Chapter 4♥

94 7 0
                                    

Late akong nagising ngayon dahil nagpuyat ako kagabi. Hays bibili na naman ako ng floorwax neto eh, dahil pag late ka kailangan mong bumili ng floorwax para makapasok ka sa room mo, gano'n kase patakaran sa room namin eh hays..ang mahal mahal no'n eh! Sana ol mahal Chareng!

*Hoy late ka na naman! HAHAHA...
maagang bungad sakin ni Kyla, kaibigan ko.

Masaya pa ang gaga -_-

Kinurot ko lang ang pwet niya dahil wala trip ko lang HAHHAHA!

Maya maya ay pumasok si Sir Christian sa room namin.

*Mga anak heto na ang mga natanggap for Radio Broad. Sina Viya at Nico. pagkasabi no'n ni sir ay naghiyawan naman ang mga kaklase ko.

Nakakatuwa ba 'yon?

T_T

Panira naman ng araw 'to, umagang umaga eh ganyan pa ibabalita mo..

Ala na...wala na ko sa mood...

Magbaback-out sana ko pero sinabi ni Sir na hindi pwede.

Ano ba yan eh! Dapat pwede! Teacher lang siya noh at estudyante ako!

Binigyan na kami ni Sir ng Letter Consent para sa pag pull out namin sa klase. Si Nico na ang inutusan kong magpapirma no'n sa mga teachers.

______________________________________

Kinabukasan ay simula na ng practice namin for RadioBroad. Pinaakyat na kami ni Sir sa secondfloor dahil doon daw ang practice room namin.

Pagkaakyat namin ni Nico don ay naupo lang kami sa may vacant seat. Pinaguusapan namin ni Nico na magback out pero kase bawal talaga. Kainis! -_-

Maya maya ay dumating na si Sir.

*Mga anak dito kayo para mapag-usapan natin ang magiging Team Up niyo. Si Fernanda ang magiging Scriptwriter natin. Everyday ay gagawa tayo ng news, at araw araw din natin yung ipapractice.

Oh talaga?edi wow pala char hehe....

Pagkatapos i-discuss samin ni Sir ang magiging takbo ng RadioBroad ay back to normal na naman kami.

Ngunit napa-isip lang ako, kung araw-araw at buong maghapon kaming magpapractice rito, paano na kami magpapractice ni Nico ng sayaw? May zumba dance kasi kaming pinapractice para sa school contest.

Tahimik ulit kami ni Nico sa may lamesa at panay ang sulat namin ng mga lectures. Magkatabi kami ngayon at napapansin kong lagi kaming tinitingnan ng iba pa naming mga kasama dito.

Baka mamaya kung anong isipin nitong mga 'to. Hays ganyan naman lahat eh, mga T.H, puro hinala, hindi naman tama. Ay nako balakayojan.

*Mga anak may pa-miryenda si Ma'am Sheryl satin. Oh kumuha na kayo dito... biglang pagpasok ni Sir bitbit ang isang box na may lamang C2 at Cheesecakes.

Di kami kumuha ni Nico dahil busy kami sa pagsusulat.Maya maya ay inabutan kami ni Sir ng Cheesecake at C2.

*Oh Viya, Nico mag-miryenda muna kayo. Ano ba yang sinusulat niyo? tanong ni Sir habang inilalagay yung pagkain sa mesa at nagtungo sa may bandang likod ko para makita kung ano ba ang sinusulat namin.

*Thankyou sir, sa Filipino po Sir. sagot ko naman.

*Ah...Oh sige kumain muna kayo...

At ngumiti siya sakin. •_•

Jusko Sir wag kang ganyan, baka iba isipin ko. Hmm♥

*Author: Assuming ka talaga ne?

Pagkaalis ni Sir ay tuloy lang kami ni Nico sa pagsulat. Pag nagdadaldalan naman kami ni Nico ay mahina lang dahil ayokong marinig kami ng iba. Baka maissue pa noh mahirap na.

Dumating ulit si Sir at tinanong kung tapos naba ang Script na gagamitin namin.

Habang hinihintay namin yung script ay lumapit sa Sir samin at umupo sa lamesa.

*Viya Mabait ba'ko? pagtatanong ni Sir habang hinahawi pa ang buhok niya.

Ohmygod, nagpapapogi ba si Sir sakin? Hays sabi na eh, crush ako ni Sir eh hihi. At ang hina lang ng pagkakatanong niya, yung tipong ako lang ang makakarinig yieee gusto ata ni Sir na kami lang mag-usap eh yiieee keleg pepe ko..♥

*Opo sir... nakangiti namang sagot ko.

*I mean di naman ba ako terror na teacher? patuloy na tanong ni Sir.

*Di po Sir ah... iiling-iling pang sagot ko.

*Eh Viya, tingin mo ilang taon na ko? panibagong tanong niya.

*Mga nasa around 23 or 24 Sir. sagot ko naman na tila hindi ako sigurado.

*Nako si Viya, nambola pa haha... nakangiting sagot naman ni Sir.Eh?Nambola? Hindi kaya...Totoo sinasabi ko noh! Tatanong-tanong ka jan tapos hindi ka maniniwala? Ay nakoo...

Tapos ngumiti na naman siya sakin. Nakakailang lang dahil tuwing tumitingin sakin si Sir ay may kasama laging ngiti na nagtatagal ng mga tatlong segundo... At take note, dahil hindi lang siya normal na ngiti,alam mo yung ngiting sweet? ganon siya.
Pero kung di mo alam. Heto piso i-google mo.

Pero mukang nakalimutan niya atang nandito si Nico sa gilid ko na panay ang tingin at pakikinig sa pinag-uusapan namin kaya naman hindi na nagtanong pa si Sir.

Maya maya ay nagpaalam kay Sir yung dalawa sa mga kasama namin dito dahil pinapatawag daw sila sa Main Campus kaya naman sinabi ni Sir na bukas nalang daw itutuloy ang practice namin.May two hours pa bago magdismissal kaya bumalik nalang kami ni Nico sa classroom.

Buti naman.Sana laging ganto,walang practice hehe....Tamad na tamad na ko eh...

*Oh bat nandito kayo? bungad na tanong ni Kyla ng makapasok ako sa room.

*Bat ayaw mo ba? kunwari namang nagtatampong sagot ko.

*Ayoko! Dun kana sa practice room niyo! Magsama kayo ni Nico don! pasigaw na sabi niya kaya naman napatingin samin ang mga kaklase ko.Luka luka talaga to!!HAHAHAHA tumigil ka,baka batukan kita jan!

Mabilis na lumipas ang oras at pinabalik kami ni Sir sa practice room dahil kompleto na raw kami at pwede ng simulan ang practice.Pagdating namin ni Nico sa practice room ay sinabi agad ni Sir na hanggang 4:30 ang practice namin ngayon.

*Hala Sir eh may practice po kami ni Nico ng sayaw po eh... agad namang sabi ko.

*Kung matatapos tayo agad siguro pwede na din kayong umuwi non...

Sinimulan na namin ang practice at nakailang ulit pa kami dahil may times na nagkakamali at may times din na umuulit kami dahil kailangan ding i-video.

Maya maya lang ay natapos na din ang practice namin at agad na kaming nagpaalam kay Sir at sa iba pa na mauuna na kami.

*Bye Viyaaaa...Ingat kayo ni Nico yieee..

*Hashtag team VICO yieee HAHAHAHA!!

*IkAW lAnG sApaT nAh 01 walang titibag.... mga pahabol naman na pang-aasar nila.HAHAHAHA mga luka luka talaga tong mga 'to...

♥~I Love You Sir~♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon