Chapter 30♥

100 6 2
                                    

Lumipas ang maraming araw at gano'n parin naman ang routine ko, pumapasok parin ako syempre pero kapag nakikita ko si sir sa campus ay tila winawasak parin ang puso ko.

Bakit kasi gano'n?

Napakadaya talaga ng mundo noh?

May mga bagay na kailangan mo munang paghirapan bago mo makuha.

Pero may mga bagay din na kahit anong sikap at paghihirap mo, hinding hindi mo makukuha.

Bakit?

Kasi hindi siya nakatadhang mapasayo? gano'n ba?

Na kahit anong gawin mo, sa iba parin siya mapupunta dahil 'yon ang nakatadhana sa kanya?

︶︿︶

Baka nga pinagtagpo lang kami pero hindi kami itinadhana.

Baka nga nag-ilusyon lang ako.

Dahil sa totoo, ako lang naman ang kinikilig.

Na ako lang ang may gusto sa kanya, dahil siya, may gusto na palang iba.

Baka nga nag-assume lang ako.

Na baka wala lang naman pala talaga yon, pero iba ang interpretation ko.

Na baka estudyante lang pala talaga yung tingin niya sakin.

Hays.

Akala ko kasi may something eh.

Akala ko may spark.

Yung ngiti niya.

Yung pang-aasar niya.

Yung pagtawag niya sa pangalan ko.

Yung pag-go-goodluck niya.

Yung mga simpleng bagay na ginagawa niya pero kinikilig ako.

Akala ko kase may meaning eh.

Wala pala.

Hays.

Kaya tayo nasasaktan eh, kasi binibigyan natin ng meaning yung mga bagay na dapat wala lang.

Mga bagay na akala natin may something, pero wala naman pala talaga.

Hindi ko naman napabayaan ang pag-aaral ko.Gano'n parin naman.
Nagtuturo parin si Sir sa'min, walang bago do'n.

Pero napansin ko lang na hindi niya na ako masyadong kinakausap.Naging madalang niya na din ako asarin.Maski nga ata sulyap wala na eh.Hindi na rin kami nagkakasabay sa jeep.Kung magkaka-usap man kami ni Sir ay tungkol nalang 'yon sa mga paperworks. Nothing less, nothing more.

Doon ko lang din narealize na baka nga wala lang talaga yon.

Siguro nga nakiki-ayon ang panahon sa pagmo-move on ko, dahil bukod sa mga pangyayaring yan ay lumipat narin kami ng bahay na naging dahilan para hindi na talaga kami
magkasabay pa ni Sir pauwi.

Ngayon lang ako nagmahal ng mas matanda sakin ng ilang taon at guro ko pa.Mahirap pala iyong gano'n.Yung hindi nakiki-ayon ang tadhana sa inyo.

Na kahit pilitin mo mang maging kayo ay hindi mangyayari, sapagkat may mga umaayaw at humahadlang.

Hays.

Siguro nga totoo yung sinasabi ng lahat, na "lahat ng bagay, sa umpisa lang masaya".

Sana pala noon ko pa nalaman na may minamahal na pala siya, para sana hindi ko na tinuloy yung nararamdaman ko sa kanya.

Pero wala eh.

Nangyari na.

Ito nga siguro ang nakatadhanang mangyari samin, sakin.

Pinapakita lang samin ng tadhana na hindi talaga kami para sa isa't isa.

Kaya dapat siguro tanggapin ko nalang na hanggang do'n lang tayo.

Na ikaw ay guro ko lamang at ako ay mag-aaral mo.

At wala ng hihigit pa do'n.

Marahil ay dito na nga magtatapos ang aking kuwento.

Ngunit nais ko lang malaman mo, na hindi ko pinagsisihan ang naramdaman ko sayo, dahil naging parte ka parin ng alaala ko, at kahit hindi naging tayo ay masasabi kong napasaya mo ako.

Magiging masaya nalang siguro ako para sa inyo.

Paalam.

______________________________________

A/N: Hi po sa inyong lahat. Dito ko na po tatapusin ang kwento.Sana ay nagustuhan niyo po ang naging takbo ng istorya, pero kung hindi man po ay pasensya na HAHA. Ngayon lang po ako nagsubok magsulat ng isang istorya.Pero maraming salamat po sa mga nagbasa hehe thankyou muah♥








♥~I Love You Sir~♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon