bigyan mo na siya ng mahigpit na yakap."




Sinunod naman niya ang aking sinabi at nagsimulang maglakad papunta sa kanyang kaibigan. Noong una nagtataka ang kanyang kaibigan na bigla-bigla itong nangyakap at pinipilit na makawala sa yakap, nang makawala ito agad itong tumakbo sinundan naman ni Billy kahit na nahihirapan sa kanyang custom. Nang maabutan ito ay itinulak naman ito, agad konh dinaluhan si Billy para makatayo natanggal na rin ang mascot sa kanyang ulo.



"Sorry!" ang sabi ni Billy sa kanyang kaibigan.




Lumingon naman ang lalaki pabalik.




"Patawarin mo ako sa aking nagawa, napakagago ko at sinaktan kita, nagsisi naman ako eh." ang umiiyak na sigaw ni Billy.



"Pinapatawad na kita! matagal na, isa lang naman ang hiling ko saiyo huwag kanang magpakita pa sa akin." balik na sigaw ng lalaki saka umalis na.




Umiyak ng umiyak si Billy habang nakaluhod parin. Ilang oras pa naging okey na ang kanyang pakiramdam.




"Okay ka lang?"



"Oo, okay na ako nagawa ko na ang aking misyon ang patawarin niya ako kahit hindi na maibabalik ang aming pagkakaibigan."



Tumango lamang ako sa kanyang sinabi saka tinapik-tapik ang likod niya.



"May sasabihin pala ako saiyo Clara. Ako'y aalis na papuntang Canada doon na ako magpapatuloy sa aking pag-aaral."



"Ano!? kailan ang alis mo? paano ako?"



"Mamayang 5pm na ang alis ko papuntang Canada. Babalik rin naman ako sa tamang panahon kapag tapos na ako sa aking pag-aaral."




"Ang daya naman eh, palagi na lang akong naiiwan."



"May ibibigay ako saiyo pero mangako ka na hindi mo ako iiyakan. Ito mamaya mo na iyan babasahin pagka-alis ko."




"Sulat???"




Ngumiti lang siya sa akin saka nagsimulang maglakad papalayo sa akin, ilang sandali pa lumingon siya sa akin at sinabing...



"Alam mo Clara, masaya akong nakilala ka at naging kaibigan ko, mag-ingat ka at paalam hanggang sa muling pagkikita natin!" kumakaway na sigaw niya.




"Ako rin naman, masaya ako na nakilala at naging kaibigan ka." ang pabulong kong sabi.





Binuksan ko ang bigay niyang sulat sa akin habang papalakad pauwi.



"ITS OKAY TO CRY WHEN YOU ARE  SAD"


Iyan ang nakalagay sa papel na bigay niya sa akin. Napahagulhol nalang ako nang iyak habang papauwi.







-WAKAS-












STUDENT-A  (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon