Chapter 10♥

65 7 0
                                    

Nang matapos ang laban namin sa Radio Broad ay back to normal na ulit.At maghahabol pa ako ng mga lectures...

Nasa room ako ngayon at kasalukuyang nagtuturo si Ma'am Cath pero maya maya ay napansin niya si Nico...

*Nico! kailan mo balak magpagupit ha? pagrereklamo ni ma'am ng mapansin mahaba parin ang buhok ni Nico.

Mahaba kase ang buhok ni Nico,yung parang paba-o na mahaba talaga.Ginagaya niya kase yung hairstyle ni Unique ng IV of Spades.

Lodi niya kase yon eh!

*Yot ma'am.. matipid na sagot ni Nico habang hinahawi ang buhok niya.

Puro naman yot 'tong si Nico.Sino kaya gusto niyang ka-yot?Hihi...

Kakatapos lang magdiscuss ni ma'am ngayon at may hinanda pa siyang seatwork.

Dahil nakinig naman ako ngayon ay tinry kong magsolve mag-isa.Pero dahil di keri ng powers ko ang Math na ito ay ngangopya na lang ako.Well alam kong masama mangopya pero hayaan mo na hehe.

Katabi ko ngayon si Kyla, at nakita kong wala pa rin siyang sagot.

*Wait lang ah..lilibot lang ako,pagbalik ko may sagot na tayo. mahinang sabi ko sa kanya at agad na tumayo.

*Hoy gaga ka ano na namang gagawin mo? tatawa-tawang sabi niya.

Mabilis na lumipas ang oras at maya maya lang ay uwian na.Dahil lumipat na kami ng bahay ay di ko na makakasabay yung mga bessy ko..

Huhuhu mamimiss ko kayo...Musta na kaya kayo jan sa Pinas...Chareng  HAHAHA!!

At habang nag-aabang ako ng jeep ay nagulat ako dahil papunta si Sir Christian dito sa pwesto ko!!!!!

*Oh Viya.. mahinang sabi ni Sir dahilan para mapatingin ako sa kanya.

Ngumiti lang ako kay sir dahil wala naman akong masabi... Kasalukuyan siyang nakaupo ngayon at nakatingin sa cellphone niya.Ako naman ay nakatayo lang dito, ayoko namang maupo doon at tumabi kay Sir baka kung ano pa isipin niya.

Nang may makita akong paparating na jeep ay pinara ko na ito agad.Nang huminto ang jeeo ay agad akong lumapit doon at nagulat ako ng bigla ay tumayo si Sir at sumakay din.Akala ko ay sa harap si Sir uupo pero hindi, dahil dito din siya umupo...

Kaya magkatapat kami ni Sir ngayon!!!

Habang kinukuha ko ang wallet ko ay biglang nagsalita si Sir...

*Viya saan ka?

*Sa Partida po Sir. tipid namang sagot ko at agad na pinagpatuloy ang ginagawa kong pagbibilang ng pamasahe.

*Magkano pamasahe mo Viya?

*Eight po Sir. tipid paring sagot ko.

Maya maya ay inabutan ako ni Sir ng Twenty pesos.

*Viya ikaw na mag-abot sakto na yan, sating dalawa na yan.

Umaygaaaaad!!!

Hala wait!!

Ililibre ba ako ni Sir?♥

Totoo ba ito??Pakisampal nga ako daliiii...

*Hala seryoso po kayo Sir? gulat talagang tanong ko.

Hala hoy hindi ko inexpect ito!!

*Oo ibayad mo na yan. nakangiting sagot ni Sir.

*Sure ka po talaga Sir? nakangiting tanong ko. Dai hindi ako makapaniwala susmaryosep!

*HAHAHA oo nga,ibayad mo na yan. tatawa-tawang sagot ni Sir.

Mukang nakukulitan na sakin si Sir kaya naman tumigil na ako at ibinayad na yung pera.

*Dalawa na po yan,isang Partida at isang Tierra. sabi ko kay Manong Driver at agad na binayad yung pera.

Pagkabigay sakin ni Manong driver ng sukli ay ibinigay ko agad kay Sir syempre.Nilibre na nga ako ng pamasahe kukupitin ko pa ba yung sukli?

*Thankyou po Sir. nakangiting sabi ko.

Ngumiti lang din sakin si Sir.

*Viya matulog ka na ng maaga para tumangkad ka naman hehe..Medyo madugo ang practical research this semester..

Ngumiti lang ako dahil wala naman akong masabi...

Maya maya ay malapit na ko bumaba..

*Dito na po ako Sir. pagpapaalam ko.

*San kaba Viya?

*Dito po Sir... sabay turo ko sa gate namin.

*Ah sige... tipid na sabi ni Sir.

*Sige po Sir...

Umaaaaaygaaaadd....HAHAHAHA!!

Diko na napigilan ang sarili ko dahil kilig na kilig talaga ako!!!

Umaygad lang talaga biruin mo nakasabay ko na nga si Sir sa jeep at take note, kaming dalawa lang ang pasahero doon...Ohmygod solong solo ko si Sir hihi...Tas nilibre niya pa ko ng pamasahe.Goshhh keleg pepe talaga!!

Kanina hindi ko talaga naisip na ililibre ako ni Sir ng pamasahe.Kaya pala siya tanong ng tanong ohmygod yun pala yon... HAHAHA eh basta kinikilig ako mygoooddd♥   ♥
                                               ︶

♥~I Love You Sir~♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon