Chapter 2♥

142 7 0
                                    

Pagkauwi ko sa bahay, nag-ayos lang ako ng mga notebooks ko.Pagkatapos ay nagcellphone lang din ako dahil wala naman akong ibang gagawin.Binuksan ko lang ang facebook account ko at andami agad message doon sa GC namin.

HUMSS(BEH)

pinakagwapo:Hi guys tara ilog bukas!

Tinolang itlog:Arat arat!

Pretty:Hoy lagot kayo kay ma'am pag di kayo pumasok bukas!

LakiPuwet:Wala namang teacher na papasok eh!

pinakagwapo:Tara na absent nalang tayo bukas!

Ma'am Cath:Sige wag kayo pumasok, ingat kayo sa ilog ah ,sana malunod kayoo!muah♥

Ang sweet naman ng adviser namin HAHAHAHAH!!

LakiPuwet:De joke lang po yun Ma'am hehe!

Pretty:Ayan kase buti nga!

Tinolang itlog:Joke lang yun ma'am labyu♥

Pagkatapos ko basahin ang mga mesage nila ay nag-scroll na ako.
Naghahanap ako ng pwede kong ishare, alam mo na sharedposts is life.

Maya maya ang nakita ko ang mga facebook accounts ng mga teacher namin, especially si Sir Christian.Pero hindi ko inadd. Di naman kase ako mahilig mag add ng mga teacher except lang sa adviser namin syempre.

Di naman ako tulad ng iba na iaadd lahat ng teacher tapos iko-close...ay juskooo style niyo bulok mga sipsip eww! Char baka ma-trigger yung iba jan eh HAHA!!

7:30pm na pero still di pa din ako inaantok, kaya naman nagwattpad nalang ako habang nakikinig ng music.

Lumipas ang oras at 8:45pm na, natulog na ako dahil masakit na din sa mata yung makitang may kasama na siyang iba =_= 

Charooot HAHAHAHAH!! masakit na
kase talaga mata ko kakabasa.

Goodnight everyone.Pray before you sleep para iwas masamang elemento hehe..

______________________________________

Kinabukasan, panay lecture lang ang ginawa namin dahil bukas daw ang discussion.Nang umalis na ang teacher namin ay lumabas na din kami para magrecess.

Pero bago ka makapunta ng Canteen ay madaanan mo muna ang Faculty Room.

Tinanaw ko ang Faculty Room para kahit papano ay alam ko kung saan ang lamesa ng adviser namin.

Sa may bandang kanan ang lamesa ng adviser namin at sa kanyang likod sa bandang kaliwa ay lamesa naman ni Sir Christian.

Nang tanawin ko si Sir Christian ay nakaupo siya at kumakain habang nakaheadphone.

Ang gwapo niya sa posisyon niyang yun...♥_♥

Ganyan ka na lang Sir lagi para gwapo ka..pero kahit naman anong anggulo gwapo talaga siya eh...

Pero di ko siya crush noh! -_-

Nang makapunta na kami ng canteen ay andaming tae este tao.Siksikan jusko!Napansin ko lang...pag gantong mga 1st week palang ng pasukan, nagrerecess ang mga estudyante...pero pag tumagal na,wala na tagtipid na...
Ganyan kasi ako eh kaya ayon binida ko lang talaga hehe...

*Aray ko pot---di ko na naituloy ang pagmura ko ng mapansin kong may teacher pala sa gilid ko.

Sino ba naman kaseng di aaray pag inapakan yung paa mo diba?

*Ay sorry, ikaw  pala yan, liit mo kase kaya di kita nakita hehe sorry.

Oh talaga ba? -_-

Siya yung sobrang landing ex m.u ko dati.Si Vincent.One day ko lang siya naging ka M.U, bakit?Kase nga sobrang landi niya! Imagine,may jowa pala siya pero nanliligaw na siya sakin!May pasabi-sabi pa siya na aantayin kita hanggang sa maging pwede na. Utut mo che!! Kaya kayo girls,wag kayo magpapadala sa mga ganyang linyaaaaa...Bulok  na yaaan...

Well change topic. So ayon nga pagkatapos niya magsorry ay ginulo niya pa ang buhok ko at kinurot pa ang pisnge ko.Partida may girlfriend pa yan ah HAHAHAH!

Pagkabili namin ng pagkain ay bumalik na kami sa room.Di dumating ang next teacher namin kaya maingay na naman sa room.Lumipas ang oras at heto na naman.

Si Sir Christian na naman! Hays.

Naglecture lang din kami kay Sir Christian at paniguradong bukas din ang discussion nito.

Gwapo talaga si Sir Christian at chinito pa. May mga tigyawat siya sa mukha pero di yun nakabawas sa pagkapogi niya. Katamtaman lang din ang katawan niya at sakto lang din ang height niya. Kung titingnan mo siyang mabuti ay masasabi mong nasa 25 or 26 na siya. Pero kung di mo siya kilala at nakasuot siya ng uniform ay pagkakamalan mo talaga siyang College Student lang.

Pero hindi ko siya crush ah! Inuulit ko lang!

Habang busy ako kakatitig sa blackboard ay may biglang kumalabit sa likod ko....

Pagtingin ko ay nakita ko si Sir Christian na pasimpleng tumatawa sa gilid...

*Oh hindi ako yoonn... maang-maangang sabi niya ng magtama ang paningin namin.

Relax...wala pa nga akong sinasabi eh...Masyado kang guilty Sir...Di mo nalang agad sabihin sakin kung gusto mo kong hawakan, pumaparaan ka pa sa pagkalabit...Ay nakooo talaga sir....

*Author: Luh ang assuming mo naman ne?

Ngumiti lang ako sa kanya dahil nakatingin samin ngayon ang katabi ko na tila ba iniimbestigahan ang kilos namin. Oh relax ka lang wala kaming ginagawang masama...
May gagawin palang hihi...

*Secretary...please check all the notebooks.. maya maya'y sabi ni Sir ng matapos ng magsulat ang sekretarya namin.

Potek di pa ko tapoooosss!!!!

Tabi niyo nga mga ulo niyo!!!Babatuhin ko yaaaannn!!!!!

Nagmadali na kong magsulat dahil astigin pala 'tong si Sir.Gusto pag nagpalecture tatapusin agad ngayon. As in now na bes!

Para tuloy akong bumalik sa pagkagrade-1 na nagmamadaling magsulat dahil baka hindi ako pauwiin pag di ko to natapos.Wews muka din naman kasing pang-grade one yung height ko eh.Oo na pandak na!!
Haysss ̄へ ̄

♥~I Love You Sir~♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon