Chapter 29♥

86 6 0
                                    

Lunes ngayon at wait wag ka....maaga akong nagising kaya naman hindi ako late ngayon...Napakabilis na lumipas ng araw at tila hangin lang na dumaan ang araw ng linggo.

Kamakailan lang ay nagbirthday ang kaibigan kong si Clarissa.Kinausap niya ako na samahan siyang bumili ng pagkain para kay ma'am dahil nagpapalibre raw ito.

*Ano sa tingin mong pwede kong bilhin?Fries or Burger? tanong niya na tila ba pinag-iisipan pang mabuti kung alin sa dalawa ang magugustuhan ni ma'am.

*Fries nalang mas masarap yon. komento ko naman. Favorite ko kase yon eh, kaya yun ang pinili ko.Malay mo makahingi ako diba? Hihi...

*Eh baka naman hindi mabusog si ma'am do'n? pag-aalinlangan niyang sagot. Kita mo 'to, magtatanong tas di naman ako susundin ay nako Clarissa...

*Mamayang lunch break ko na nga lang pag-iisipan. pagtatapos niya sa usapan namin.

Mabilis na lumipas ang oras at nagbell na para sa lunch break.Pagkakain namin ay agad na kaming dumiretso sa pagbibilhin ni Clarissa.Footlong na ang napili niyang bilhin para kay ma'am at agad naman namin itong dinala sa faculty room.

*Uy samahan mo nga ko magc.r. kalabit sakin ni Kyla sa kalagitnaan ng paglalakad namin.

*Mauna nalang muna kayo sa faculty, magsi-c.r pa raw 'to eh. pagpapaalam ko sa mga kasama namin.

Wala masyadong tao sa c.r ngayon kaya naman mabilis na naka-ihi si Kyla at pagkatapos ay agad narin kaming bumalik sa faculty.Nadatnan namin doon ang mga kasama namin na kakalabas palang ng faculty.

*Nabigay niyo na? pagtatanong ko kay Clarissa pero tumango lang siya bilang sagot sakin.

Sayang! Hindi ko tuloy nasilayan ang irog ko hays...=_=

Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay bakit malungkot si Clarissa? Ano bang nangyari?

*Anong nangyari sayo ba't malungkot ka? pabulong kong tanong ngunit sa halip na sumagot ay tiningnan niya lang ako. Ano bang nangyayari?

Habang patuloy na naglalakad papunta sa room ay tinatanong ko pa rin si Clarissa pero hindi parin siya sumasagot.

*Hoy anong pinag-uusapan niyo? tanong ni Kyla matapos makalapit samin at sumabay sa paglalakad.

*Ewan ko dito kay Clarissa, ayaw sabihin eh. tila batang pagsusumbong ko kay Kyla.

Ano ba kaseng problema? Nakakainis naman 'to eh!

Nang papasok na sana kami ng room ay bigla kaming hinila ni Clarissa papunta sa gilid sa corridor.

*Bakit? Ano bang nangyayari sayo? takang tanong ni Kyla.

*Eh kase... panimula ni Clarissa.

*Ano? Pabitin ka naman eh! Sabihin mo na kase! inis na sabi ni Kyla.

*Eh masasaktan si Viya eh. nakatinging sabi niya sakin na siya namang ipinagtaka ko.

*Bat naman ako masasaktan? nakangiting tanong ko. Natatawa ko kase napakaseryoso ng usapan namin ngayon. Hindi pala bagay samin ang ganito! HAHAHA...

Pero seryoso kinakabahan ako sa sasabihin niya...Napakaseryoso kase ngayon ni Clarissa eh.
Nakakapanibago lang.

*Nalaman ko kase kanina...si Sir Christian pala engaged na.

♥~I Love You Sir~♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon