Chapter 1♥

309 12 0
                                    

Note:First time ko lang po magsulat ng story.Kung marami man pong typographical and grammatical errors, wag mo pong i-judge! Tao lang din po ako at nagkakamali charooot HAHAHAHA!!

Basahin mo po muna bago mo i-judge okay? Wala ng drama drama, basa na!

I hope you'll enjoy it♥

______________________________________

♥ Viya ♥

Nandito ako ngayon sa school at hinahanap ang room ko.Pahirapan pa kase first day of school ngayon.Tinext ko muna si Ella, bessy ko, at the same time classmate ko din.

Compose Message:To Ella Landi
<Hoy girl nasan kaba?Di ko mahanap room natin jusko!>

Received Message:from Ella Landi
<Andito na ko sa room natin, sa dulo lang naman yung atin eh.Hays bilisan mo wala akong kausap dito.>

Hay nako. Alam niya na pala yung room namin di man lang sinabi agad.
Hays mukha tuloy akong batang nawawala dito T_T

Bago lang ang school building na ito pero hindi naman ako nahirapang hanapin ang room na sinasabi ng kaibigan ko.Tinungo ko lamang ang hallway hanggang sa marating ko na ang dulo nito.Nagpunta agad  ako sa dulong silid at bumungad sa akin ang nakapaskil sa pinto na
11-HUMSS B. Bago tuluyang pumasok ay sinilip ko muna ang silid na iyon at nasiguro kong iyon na nga ang classroom na hinahanap ko sapagkat natanaw ko na ang kaibigan kong si Ella doon.

Di ko na siya tinawag pa dahil mukang busy siya doon na nakikipagkuwentuhan kaya naman diretso na akong pumasok at naupo sa bakanteng upuan sa likod niya.Maya maya lang ay dumating na ang adviser namin at syempre parang grade 3 lang kami na nag-iintroduce yourself.

Wews boring...

Konti lang ang teacher na dumating at panay introduce yourself lang din ang ginawa namin.

Pero sa lahat ng teacher na dumating,
ay may isang teacher na kakaiba ang trip...

Pagpasok palang niya ng room ay napansin agad siya ng lahat.Gwapo siya at chinito kaya naman lahat ng babae dito ay kilig na kilig.

*Ohmygod ang pogi ni sir...

*Gosh boyfriend material siya girl...

*grAbeh bhe gwapo niya...sir anakan mo po ako please hihi..

Napairap nalang ako ng marinig ang mga bulungan nila.

Ang lalandi nila juskoo (¬_¬)

Pinagsulat niya kami ng pangalan namin sa isang index card dahil yun daw ang magsisilbing attendance card namin sa kanya.

Patay na..Wala akong index card!!

At dahil babae naman ang katabi ko ay kinapalan ko na ang mukha kong manghingi sa kanya ng index card.

Susmaryosep, unang araw ng pasukan, nakaburaot na agad ako.

Hindi naman siya tumanggi at agad naman akong binigyan ng papel.

*Okay so I just want to introduce myself. I'm Christian E. Santos and I'm your English Teacher.In this room we have one rule.The EOR or English Only Rule.If you're going to ask something,it must be in English so that I can answer it. pagpapakilala niya habang tinitingnan kami isa-isa.

Kakaiba talaga trip niya...

Lahat ata ng mga kaklase ko ay disagree sa sinabe niya.

*If you are done please pass your index card and we will start our introduce yourself game.

♥~I Love You Sir~♥Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon