25

520 30 0
                                    

"Gio... Denise..." Tricia

"Ano na naman Tricia? Nagising na ano naman balak mo ngayon?"

"Baby..."

"I just came here to talk"

"Speak"

"Kamusta ka Gio?"

"Ok na."

"Look. I didn't intend for you to get in that accident, I swear"

"Alam ko Tricia. Aksidente ang nangyare." Gio

"W-why did you save me?"

"Kailangan ba may rason? Mapapahamak ka so I went for rescue, kaya lang di ako nakaiwas"

"Bakit ambait bait mo saken? I-I hated you..."

"If you are hated does that mean you have to hate that person as well? Tricia look, kaibigan ka ni Denise. I swear, everything's fine by me. Sa tingin ko kayong dalwa ang kailangang mag-usap"

"Hindi na." Sabi ko

"Baby, you need it. Go na"

"Ha? Saan?"

"Ako ba yung lalabas para makapag-usap kayo? 😅"

"Gio naman eh!"

"Mag-usap kayo. Tricia, go"

"S-salamat Gio"

"No worries. We're good 😊"

Kahit ayoko lumabas na din ako ng kwarto. Tsk.

"Denise..."

Hindi pa rin ako nagsasalita.

"Denise, I'm sorry... I know words aren't enough pero I'm sorry. I was blinded. Hindi ko nakita kung gano kayo kasayang dalawa. Mas nagdocus ako sa nangyare bago kayo sumaya. Hindi ko nagawang magtiwala kay Gio. Ang iniisip ko is fake lahat. Na hindi totoo. At alam kong mali ako... I'm sorry Denise. I really am. Alam kong ako din ang dahilan bakit na comatose si Gio but nashock din ako sa nangyare. Wala ako sa sarili ko that time, I'm sorry Denise... sana mapatawad mo pa ko..."

Huminga ako ng malalim.

"Gio was able to forgive you... sino ba naman ako para magtanim pa ng galit sayo?"

"H-ha?"

"Nainis ako sayo oo. Dinaig mo pa kasi ang nanay ko. My mom was happier with our relationship than you are. Nagpapasalamat ako kasi nandyan ka nung time na nasaktan ako pero porke ba nasaktan ako ni Gio noon, uulit ulitin na niya yon? Sa nakita mo sinaktan ba ko ni Gio?"

"H-hindi"

"Di ba? All he did was to make me smile. Make me happy. Then there you are trying to prove your own point na ikinapahamak nga ni Gio"

"I'm sorry. I'm really sorry"

"Just... please br happy for me?"

"Oo. I p-promise to support the both of you from now on. Hindi na ko manggugulo"

"Lika nga dito!! Namiss kitang babae ka!"

"Girl😭" Sabay lapit saken ni Tricia.

"Nako jusko girl. Kung nawala saken si Gio papatokhang talaga kita!" Sabay batok ko sa kanya

"Aray girl yung ulo ko naman"

"Lika na sa loob baka kung ano na nangyare sa jowa ko hahaha"

"Salamat girl ah?"

"Magpasalamat ka kay Gio. Napatawad ka niya agad. Saka alam mo namang kaibigan pa rin kita ehh. Alam kong mabuti ang intensiyon mo. Sumobra lang talaga girl"

"Alam ko. Sorry..."

"Ouch!" Gio

"Hala anyare na dun! Lika na dali!"

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon