3

872 49 1
                                    

Giovanni's PoV

Mababaliw na ko kakaisip nasan si Denise. Hindi ko alam magagawa ko sa sarili ko pag may nangyareng masama sa kanya. Hindi naman ako kinakausap ni Tricia. Naiintindihan ko dahil sinaktan ko kaibigan niya. Pero gagawin ko ang lahat makita lang kita Denise...

"Saang beach resort yan Tricia?" Rinig kong sabi ni Rex

"Laiya??? Sige puntahan ko bukas may importanteng lakad lang talaga ako ngayon. Ako na bahala kay Denise. Salamat"

Kahit suyurin ko pa lahat ng beach resort sa batangas gagawin ko makita lang kita Denise.

Dali dali akong nagpunta sa sasakyan ko at nagsimulang ayusin ang pagbyahe papunta sa mga beach resort.

"Tol wala ka pang kain mula kanina baka mapahamak ka!!" Leo

"Kaya ko pa!"

Saka ko na iintindihin ang sarili ko. Saka na yung ako. Lahat ng inisip ni Denise noon yung para lang saken, siya naman ang iisipin ko ngayon.

Ilang beses akong nakaramdam ng hilo habang nasa byahe pero hindi ko iniinda. Kumain na din naman ako kahit itong tinapay na andito sa kotse. Pwede na yon. Ang mahalaga sakin ngayon malamang ligtas si Denise. Malamang okay lang siya.  Hindi man sa emosyonal na aspeto dahil alam kong kasalanan ko, sa pisikal man lang.

"Mahal na mahal kita Denise. Hintayin mo ko. Patawarin mo ko please. Mahal kita sobra pa sa buhay ko"

Dahil na rin siguro sa sobrang puyat at gutom di ko namalayang nagred ang stop light kaya dire diretso ako sa pagmamaneho.

*beeep

"Kung magpapakamatay ka wag kang mandamay! Jusko mga batang ito!!"

"P-Pasensiya na po"

"May dugo ulo mo!!"

Dahil na din siguro sa lakas ng pagkakapreno ko kaya napahampas ulo ko. Buti nga gising pa diwa ko eh. Hehe.

"Ok lang po ako pasensiya na po. Pwede na ba akong umalis?"

"Pagamit natin yan ulo mo!"

"Hindi na po. May hinahabol pa po kasi ako."

"Jusko kang bata ka! Mag ingat ka sa susunod baka ikamatay mo na!"

"Sige po. Pasensiya na po ulit"

Itinabi ko yung sasakyan at kumuha lang ng tissue para punasan yung dugo sa ulo ko. Ipinikit ko lang saglit ang mata ko bago huminga ng malalim.

"Makita mo lang siya Gio. Makita mo lang siya"

Pagkatapos ko magpahinga tumuloy na ko sa pagsuyod sa mga beach resort na posible niyang puntahan. Napapansin ng iba yung sugat ko sa ulo na may dugo pero pinupunasan ko na lang. Si Denise ang kailangan ko makita.

"Sir may Denise Guevarra ba na nakacheckin dito?"

Tanong ko sa information ng resort. Hindi ko na maalala pang ilan to sa napagtanungan ko.

"Sir kaano ano po kayo?"

"Kakilala niya ako."

"Kaibigan po?"

"Is she here? Please just tell me if she's here"

"Yes sir"

Thank God!

"Anong room niya? Please tell me I just need to talk to her"

"Sir gamutin muna namin yang sugat niyo sa ulo"

"Anong room niya please????"

"Gamutin muna namin sugat niyo ser bago namin sabihin sa inyo. Kargo namin kayo pag nahimatay kayo sa pagkaubos ng dugo ser"

"Tsk! Fine!"

Ginamot nga nila yung sugat ko sa ulo. Pagkatapos non sinabi nilang nasa may dalampasigan si Denise kaya dali dai akongg tumakbo papunta don, gumegewang na pagtakbo ko pero wala ako pakialam.

Nang makita ko siya palusong siya sa dagat. Bago pa man siya makapunta sa malalim niyakap ko na siya mula sa likod.

"Denise..."

Simula Pa Nung UnaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon